Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
_______________________________________________________
Margareth's PovTatlong araw at gabi nang hindi umuwi si Andrei. Ganun kahaba na din akong umiiyak ng umiiyak. Tulad nang dati nag iisa na lang ako at ako lang din ang kumakain. Mula din nang umagang ipinamukha sa akin kung hanggang saan na lang ako, doon na ako natutulog sa silid na nauna na niyang ipinagamit akin.
Kasalukuyan akong nagsasalansan ng mga groceries na hinatid ng driver ni Andrei ng makita ko ang mga sanitary napkins. Binuklat ko ang drawer kung saan ko pinopondo ang mga unused sanitary napkins.
Bigla ako kinabahan. Lumakas ang tibok ng puso. Kasunod noon ang parang isang malakas na pintig mula sa puson ko.
Kelan ba ako huling nagkaroon? Hindi kami gumagamit ng proteksyon at lahat ay sa loob ko niya nilalabas. Oh my God...
Dali dali akong lumabas ng Suite. Dere deretso ako sa sa botikang malapit. Alam kong may Mercury drug akong nakita na malapit lang sa Condominum building. Pagdating ko sa counter, nagtanong ako ng Pregnancy kit test. Tatlo agad ang kinuha ko para ma confirm ko.
Hindi ko na alam kung paano ulit ako nakabalik sa Suite ni Andrei. Binuksan ko ang kit at paulit ulit na binasa ang direction to use.
One minute... Two minutes... Three..
Iyon na yata ang pinaka matagal na sandali ng buhay ko. Lumabas pa ako ng banyo na para bang tao or may buhay ang dalawang pregnancy kit na ginamit ko at binibigyan ko ng space. Inireserba ko muna ang isa.
Dahan dahan ako pumasok sa banyo. Nakapikit mata ako lumapit sa may lababo ng Cr. Dahan dahan ko binuksan ang mga mata ko...
Two lines...
Parehas two lines...
Napakagat labi ako. Magkaka anak na kami. Ni Andrei. Masaya ako at wala sa loob na napahawak ako sa tyan ko na hindi pa naman halatang may buhay na nananahan sa loob. Napakasaya ko. Ganap na akong babae. Kailangan tong malaman ni Andrei---
Pero maging masaya kaya si Andrei kapag nalaman niyang buntis ako?Muli, nalungkot na naman ako.
Wala nga pala ako alam tungkol sa kanya. Bukod sa pangalan niya at itong suite na to, ano pa ba ang alam ko? Hindi ko kilala kung sino mga magulang niya or kung may mga kapatid ba siya. Saan siya pinanganak at kailan ba birthday niya.
Nakipagrelasyon at nagpagamit ako sa isang istranghero. Hindi ko nga alam kung ano ba ako sa kanya. Hindi ko alam kung mahal ba niya ako or parausan.
Gaga, edi sana kung mahal ka niya, hindi ka sana nasasaktan!
Hindi nga niya ako matanggap, paano pa kaya ang bata sa sinapupunan niya?
Namimigat na ang talukap ng mata ko. Kaya pala antukin ako. Mapait akong napangiti kasunod ang mga luhang naguunahan pumatak sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
RomanceMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...