Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
______________________________________________________"Technology makes the world a new place!"
-Soshana Suboff
____________________________________________________________MARGARETH's POV
Akala ko sa probinsya pa din nang San Vicente ako titira. Iyon pala ay dito sa Maynila. Kahit nasa boundary ng Luzon at visayas lang ang aming probinsya, first time ko makarating sa maynila. Namamangha ako sa matataas na buildings at dami nang sasakyan na nakikita ko.
Para akong bata namamangha sa nakikita. Dati mga kwento lang ni Lolo Baste ang pinagbabasehan ko. Noon kasing nagtratrabaho ito sa Construction firm ay madalas itong madistino sa maynila. Naalala ko pa noon na pinangakuan niya ako ipapasyal sa maynila na hindi na natupad.
Lolo, nasa manila na ako. Bulong ko sa isip. Marahil sa kakaibang paraan ay tinupad pa din ni lolo ang kanyang pangako. Kung hindi siya nawala ay hindi ako makakakita nang ganito klaseng tanawin. Iyon lamang, sa masakit na paraan.
"We're here." Anunsyo ni sir Andrei.
Pumasok ang minamanehong sasakyan ni Sir Andrei sa isang vicinity. May gwardyang bumati dito. Tiningnan ko ang tinatahak nang sasakyan. May napaka taas na building iyon. Sa bayan ng San vicente hangang limang palapag lamang ang meron. Samantalang ang higanteng building na ito ay hindi lamang dalawangpu--hindi, higit pa sa tatlumpung palapag. Sinubukan ko bilangin pero hindi pa ako nakakasampu ay naduduling na ako.
Pinagbukas kami ng pintuan nang isang unipormadong lalaki. Binigay ni Andrei dito ang susi at sumensyas siyang sundan ko siya. Nag-alangan pa akong pumasok. May nauuna kasi pumasok mula sa bubog na pinto. Nakakapagtakang kusa iyon nagbukas. Dahil sa pagkamangha naiwan ako sa paglalakad. Nauna nang may maraming hakbang si Sir Andrei. At bago pa ako makalapit ay nagsara na ang pinto.
Naku po! Paano na?
Paano ako papasok? Jusko, baka lalo ako lumabas na kahiya-hiya kapag nauntog ako sa pintuan. May password ba na dapat sabihin? Or senyas? Hindi ko naman nakita ngsalita at normal lang naman ang lakad na ginawa ni sir Andrei.
Nakita kong pinagtitinginan na ako ng mga babae sa loob. Nasa likod ang mga ito ng mahabang lamesa. Iyon marahil ang reception area na tinatawag.
Nakakaiyak na. Nakakahiya na. Napatungo na lang ako at hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkakaiba ang probinsya sa syudad. Nakakapanliit.
Nasasakop na ako nang panibugho nang may biglang humawak sa kamay ko.
"Let's go, Angel.. Huwag kang bibitaw sa kamay ko." Seryoso pero may lambing na sinabi ni sir andrei.
let's go, Angel. Huwag kang bibitaw sa kamay ko. Pakiramdam ko, magiging maayos na ang lahat. Na protektado ako.
Naunang naglakad si Sir Andrei at dahil hawak niya ang kamay ko. Nakakasabay na ako sa kanya. Para tuloy akong batang akay akay ng isang ama.
"This kind of door has a sensory ability. It opens automatically kapag may pumapasok or lumalabas." Pagpapaliwanag niya.
Dinig ko ang marahang hagikgikan sa may front desk. Alam ko ako ang pinagtatawanan nila ako dahil pagiging ignorante ko.
"Let's go." Muling hinawakan nito ang aking kamay. Dahilan para matigilan ang mga babae. Kung kanina ay pagtawa at panghahamak ang mababakas sa kanila ngayon ay inggit na. Napaswerte ko nga marahil dahil nakakasalamuha ko ang isang Andrei Howarts.
At makakasama ko pa sa iisang bahay! Hahahaha!
Nagbukas ang elevator. Napakaganda nang elevator. Kulay Ginto ang mga pindutan. Maiihalintulad mo na sa salamin ang pader nito sapagkat kitang kita mo na ang sariling repleksiyon. Kasing laki ito ito nang tinirtirhan naming paupahan sa sangang daan.
Sa taas ng pinto ay may mga numerong lumalabas. Nagulat pa ako nang may nagsalitang mula kung saan.
"Thiry seventh floor" wika nang marahil ay nakarecord nang boses nang isang babae.
Wow, sabi ko na nga ba. Lagpas pa sa tatlumpung palapag ang building na ito. Paglabas namin ng elevator, halos bumaaon ang mga paa ko sa pulang carpet ng sahig. Nagdodominante ang silver at gold na kulay sa pasilyo. May mga nakasabit na paintings. Mga Abstract yata iyon.
Sa gawing kanan sa bandang dulo nang pasilyo tumigil si Sir Andrei. May inilabas itong card. Itinapat niya iyon sa pinto. At Hola! Bumukas ito! Grabe, nakakamangha.
Pintong salamin na kusang bumubukas. Ngayon naman ay pinto ulit na nawawala sa pagkaka lock kapag itinapat ang isang card. Ganito na pala ang naaabot ng telnolohiya ngayon.
Pumasok kami sa loob para lamang mamangha ako sa paligid. Grabe. Isang mansion sa loob ng isang buliding! Napakalawak! Ang paligid ay puti, itim at asul ang nasisilayan. Mula sa mga appliances at sofa na kulay itim. May ilang panig ng dingding na kulay puti at an iba ay asul. Lalaking lalaki ang aura. Nagulat at namangha ako nang may kunin sa tabi ng pinto si Sir Andrei. Pinidot niya an button doon at ang makapal at tuwid na puting animoy papel ay umakyat paitaas hanggang kisame.
Isa pala iyong one way mirror na ding ding. Nilapitan ko iyon, manghang-mangha ako. Nakikita ko mula sa pwesto ko ang paligid, ang taas namin! Napaka liit ng tao, sasakyan at mga istablesyimento.
"I'll show you your room. Sumunod ako. Umakyat kami sa hagdan. Ang unang pinto mula pagakyat sa hagdan ay kanyang silid. May pasilyong kumokonekta mula kanyang kwarto papunta sa kabilang sulok ng unit. Ang pasilyong iyon an nakadikit sa salamin na ding-ding. Binuksan niya ang isa pang silid. Doble lang laki niyon sa tinitrihan namin sa Sangang-Daan. May sarili itong banyo, may nakasabit na tv sa paanan na ang nipis. May aircon. May kama. May aparador at bed side table.
"Take your time. Mag-papadeliver na lang ako ng pagkain natin." Saka walang ano-anong iniwan niya ako sa silid.
Puti ang pangunahing kulay ng kwarto. Umupo ako sa higaan na nasa pinaka sentro ng silid. Napaka lambot. Halos bumaon na ako. Humiga ako. Ganito pala kasarap humiga sa malambot na kama. Parang nasa ulap. Sayang hindi ko man lang ito naiparanas kay Lolo Baste. Huling-huli na ang lahat para makabawi sa kanya.
"Lolo, sorry po." Mahinang usal ko bago ako hilahin ng antok.
____________________________________________________________
How was the seventh chapter?
I appreciate your votes, comments and suggestions:)Follow me:
Facebook:
https://www.facebook.com/ana.briones.3323Instagram:
https://instagram.com/ana_visco/Twitter:
@ana_visco
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
RomansaMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...