Dearest readers,
Lakas ko maka-readers samantalang iilan pa lang naman ang mga nakakabasa nang story ko. Pero kahit na, mahal na mahal na mahal ko na kayo! You make my dream come true! Ang may makabasa nang isinulat ko! Hahahahahaha! Uy, seryoso po ako 😀 Marami po talagang salamat. Nakakawala po kayo nang migraine at antok!
Sana ipagkalat nyo pa po ang story ko. Lulubusin ko na, magcomment po kayo. Kahit pangit.. Para naman alam ko kung may dapat pa po ba ako i-improve sa story ko. Salamat po talaga😀 love you po and God bless!Love lots,
This_is_me_______________________________________________________
Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
______________________________________________________
"You don't have to fight for your life anymore. You're starting a new one."
-Eric Brown
____________________________________________________________MARGARETH's POV
"Margarita..." Pamilyar ang boses na tumatawag sa akin. "Margarita, apo ko..."
Si lolo! Boses nga ni Lolo!
"Lolo!" Umikot ikot ako sa paligid. Wala akong ibang nakikita kung hindi kulay puti. Walang kahit ano kung hindi puti lamang.
"Margarita, apo ko. Magiging maayos din ang lahat."
"Lolo, nasaan po kayo?" Pilit ko pa din siya hinahanap.
Nakakapagtaka na hindi ako nakakaramdam ng lungkot sa paghahanap kay lolo Baste. Payapa ang pakiramdam ko. Marahil dahil sa payapa din ang boses na naririnig ko mula kay lolo.
Pero kahit na! Gusto ko pa din siya makita. Makausap ng harapan at mayakap. Hinanap ko pa din siya."Lolo Baste! Hindi ko po kayo makita." Sigaw ko. Umikot ikot ako pero para namang hindi ako naalis sa aking pwesto. Paulit ulit akong sumubok.
"Apo, mahal na mahal kita." Parang nasa likod ko lang ang boses ni lolo.
Bumaling ako at...
BLAG!
Panaginip lang. Pagbaling ko sa panaginip ay marahil siya ring pagbaling ko sa kama. Nalaglag na pala ako mula sa hinihigaan ko. Mabuti na lang carpeted ang sahig.Umayos ako nang pagkakaupo sa sahig saka sumandal sa kama. Niyakap ko ang aking mga tuhod at tumingala.
Si lolo. Napakapayapa ng kanyang tinig. Mabuting tao si Lolo Baste kaya hindi imposibleng nasa langit na siya at mapayapa na. Napangiti ako. Napatitig ako sa wall clock na nasa taas ng pinto.
May kalahating oras mahigit pala akong nakatulog. Tinuwid ko ang mga paa ko at nag unat saka pa ako tumayo at nagtungo sa CR. Naghilamos ako at nagtoothbrush. May mga gamit na pangligo at mga personal hygene ang nasa CR na marahil ay inihanda na para sa akin. Nagsuklay ako at nag ayos nang sarili bago bumaba.
Wala akong ibang damit. Tig tatlong pirasong pang itaas, pantalon at panloob lang ang meron ako. Mula pa iyon sa donasyon nang kawanggawa nina Mayor Villas.
Mula sa hospital ay iyon na ang pinagti-tyagaan ko suotin. Ayos lang naman. Hindi naman ako maarte sa mga damit. Kahit ano ay ayos na para sa akin. Basta disente at malinis tingnan.Sabi ni Sir Andrei, maggpapa-deliver ito nang pagkain. Sa palagay ko ay mabait naman si Sir Andrei kahit na mukha itong suplado.
Naalala ko ang mga tingin kanina ng mga babae sa front desk. May inggit ang mga tingin na iyon. Hindi ko sila masisisi. Napaka kisig nitong tingnan kumpara sa mga karaniwang lalaki. Marami itong hihigitang artista sa kagwapuhan.
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
RomanceMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...