Hi my dearest readers!
Sorry for late update. May pinagdadaanan an inyong ambisyosanh writter. May advice ako, always "BE HONEST" lalo na sa sarili mo.
Love lots,
This_is_me______________________________________________________
Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
____________________________________________________________
"The way to love anything is to realize that it may be lost."
-Gilbert Chesterton
____________________________________________________________MARGRETH's POV
Mag-iisang buwan na ako dito bilang katulong. Halos wala naman ako ginagawang mabigat dito sa condo. Every other day may kumukuha ng mga marurumi o naisuot nang mga damit namin. Ibinabalik iyon sa amin kinabukasan. Noong una, ay naka plantsa na. Pero ako na mismo ang nagsabi na huwag na lang at ako na bahala mamalantsa. Tungkol naman sa mga pagkain at stocks, iniiwan ko na iyon sa silid ni Sir Andrei sa gabi upang mabasa niya. Kinabukasan, dala na mga pinamiling iyon ng isa o dalawa sa mga tauhan nito.
Bago pa man matapos ang taghali tapos na ako sa mga gawain ko. May malaking Smart Tv sa salas ngunit hindi ko naman alam kung paano iyon gamitin. Pati na din ang nakasabit na flat screen sa silid ko.
Hindi ko din alam paano gamitin ang vacuum cleaner. Kaya pinagtya tyagaan ko na lang lampasuhin ang sahig. Sa totoo lang, mas gusto ko pa ang mano-mano. Pinagpapawisan ako. Pinapatay ko din ang centralize aircon doon, binubuksan ko na lang ang pinaka balkonahe ng condo upang umikot ang hangin.
Ibang-iba ang amoy nang hangin sa siyudad kesa sa probinsya. Pero gayun pa man, gusto ko pakiramdam ng malaya at hindi nakakulong.
Nagkakasya na lang ako sa pagbabasa nang mga pahayagan at magazines na regular na nirarasyon. Kahit naman english ang nakasulat doon, nakakaintndi naman ako. Wala lang talaga ako bilib sa sarili ko kapag ako na ang magsasalita. Kadalasan umuubo ako sa sahig sa harap nang salamin na dingding. Nakakarelax para sa akin ang makita ang paligid. Lalo na sa gabi at napakaraming ilaw.
Natututo na din ako magluto pa nang mas maraming putahe. Ginagaya ko ang mga nababasa ko sa magazines. So far, nag e-enjoy ako!
Masarap sa pakiramdam na tuwing gigising ako sa umaga ay nakikita kong ubos ang pagkaing hinain ko kinagabihan. Minsan pa nga ay chine-check ko ang basurahan dahil baka nga itinatapon nito iyon. Pero, hindi kaya alam kong nakakakain siya nang masusustansyang pagkain bago tumungo sa trabaho at pagkadating galing sa kung saan man ito nagpunta.
Si Sir Andrei.
Palagi siyang napakalinis tingnan. Bihira siya ngumiti pero hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Hindi din ako naiilang. Naalala ko pa nung unang araw ko dito. Noong lumabas siyang walang pang-itaas. Napaka ganda ng hubog nang katawan nito. Parang may gumapang na init sa katawan ko. At para ding may nag uudyok sa akin na haplusin ang perpektonh abs nito. Ano nga kaya pakiramdam na mayakap nang mga bisig ni Sir Andrei?
Haayy... Kakaiba palagi ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing magkakatama ang aming mga paningin. Tibok na masaya sa at nakakakilig pa nga kung minsan. And everytime he utters my name, ang sarap sa pandinig.
Ito na kaya ang pagibig? Ito na nga ba ang pagmamahal na tinatawag?
Napailing ako. Hindi naman maaaring kangyari iyon. It can't be. I know, napakadaming mga babae ang nahuhumaling kay Sir Andrei. Hindi ko nga alam kung may girlfriend ito or baka asawa man lang na naiwan sa ibang bansa. Kung wala man itong asawa, for sure napakaraming mas babagay kay Sir Andrei. Mas magaganda, mas sexy. May mga pinag-aralan at sinabi sa buhay.
Napabuntong hininga na lang ako dahil may naramdaman akong mumunting kirot sa puso ko. Naku po! Umiibig na nga yata ako. And i have to do something about this. Masasaktan lang ako. Ang dapat na iniintndi ko ay ang trabaho ko at ang magiging buhay ko.
Dahil ang isang Andrei Montines ay ang pinaka-perfect example ng salitang 'suntok sa buwan'.
____________________________________________________________
How was the eleventh chapter?
I appreciate your votes, comments and suggestions:)Follow me:
Facebook:
https://www.facebook.com/ana.briones.3323Instagram:
https://instagram.com/ana_visco/Twitter:
@ana_visco
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
Roman d'amourMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...