Chapter 19.

9 7 0
                                    

"Mommy," narinig ko ang boses ni Moonlight kung kayat mabilis akong bumangon sa kama

Tumingin ako sa kaliwa at doon ko siya nakita, naluha ako at yumakap sa kaniya.

Matapos maramdaman ang ang mainit niyang katawan at paghinga ay tuluyan na akong umiyak.

God, I miss my little boy.

Nanatili akong nakayakap at umiiyak sa kaniya samantalang hinahaplos naman niya ang likod ko.

Tinignan ko ang mukha niya, mas umiyak ako nang makita na walang sugat o pasa doon.

Ilang ulit ko siyang hinalikan sa magkabilang pisngi bago tinigilan.

"An~ak," nanginginig na tawag ko sa kaniya habang mahigpit siyang hinahawakan.

Natatakot ako na kung bibitawan ko siya ay mawala na naman siya sa'kin.

"Mommy Miya," masayang tawag niya sa'kin at yumakap ng mahigpit kung kayat hindi ko na napigilang humagulgol ng iyak.

He's alive, my little boy is alive.

His breathing, he's hugging me right now.

"I want chicken curry, Mommy Miya. Please," bulong niya sa'kin samantalang tumango ako sa kaniya at humiwalay na sa yakap.

"Sure. Sure anak, I will cook that for you okay?" Masaya siyang tumango sa'kin samantalang muli ko siyang hinalikan sa noo bago bumaba sa kama.

"Take a bath first, Mommy. You smell bad po kasi eh," tumigil ako sa balak na pagbukas ng pinto matapos marinig ang sinabi ni Moonlight.

Tinignan ko ang suot at napagtanto na ito pa rin ang uniporme nung nakaraan, ang ginamit ko nung nakipaglaban kami sa mga demians.

Nahihiya kong tinignan si Moonlight at yumuko ng bahagya upang mapantayan siya.

"Wait for me here, okay?"

"Sure, Mommy Miya. I will po," nakangiting tugon niya kung kayat hinalikan ko siya sa noo at pinaupo sa kama.

Kumuha ako ng tuwalya, ganun rin ang pamalit na uniporme bago pumasok sa banyo.

Tumapat ako sa ilalim ng shower at nilinisan ng maayos ang buong katawan.

Hinilod ko ang katawan gamit ang mga pangkuskos sa banyo, matapos ang sampong minuto ay tapos na ako.

Tinuyo ko ng tuwalya ang sarili at sinuot ang kinuha kong uniporme kanina, matapos kong suotin yon ay lumabas na ako sa banyo.

"Mommy!" Masayang tawag sa'kin ni Moonlight at bumaba sa kama bago tumakbo sa'kin kung kayat ngumiti ako.

Binuhat ko si Moonlight at hinalikan ang magkabilang pisngi bago ang noo saka lumabas ng kwarto.

Mahigpit na nakayapos ang anak ko sa'kin habang tinatahak namin ang direksiyon ng kusina.

Nang makapunta kami doon ay napagtanto naming wala pang kahit sino ang gising,

Pinaupo ko si Moonlight sa pinakamalapit na upuan at binilinan na huwag malikot.

Kumuha ako ng mga sangkap na gagamitin sa refrigerator, matapos gawin yon ay hinugasan ko naman ang mga ito.

Bago ko ito umpisahang hiwain ay tinignan ko muna si Moonlight, mahina akong tumawa matapos makitang nakaupo na siya sa lamesa habang nakatingin sa'kin.

Umiling ako dahil sa ginawa niya, ganyan na ganyan rin ang ugali ni Karsen. Mula noon hanggang ngayon, mahilig umupo sa ibabaw ng lamesa.

Inumpisahan ko ng gawin ang mga dapat sa pagluluto ng chicken curry, habang abala ako sa pagluluto nito ay nakatingin naman sa'kin si Moonlight.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon