Chapter 12; How he makes me feel stupid

3.5K 93 2
                                    

Hi readers!

Pagpasensyahan nyo na po ang mga grammer at spelling. Weakness ko po talaga ang spelling. Kahit po mahilig ako magbasa, mahina ang memorya ko sa mga spelling pero matandain po ako sa details.

Pasensya na din po sa mga grammar. Alam ko pong hnd perfecto ang grammar ko. Natutuwa lang po ako magsulat ng kweto lalo na kung sa malapit na kaibagang ang story. Sorry po. Pangaral ko po talaga makapagsulat at makagawa ng story na gaw ko mismo.

Salamat po. Sana magenjoy po kayo. 😍

Love lots,
This_is_me
_______________________________________________________
Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
____________________________________________________________
"Boys never realize how much one little thing can hurt a girl."
-Casey Evans
____________________________________________________________

MARGARETH's POV

Maaga yata si Sir Andrei ko. Ala dos pa lang ng hapon, ah!

Mula nang ma-realize ko na i love Sir Andrei, nawili na ang buong sistema ko na tawagin itong 'Sir Andrei Ko'. Pilit ko man pagalitan ang sarili ko na huwag akong maiinlove, hindi ko naman magawa-gawa! Hangang sarili ko lang naman. Wala naman ako balak na sabihin iyon. Wala naman siguro masama doon dahil wala naman ako balak na sabihin ang feelings ko at isa pa baka mawalan pa ako ng trabaho.

"Good afternoon, Sir."

Tumingin lang siya sa akin. Walang mababakas na ekspresyon sa mukha nito. Mainit yata ang ulo ni Sir Andrei. Para lang akong nadaanan ng hangin. Habang papaakyat na ito sa kanyang silid inutusan naman niya akong buksan ang malaking Smart Tv sa salas.

"Patay..." Mahinang usal ko. Hindi ko alam kung paano.

"I know, that's why I am asking you to turn it on." Narinig niya marahil ang sinabi ko. May asar na himig ni Sir andrei na turan.

Ang lakas naman ng pandinig ng tenga ni Sir, ano kayang klaseng cottonbuds ang ginagamit nito?

Kinuha ko ang remote na nakapatong sa centertable. Tatlong klase ng mga remote yun. Iisa ang tatak or brand ng mga remote. Yun din ang tatak ng nasa smart tv. Kaya hindi ko alam kung alin.

Alin dito?

Sinubukan ko pindutin ang bawat power button sa tatlong remote control. Pero hindi gumagana. Nakasaksak kaya ang tv? Pumunta ako sa harapan ng tv. Tiningnan ko kung alin kaya doon. Pero paano ko malalaman kung aling kable ang nakakunekta dahil flattened ang pagkakakabit ng tv sa dingding?

Sinipat ko malaking tv na sinlaki yata ng kama ko. Wala naman on and off button sa gilid noon. Paano na?

Tinitigan ko ang tatlong remote control na hawak ko.

Paano na? Hindi ko alam gamitin ito.

"Hindi mabubuhay ang tv at mapapanoodan kung tititigan mo lang ang mga iyan."

Napalundag ako sa pagkakagulat when i heard his voice coming down from stairs.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo to turn it on?" He is refering to smart tv.

Napayuko ako gustong-gusto sabihin na hindi ko alam kung paanong bubuksan ang malahiganteng tv na iyon. Sa buong buhay ko naman ay ngayon palang ako nakakita ng ganyang klaseng tv sa personal. Hindi ko nga lubos maiisip na napaka komplikado pala gamitin nang mga ganyang klaseng panoorin.

Bago pumanaw si lolo Baste, paggagawa ng appliances ang naging trabaho ni Lolo. Ngunit hindi ko pa nakikitaan si Lolo na gumawa ng Flat screen kaya wala din akong idea.

"Tutungo ka lang ba diyan, Margareth?"

"Si-sir, S-Sir Andrei, ang totoo po hindi ko alam kung paano buksan..."

