Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
_______________________________________________________
Margareth's POVNagising ako masakit ang likod. Sumasakit din ang balakang ko. Bahagya akong umunat para ikalma ang aking sarili. Naninibago ako sa mga sakit na ito. Hindi ba napaka aga pa maramdaman ko ang mga sakit na to?
Buntis nga ba ako?
Dahan-dahan kong iniunat ang aking mga binti at tinungo ang Cr. Naaalala kong bumili ako ng pregnancy test kit. Kinuha ko mula sa cabinet at inulit ang pagtetest. Makalipas ang mahigit limang minuto...
Positive talaga...
Napabuntong hininga ako. Lumapit ako sa human size mirror na nakakabit sa pintuan ng closet saka tinaas ng bahagya ang suot kong tshirt. Tumagilid ako. Impis pa ang aking tiyan. Sa mga susunod na buwan lalaki na ang tiyan ko at magluluwal ako ng sanggol.
Aalagaan ka ni nanay, anak. At hindi kita iiwan. Pangako ko sa batang nasa sinapupunan ko.
Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Bahagya nga akong nagkalaman. Tama si Andrei pero maputla ako. Sa mga susunod na araw magpapa check up ako. Kailangan ko makaipon ng malaking halaga bago ako umalis dito.
"Anak, huwag ka muna lolobo agad ha." Bulong ko dito. Ayaw ko mahalata ni Andrei na buntis ako. Wala kami relasyon kaya alam kong balewala sa kanya ang bata. Ayaw ko na masaktan kaya hindi na ako susubok pa na abutin siya. Makakasama para sa aming mag ina ang ganon.
Lumabas ako ng silid. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Bukas ang ilaw sa silid ni Andrei. "Nakauwi na pala siya." Nagumpisa na ako maglinis ng kusina kasunod ang salas. Kung dati ay masigasig at mabilis akong kumilos ngayon ay may pag-iingat na ang paggalaw ko. Kailangan ko na magingat dahil may bata nang nakadipende sa akin. Ang aking anak.
It's almost seven when i enter back to kitchen to cook for breakfast. Kasalukuyan akong naghahain nang may maamoy akong amoy pabango ng babae. Bigla na naman akong masusuka. Nagpunta ako sa kitchen sink at sumuka. Kanino kayang amoy yun?
May nagmumulto kaya dito? Ang tapang ng amoy ng pabango na yun. Bumalik ako sa mesa at inayos ang mga kubyertos. Nagtaasan ang balahibo ko nang pakiramdam ko ay may ibang tao sa likod ko.
Pagtalikod ko ay may babaeng papasok pa lang ng kusina. Tumapang at umalikasok na muli ang matapang na amoy ng pabango. Kung ganon, sa kanya pala nanggaling ang amoy na yun. Pero teka sino to?
Suot nito ang polo ni Andrei. Nakabukas ang mga butones nito hanngang sa may pusod. Hindi nito alintana kung wala man siyang suot na panloob. Mas matangkad siya sa akin, mahaba na alon-alon ang buhok. Maganda at halatang sopistkikada. Napaka kinis din nito na halatang alagang-alaga ang kutis. Papasa itong model ng lotion or kahit anong mamahaling pampakinis ng balat.
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
RomanceMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...