"Good day for each and everyone, I know all of you were excited for this special occasion. The leveling examination will be held and celebrated on this day, and to start our program let me give to you the mechanics of this event." Tahimik na nakinig ang lahat sa mga sinasabi ng guro sa unahan.
Tinignan ko ang buong lugar at nakitang halos lahat ng mga estudyante, guro, at maging ang apat na konseho ay nandito.
Nakita ko si Fritzell na nakayapos ang kaliwang kamay kay Ocean samantalang patuloy niyang hinahalikan ang mukha ni Icen.
Mahina akong tumawa matapos mapansin na hiyang hiya ang dalawa dahil tinitignan sila ng mga estudyante.
Nung nakaraan ay natuklasan rin ng lahat na hindi totoo ang kumakalat na balitang buntis si Fritzell, ang babae mismo ang naglinaw na hindi totoo yon.
Kung dati ay kasama sila Icen at Ocean ng mga royalties, ngayon ay hindi na sila kasama sa grupo nila Kuya Gab.
Ayon kay Sapphire, nagdesisyon sila Icen na umalis sa crystal dorm dahil nagkakaroon ng gulo sa tuwing makikita sila nila Kuya Gab at Kuya Matt.
Bumukod sila ng dormitory kasama si Fritzell.
'Are you okay Master?' Narinig kong tanong ni Mirana mula sa utak ko kung kayat nagising ako sa malalim na pagiisip.
Hinaplos ko ang ulo niya habang nakapatong siya sa binti ko.
"Of course, Mirana. This is the perfect time," nakangiting tugon ko at pinagpatuloy ang ginagawa sa kaniya.
"Hanz Marco Ashbluff and Zachary Night." Sila ang unang maglalaban na nagmula sa bronze section.
Malakas nagtilian ang mga tagahanga ng dalawa sapagkat hindi lang sila malakas, may itsura rin.
Si Zachary ang kaklase namin na tahimik lang at hindi gumawa ng kahit anong ingay nang mangyare ang gulo sa pagitan ng grupo namin nila Aviona.
Nakapamulsang pumunta sa stage si Zachary na may seryosong mukha samantalang kumakamot naman sa ulo niya si Hanz.
Nang dumaan siya sa pwesto kung nasaan kami ay nginitian ko siya.
"Gawin mo lang ang lahat na makakaya mo, sapat na yon." Ngumiti rin siya sa'kin matapos marinig ang sinabi ko.
"Salamat Freya," nakangiting tugon niya subalit bakas pa rin sa kaniya ang labis na pangamba.
Tuluyan na siyang pumunta arena kung nasaan si Zachary.
Nawala silang pareho doon at nakita na lang namin mula sa monitor na napunta sila malawak na kapatagan.
Matagal nilang tinignan ng seryoso ang bawat isa, lumipas ang mga sandali hanggang sa bigla na lang tumaas ang lupa kung nasaan si Hanz.
Tumalon siya ng mataas at binato ng mga fire ball si Zachary na mabilis namang binalutan ng earth shield.
Nang tumapak ang paa niya sa lupa ay mabilis nanlaki ang mga mata niya ng may pumulupot na matulis na baging sa mga yon.
Sumigaw siya sa sakit at mabilis na sinunog ng apoy ang mga yon subalit matapos niyang makawala ay nakatanggap naman siya ng malakas na suntok sa mukha.
Mabilis siyang bumangon at sumugod sa kalaban, nagpalitan sila ng mga pisikal na atake.
"Ah!" Daing ni Zachary nang masipa siya sa tiyan ni Hanz.
Gumawa ng fire shuriken si Hanz bago inatake kay Zachary na hindi nakaiwas at tinamaan ng mga yon.
Subalit hindi inaasahan ni Hanz ang malaking ugat ng puno na pumulupot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hunter Squad; Saviours of Destruction
FantasíaDalawang dekada na ang kapayapaan sa Light Kingdom, nagtagumpay man ang Orion Squad na tapusin ang kaguluhan noon subalit ito'y magbabalik sapagkat buhay pa ang pinuno ng kasamaan. Saviours Series: 2