"What? It's just a fucking tv?!" He raises his voice. "Ano ang mahirap diyan? For petes sake, mas madali pa nga yan gamitin."

I feel stupid. Ang bobo ko. Pakiramdam ko lalo akong nakaramdam ng awa para saili ko.

"Don't tell me hindi ka pa nakakapanood mula nang dumating ka dito?"

Marahang iling lang ang sagot ko. Mas masakit pala kapag ipinaramdam ng taong mahalaga sakin kung gaano ako katanga.

Silence...

"Margareth..." He calls my name. "Hindi ka pa ba nakakagamit nang tv mula nang dumating ka dito?"

Mas mababana na ang tono nito. Pero gayun pa man, ramdam na ramdam ko ang tonong nitong hindi makapaniwala kahit nakatungo pa lang ako.

"H-hindi pa po..." Hindi ko na napigilan ang isang butil ng luha ko na pumatak. Nakakahiya. Nakakahiya ang isang tulad ko dahil hindi ako makasabay sa ganitong klaseng pamumuhay meron ang mga taga-siyudad.

"For christ sake, Margareth, don't cry infront me!"

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang paghikbi. Iyon na ang sinasabing sinisigawan ako.

He grab those remot controls I am holding. Hindi ko alam kung paano niya binuhay ang smart tv. Nang marinig at makita ko g buhay na ang tv, nag excuse na ako at nakatungong nagtungo sa kusina upang gumawa ng makakain nito.

"Better. Yun lang naman yata ang alam mong gawin tama. Ang magluto. Wonder you still look fit." Pabalya itong umupo sa sofa. Hindi ko nasinilip ang expression ng mukha nito.

Ngayon naman para pa niya akong sinabihan na palamunin.

Mabigat ang loob ko habang gumagawa ng sandwich at fresh orange juice. Marami-rami na di naman akong naging amo pero ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. He makes me feel stupid.

Dahil hindi kasing yaman ni sir Andrei ang mga dati kong naging amo!

Tama. Ordinaryong tao lang din ang mga napagsilbihan ko dati. At isa pa, masakit talaga kapag sa taong special nanggaling kung gaano ka kaignorante sa napakadaming bagay.

Dinala ko ang ilang slice ng sandwiches at fresh orange juice kung sa salas.

"Excuse me, sir." Sinikap kong huwag na magtama ang aming mga mata. "Meryenda nyo po."

Hindi ito umiimik. Pero ramdam ko na nakatitig siya sa akin. "Sir, may ipaguutos pa po ba kayo?"

Hindi pa din ito nagsasalita at hindi ko pa din siya magawang titigan. Natatakot ako mabakas niya ang pait sa mga mata ko.

"Kung wala na po, aakyat na po muna ako sa kwarto ko. Tawagin nyo na lang po kapag maynkailangan kayo."

"How do you want me call you? Do you even know how to use intercom?"

"Po?"

"Intercom. Iyon yung puting hugis square na may speaker at button sa tabi ng pinto mo." Sabay turo nito sa isang dingding na may katulad na intercom din.

Muli. Mukha na naman akong tanga. "Pasensya na po, sir. H-hindi ko po alam"

Bumuntong hininga ito.

"Margareth..." Isa na pa ulit na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Mula ba nang dumating ka dito, hindi ka pa nakakapanood ng tv?"

Iling lang ginawa ko.

"Even in your room?"

Still, iling pa din.

"Hindi ka din sumubok bumama nang building."

Iling ulit.

"Kahit man lang sa labas ng pinto nga condo?"

Again, iling lang. "May kailangan pa po ba kayo, sir?"

He didn't response. Hindi ko alam kung ano expression niya. Hindi ko kasi magawa iangat ang paningin ko.

"Excuse me, sir. Aakyat lang po ako."

____________________________________________________________
How was the twelveth chapter?
I appreciate your votes, comments and suggestions:)

Follow me:
Facebook:
https://www.facebook.com/ana.briones.3323

Instagram:
https://instagram.com/ana_visco/

Twitter:
@ana_visco

Sweet Innocence CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon