Chapter 18: Glad to meet you, Emerald

3.6K 89 0
                                    

Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
____________________________________________________________
MARGARETH's POV

Kasalakuyan akong kumakain ng lunch nang may magdoor bell. Sino kaya ito? Kakadala lang ng driver ni Andrei nag groceries kahapon. Baka si Andrei na mismo... Kung sakali man, ang aga naman yata nito umuwi. Hayyy, napabuntong hininga na lang ako. Kung siya nga itong nasa labas, nakakailang na naman ang maghapon. Pero kung Andrei to, bakit hindi na lang niya buksan ang pinto kagaya nang lagi nitong ginagawa. May susi naman siya,ah.

Lumapit ako sa pinto saka binuksan. I was so stunned and impress after I saw this gorgeous woman outside Andrei's door. Maamo ang mukha at perfect na perfect ang katawan at mukha. Kung nagkataong lalaki ako, maiinlove ako sa kanya at sigurado yun.

"Hi" bati nito, may nakapaskil na ngiti sa labi nito. Ngiting totoo at friendly. "You must be Margareth..."

Tango lang ang ginawa ko. Hindi ko mahanap ang dila ko. Kaano-ano kaya ito ni Andrei? Kapatid? Girlfriend, asawa? Bigla ako nakaramdam ng pangliliit sa sarili ko. Sa klase ng pananamit niya ano ang laban ko? Simpleng kulay green na dress an suot nito pero para na itong dyosa sa damit niya.

Marahang pagtikim ang pumukaw sa akin. "Can I come in?"

"H-ha.. Ahmm. Sorry, pero sino po sila? Wala po si Sir Andrei dito." I have to be polite, katulong lang ako dito.

"Huwag mo na akong pino-po. I am Emerald Jane Villas." Inaro ng nagpakilalang Si Emerald ang kanyang kamay.

"V-villas.. Kaano-ano niyo po si---"

"Mayor Grego Villas? Oh, he is my first cousin." Agap nito.

Kaya pala parehas sila ng kulay ng maya. At kung titingnan na maigi may ilang features to na hawig kay Mayor. "Pasok po kayo."

Pumasok ito. Diretso ito sa kusina. Kabisado niya ang bahay? Marahil nakakapunta na siya dito dati pa.

"I'm sorry dire-diretso na ako." Kumuha ito ng baso ng at nagbukas ng ref. "Uhaw na uhaw na kasi ako."

Tango lang ako.

"We own this building. At sina kuya Andrei ang engineer nito."

"Talaga?" Hindi ko alam na may kinalaman pala sa construction business ang negosyo ni Andrei. Ngumiti ako.

"Wow! Tuyo at salted egg!" Manghang-mangha si Emerald sa naiwan kong pagkain sa lamesa.

"Pasensya na, kumakain kasi ako nung dumating ka."

"No it's okay! Meron ka pa ba? Miss na miss ko na ang ulam na ganyan!"

Hindi ako makapaniwala. Ang parang dyosa at mayamang babae na nasa harap ko kumakain ng pang-mahirap. "Ahm.. Mam, k-kasi kung gusto mo, ipagluluto na lang kita ng iba." Nakakaalangan naman pakainin siya ng ganun klaseng pagkain. Baka malaman pa ni Sir Andrei sungitan na naman ako nun. Hmp!

She rolled her eyes. "Oh, c'mon Margareth, hindi ako maselan! Bet na bet ko nga ang fishball at kwek-kwek, no! Tsaka, pwede ba? Crop that mam! Hindi mo ako amo, kaibigan mo na ako."

"Eh, kasi..."

"Isang tanong isang sagot, may tuyo at salted egg ka pa ba bukod diyan or wala na?"

"Meron pa, E-emerald. Madami nga..."

Umirit ito ng matinis. Na ikinangiwi ko pero hindi ako naiinis, nagigiliw nga ako sa reaksyon nito. "So what are we waiting for, kain na tayo!"

EMERALD's POV

Unang kita ko pa lang kay Margareth alam kong makakasundo ko na ito. Tama ako, maganda si Margareth. She looks so innocent yet has an undenial bueaty. Matangkad din ito. Pero hindi kasing tangkad ko. Siguro 2 inches an taas ko sa kanya.  Slim and slender body. Kung ipapakilala ko ito sa manager ko sa modeling agency for sure, pasok sa banga an babaeng to.

Sweet Innocence CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon