Chapter 2.

15 7 0
                                    

Nakangiti kong pinanonood sila Argus at Moonlight na masayang naglalaro sa garden.

Two weeks had passed and Kuya Jay-Jay decided that we should spend time together with our family first before we began our mission.

Mabuti na lang at hindi masyadong malayo ang edad ng dalawang bata kung kayat magkasundo silang pareho.

Argus Ezekiel is four years old, according to my parents they decided to have a new baby when I'm on the headquarters training place.

I took a deep sighed and look at the person besides me.

"Anong balak niyong gawin sa kaarawan niyo nila Gabrielle at Moonlight?" Tanong ni ama at umakbay sa'kin bago guluhin ang buhok ko samantalang sumandal naman ako sa kaniya.

At this moment, our families here on Prix Island having a short vacation.

"Siguradong magtatampo sayo ang kambal at anak mo kung malaman nilang balak niyong umalis bago sumapit ang kaarawan niyong tatlo. Nakausap ko na ang Kuya Jay-Jay mo, pumayag siya na matapos na lang ng kaarawan niyo kayo aalis para gumawa ng misyon." Ngumiti ako matapos marinig yon at yumakap ng mahigpit sa bewang niya.

Magkasundo man ang kapatid at anak ko sa maraming bagay ay may ilang bagay pa rin silang hindi pinagkakasunduan.

"Huhuhuhu, Mommy Miya! Aww, ouchy, it hurts po huhuhu!" Pareho kaming tumayo sa gulat ni ama matapos marinig ang malakas na iyak ng anak ko.

Mabilis namin silang pinuntahan at nadatingan naming hawak ng anak ko ang braso niya habang umiiyak na nakatingin kay Argus na nakangisi naman ngayon.

"What happened baby love, why are you crying?" Tanong ko kay Moonlight matapos yumuko.

Yumakap naman siya sa'kin at pinakita ang braso niya bago umiiyak na tinuro si Argus.

"Tito Agrus, bited Moonlight. It hurt po, huhu!" Umiiyak na sumbong niya at nagpatuloy sa pagngawa.

Tinignan ko ang parteng kinagat ng bunso kong kapatid at tinignan siya.

Napansin kong mabilis siyang nagtago sa likod ni Daddy Kiel kung kayat huminga ako ng malalim.

"Why did you bited your only playmate and nephew, Argus Ezekiel?" Seryosong tanong ni ama sa kapatid kong bakas ang takot sa mga oras na ito dahil mas humigpit ang hawak niya kay Daddy Kiel.

"Shh, stop crying na Moonlight. Your Papa Icen and Papa Ocean will come here later together with Tita Fiona to visit us. Tahan na anak ha," pagpapakalma ko sa bata na humihikbi pa rin hanggang ngayon.

Matapos niya tumahan ay binuhat ko siya at pinuntahan si Daddy Kiel na seryosong nakatingin pa rin kay Argus na sa kabilang banda naman ay nakayuko.

"Ako na po ang kakausap kay Argus, Daddy Kiel. Pero pwede niyo po bang paliguan rin si Moonlight?" Tumingin sa'kin si ama matapos marinig yon at kalaunan ay tumango rin.

Kinuha niya si Moonlight na mabilis namang sumama sa kaniya kung kayat tuluyan na silang umalis.

Samantalang pinuntahan ko naman si Argus kung nasaan siya at bahagyang yumuko upang mapantayan siya.

Tinignan ko ang itsura niya, mula sa perpektong mukha na katulad ng kay Daddy Kiel hanggang sa itim na buhok papunta sa pula niyang mga mata na nakuha kay Mommy Queen.

"Masama ang ginawa mo kanina, Argus. You shouldn't do that to your nephew because hurting someone is bad." Malumanay na pagkausap ko sa nakababatang kapatid.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon