Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
_______________________________________________________"One of the most common causes of failure is the habit of quitting when one is overtaken by temporary defeat."
-Napoleo Hill
____________________________________________________________MARGARETH's POV
Nagising ako na lahat ay nakaputi. Alam ko hindi ako sa nasa langit dahil kung nasa langit na ako, wala na ako mararamdamang sakit sa katawan at higit sa lahat ang sakit sa kalooban. Naalala ko na nawalan ako malay habang nasa gitna kami nang kaguluhan sa demolisyon. Yakap-yakap ko ang labî ni Lolo Baste.
Si Lolo nga pala!
Napabalikwas ako nang bangon. Marahil nasa emergency room ako. Pababa na ako ng kama nang awatin ako ng isang Nurse na nakapuna sa pagkilos ko.
"Mam, huwag po muna kayo bumangon. Kailangan nyo pa po ma-obserbahan." Anito at inalalayan akong makaupo ng maayos.
"N-nurse.. May dinala po ba ditong ba-bangkay ng matandang lalaki?" Napakahirap para sa akin ang bigkasin ang paglalarawan kay lolo.
Bakas sa mukha nang kausap kong babaeng Nurse ang pakikiramay. Tumango lang ito.
"Nasaan po ba ako? Ano pong hospital ito."
"San Nicolas hospital, mam."
Agad kong iginala ang paningin sa paligid. Bagong bago ang mga pintura at halatang makabago ang mga gamit. Ang San nicolas hospital ang pinakapribadong ospital na meron ang bayan namin.
"Lalabas na po ako."
"Mam, hindi pa po pwede." Pigil ako ito. "Nurse Jen, tulungan mo ako."
Lumapit ang isa pang Nurse at pilit ako pinigilan. Hindi ako pwede tumagal dito. Mahal ang hospital na to. Wala akong pambayad. Hindi ko alam paano ang gagawin sa labî ni Lolo baste.
"Mam, hindi pa po kayo pede tumayo." Si Nurse Jen.
Pero hindi ako papapigil. Narating ko ang pintuan palabas ng Emergency room. "Hindi na po, Nurse. Okei na po ako. Wala po ako pambayad dito."
"Pero mam, susweruhan pa po kayo." Giit nang naunang Nurse.
Kinumpas ko ang aking braso at kamay tanda ng pagtanggi. "Naku, hindi na po kailangan. Wala po akong pambayad. Yung lolo ko, yung lolo ko na lang po asikasuhin nyo."
"Excuse me, miss..." Mula sa likuran ko, may baritonong boses akong narinig. Sa hindi ko malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko. Napansin ko ding napasinghap ang dalawang nurse na pumipigil sa akin.
Lumingon para makita ang may ari ng tinig.
Lalake. Isang lalake ang may nagmamay-ari sa tinig na iyon. Sa hindi malamang kadahilanan, pumintig nang malakas ang puso ko. Parang kaba ngunit hindi nakakatakot.
Matangkad ito kumpara sa karaniwang mga lalaki nakikita at nakakasalamuha ko. Marahil nasa six feet and four inches ito. Kulay chocolate ang buhok. Bakas ang guhit sa noo nito tanda nang pagkabahala o pagkainis. May makakapal na kilay. Sa kauna unahang pagkakataon nakakita ako kulay asul na mata sa personal.
Ang mga mata nito ay malalim na perpekto ang pagkakahugis. Hindi nangungusap ngunit parang nagbabanta. Parang ngbibigay babala. Kung malantik na ang pilikmata ko ay mas malakapal naman ang dito. Matangos ang ilong pero ang tangos ay parang inuukit ng napakagaling na skulptor sa buong mundo. Mapupula at lalaking lalaking ang mga labi.
Nakasuot ito nang dark navy blue na long sleeve na mainggat na nakatiklop hangang siko ang mga manggas. Black slacks and leather shoes. Nakakita na ako ng ganitong porma. Sa mga magasines or sa tv. At totoo ngang may ganito kagandang lalaking nabubuhay.
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
Roman d'amourMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...