Epilogue.

19 8 0
                                    

Arianna Cassandra Flaire.

Hindi ko nakilala kung sino ang totoong pamilya ko.

All I know is their part of a well known organization, but unfortunately they're all dead.

Simula pagkabata hanggang sa ikalimang taon, nabuhay ako sa ampunan.

Ang sabi ng mga nagtatrabaho doon, hindi ako pwedeng kuhanin ng ibang pamilya sapagkat balang araw ay may kukuha sa'kin.

Hanggang isang araw dumating siya.

"Hello, Arianna. My name is Zhermiya Queen," pakilala niya sa sarili at balak dapat akong hawakan subalit mabilis akong lumayo sa kaniya.

"Don't be scared, I wont hurt you. You can call me Mommy Queen, kami na ang magiging pamilya mo." Nakangiting pahayag niya at tinuloy na ang balak na paghawak sa'kin.

Namangha ako matapos makita ang kakaibang sasakyan.

"Tirex ang tawag diyan, anak. Let's go," tumingin ako sa kaniya matapos marinig ang tawag niya sa'kin.

Nakangiti siya habang nakalahad sa'kin ang kamay, dahan dahan kong binigay ang kamay sa kaniya samantalang hinawakan niya naman ito ng mabuti.

"We're going home, Arianna." Sa unang pagkakataon, naramdaman kong may nagpapahalaga sa'kin.

Magmula ng araw na yon, kinuha niya ako at dinala sa ibang lugar.

Magkasama kaming umalis sa lugar na pinagmulan ko.

Ang lugar kung saan ako nagkaisip at kung saan ko nakilala ang babaeng naging ina ko.

Hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa malaking mansiyon na magiging tahanan ko kasama sila.

"Everyone, say hello to Arianna. She will be your new sister," nagtago ako sa likod ni Mommy Queen matapos nilang tumingin sa'kin.

"Hello, Arianna! I'm Miya, nice to meet you!"

"Hello little sis, I'm Gabrielle, and this little kiddo is Marcus." Pakilala nila sa'kin at matapos nilang gawin yon ay pumunta sila sa'min para yakapin ako.

Nagulat ako dahil sa nangyare kung kayat tumingin ako kay Mommy Queen, nginitian niya lang ako at tumango.

Dahan dahan kong tinaas ang mga kamay ko at yumakap sa kanila hanggang sa naramdaman kong may dumikit sa pisngi ko at napagtantong hinalikan yon ni Marcus.

"H~i, po." Nahihiyang bati niya sa'kin samantalang ngumiti naman ako at hinalikan rin siya sa pisngi.

"Hi," walang mapaglagyan ang saya sa puso ko ng mga oras na yon.

Nakilala ko rin ang asawa ni Mommy Queen.

"My name is Mark Ezekiel, but you can call me Daddy Kiel. Ariella,"

"Arianna po, Daddy Ki~el." Nahihiyang tugon ko samantalang tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

Inumpisahan na naming kumain, kakaiba ang pakiramdam kasama ang bago kong pamilya.

Hunter Squad; Saviours of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon