Dumaan ang dalawang araw matapos ng unang klase.
Sa mga araw na yon ay hindi muna nagturo ang mga professor kung kayat nagkaroon kami ng oras para libutin ang buong Academy.
Katulad nung una ay sabay sabay kaming lumabas ng dormitory at pumunta sa history class namin kay Professor Sapphire Flame.
Mapayapa kaming naglalakad papunta sa unang klase namin at tanging mga tunog lang ang maririnig mula sa'min.
"Sailor Moon!"
"Come back here, Moonlight!" Lahat kami ay tumigil matapos marinig ang mga boses na yon.
Tumingin kami sa likod at nakitang tumatakbo papunta sa'kin ang anak ko samantalang nakasunod naman ang babaeng guro sa kaniya.
Mabilis na yumakap sa binti ko si Moon at tumingin sa'kin ng malaki ang ngiti.
"Hi Sailor Moon!" Maligayang pahayag niya at kumaway pa kung kayat ngumiti naman ako bago siya buhatin.
"Kamusta munting kaibigan, ang gwapo mo naman. Bakit mo ako tinawag?" Tanong ko sa bata na nakangiti namang umiling at yumakap sa'kin.
"I miss you, Mommy Miya." Humigpit ang yakap ko sa kaniya matapos marinig ang bulong niya at tinignan ang babaeng guro.
"Bakit ka tumakas sa klase mo, Moonlight? Napagod tuloy si Teacher sa paghabol sayo. Huwag mo na ulit gagawin yon ha, maging mabait kang bata." Bilin ko at hinalikan ang ulo niya bago siya binigay sa babaeng guro.
"Thank you, Miss Bautista. Hindi naman makulit si Moonlight, ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ang ganitong bagay. Akala niya siguro ikaw ang ina niya dahil pareho kayong konektado sa buwan," tumatawang tugon ng babaeng may magandang mukha.
Itim ang buhok at mata niya, mahahaba ang pilikmata, maganda ang kilay, at mapula ang manipis niyang labi.
"Oo nga po eh, mauna na po kami sainyo. Baka mahuli kami sa klase," paalam namin samantalang tumango naman siya at ngumiti.
Kumaway ako kay Moonlight samantalang ganun rin ang ginawa niya bago magflying kiss.
"Paano ka kaya nakilala ni Moonlight, Ate Freya?" Nalilitong tanong ni Marcus na mabilis ko namang tinugon.
"Lukso ng dugo," simpleng sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad kung kayat ganun rin ang ginawa ng iba.
Habang papunta kami sa classroom ay nakasalubong namin ang grupo nila Kuya Gab.
Tatlong babae, at apat na lalaki.
Nagbigay galang kami sa kanila samantalang ngumiti naman ang dalawang prinsesa habang tinitignan kami.
Base sa mga itsura nila, ang babaeng may dilaw na buhok at bughaw na matang may porselanang kutis ay si Princess Camille Hailey Light.
Ang babaeng may abong buhok at mata na binigyan ng maamong mukha ay si Princess Wendy Smith.
Samantalang ang babaeng matalim kung tumingin at sopistikadang madalas nakataas ang kilay ay si Princess Sapphire Flame Forester.
"Magandang umaga po," magalang na pagbati namin sa kanila.
"Magandang umaga rin, where are you guys going?" Nakangiting tanong ni Princess Wendy.
"Papunta pa lang po kami sa unang klase namin para sa araw na ito mahal na prinsesa." Tugon ko samantalang tumango naman siya.
"Okay, ingat kayo. See you around," balak na dapat naming umalis subalit pinigilan kami ni Princess Sapphire.
"Where did you get your necklace?" Namutla ako sa tanong na yon ng prinsesa.
BINABASA MO ANG
Hunter Squad; Saviours of Destruction
FantasyDalawang dekada na ang kapayapaan sa Light Kingdom, nagtagumpay man ang Orion Squad na tapusin ang kaguluhan noon subalit ito'y magbabalik sapagkat buhay pa ang pinuno ng kasamaan. Saviours Series: 2