Chapter 1; I am Margareth

12.5K 172 5
                                    

Author's Note:

Good day to all readers! 😀😃

This is my first time to write a story. Baguhan lang po ako ngunit I love reading kaya sinubukan ko din po gumawa. Ngayon pa lang po, hinihingi ko na po nang sorry ang mga pagkakamali ko sa aking kwento. Grammar, constraction of sentences, spelling, etc.! Pero ang masasabi ko lang po, halos lahat po nang part ng story is true to life i just add some spice para mas gumanda.
Sinisikap ko din po maramdaman nyo ang nararamdaman nang ating mga bida or character sa kwento. Sinikap ko po ilagay sa bawat chapters ang emosyon nang mga karakter habang ngkwekwento sila sa akin. Sana po magustuhan nyo.
Salamat po and enjoy reading!!! 😃😄😁

Love lots,
This_is_me
____________________________________
Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
_______________________________________________________
Payo ni Marya

Huwag mo kasanayan ang pangit sa kinalakihan mo.
Dahil diyan ka huhusgahan ng tao. Maingay at masama na nga lugar mo, magulo at madumi pa ang pagkatao mo.

____________________________________________________________

Margareth's POV
Mainit. Masikip. Magulo. Maingay. Iskwater. Dito na kami na napadpad ng lolo ko mula nang matanggal ito sa pinapasukan kumpanya ng constraction firm may walong taon na ang nakakaraan. Kung dati ay nasa hindi kalakihang bahay kami nakatira na naipundar nina lola noong nabubuhay pa ito, ngayon ay nasa masikip na bahay kami. Napabenta naman ang bahay at lupa sa pagbabakasakali na maiisalba ang buhay ni lola Paulina. Inatake kasi ito sa puso. Ang mga magulang ko naman ay matagal nang pumanaw dahil sa aksidente.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang isang parihabang kwarto na nandito na lahat: kusina, kwarto, banyo at salas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang isang parihabang kwarto na nandito na lahat: kusina, kwarto, banyo at salas. Pumasok ka lang sa may pintuan, tanaw mo na lahat.

Foreman si lolo Sebastian Elises sa isang napakalaking constraction firm. Pero sa hindi malamang dahilan bigla na lang ito natanggal kasama na iba pang napakaraming empleyado ng kumpanya. Matagal na itong naninilbihan sa kumpaya at ang nakakapagtaka wala man lang sila nakuha maliban sa sampung libong piso na para bang napakasama pa ng loob nang iabot sa kanila.

Sweet Innocence CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon