Dearest Readers,
Magandang umaga po sa inyo. Kaka-update ko lang po kahapon ng 'Taken For Granted' kaninang madaling araw. At ngayon, update ulet! Hehehe! Alam nyo po, napakadami pong bagong story ang pumapasok sa isip ko. Mga scene and sequences. Pumapasok sila sa isip ko and it makes me more excited! Tapos na-iinspire po ako sa inyo. Naiinspire po ako mahsulat kasi alam kong may readers na ako. Napasaya nyo po ako. Yung nagkwento sa akin nang love story niya, masaya din po. Kasi feeling niya siya so Ina at ang hubby niya si Angelo sa teleseries na Pangako sayo. Hahahaha!
Enjoy reading po! Again,marami po salamat😃😍
Love lots,
This_is_me____________________________________________________________
Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
____________________________________________________________
"Life is a journey,
with problems to solve,
lessons to learn,
but most of all,
experiences to enjoy."
-Karen Bliss
____________________________________________________________MARGARETH's POV
Maaga ako gumising. Four-Thirty pa lang ay nag uumpisa na ako maglinis. Sabi ni Sir Andrei habang wala siya, mayroong naglilinis dito dalawang beses sa isang linggo. Kaya hindi na ako gaanong nahirapan. Dahil marahil sa aircon ang buong lugar kaya wala gaanong alikabok or dumi.
Naalala kong muli ang mga gamit na binigay ni Sir Andrei kagabi. Hindi ako makapaniwala. Simple lang sila pero halata na de kalidad. Pilit ko inaalala kung paano siya nakabili nang mga iyon. Wala naman itong dala nung dumating kami dito kahapon.
May ilang piraso din na mga underwares doon. Namula pa ako nang makita ko ang mga iyon. Saktong sakto sa akin ang sukat. Sa totoo lang mas komportable ako isuot sa mga binigay niyang damit. Noon kasi, mumurahing bra lamang ang nabibili ko at madalas, natatanggal ang wire noon sa ilalim. Kaya ang ending, wireless na ang sinasapit ng mga bra ko. Pati mga panties ay napaka gaan suotin. Napaka swerte naman nang mga mayayaman. They live in comforts.
Maguumpisa na sana ako magluto para sa almusal nang silipin ko ang laman ng ref. Nakakadismaya kasi kakaunti ang laman nito. Halos walang masustansiya sa mga laman ng nito. Malaki pa ito sa tokador namin dati. Iilan lang ang gulay.
Nag-umpisa na ako magsaing sa rice cooker na nandodoon. Nagsteam ako nang gulay. Broccoli, carrots at cabbages. Malamig na ang sinaing ko kaya pede na ito isangag. Mabuti na lang nagtrabaho ako sa canteen kaya may natutunan ako sa pagluluto. Tinuruan ako nang isa sa mga cook doon nang mga tamang paggamit ng spices and herbs para iwas sa mga chemical na panglasa.
Nakagawa ako java rice. Steam lang din ang hotdogs at sunny-side-up eggs. Saktong kakatatapos ko lang maghain nang makarinig ako ng mga hakbang.
"Magandang umaga po---" Jusko! "S-Sir Andrei..." Halos pabulong na lang ang pagkakabigkas ko sa 'Sir Andrei'.
Hindi mapigilan nang mata ko ang maglakbay sa napakagandang tanawin. Wala itong pangitaas na damit kaya kitang kita ko ang maskulado nitong katawan. May six packs abs at matitigas na muscle. Parang ang sarap sumandal. Ano kayang pakiramdam nang mayakap at makulong sa mga bisig nito? Hindi iyon katulad ng mga ibang katawan na sobrang laki at nakakatakot na lapitan. Tamang-tama lang ang sa kanya.
Kung laging ganito makikita ko tuwing umaga, maaga pa lang nagkakasala na ako.
Bumama ang tingin ko at lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakaumbok doon. Naka kulay itim na boxer lang ito. Siguradong malaki iyon! Hind pa ako nakakakita niyon sa personal pero ayon sa mga kaibigan ko na may mga karanasan na, iba iba daw talaga ang laki at hitsura ng mga iyon.
Napatigil ako sa paghagod sa mala adonis nitong katawan nang bahagya itong tumikim.
"Are you enjoying the view, my Angel?" Napatingin ako sa mata nito na parang nangaasar.
Tumalikod ako agad. Nakakahiya! Huling- huli ako!
Ang manyak mo kasi, Margareth!
"M-magandang umaga po ulet, S-sir A-Andrei." Bati ko
"Ganyan ba ang tamang pag bati sa Boss mo? Maragareth?"
"Ahm.." Napalunok ako. Dahan dahan akong lumingon dito ngunit sa sahig ako nakatingin.
"Look at me, Margareth." Tama ba ang naririnig ko? Parang may pang-aakit ang boses nito.
"S-sir? Ka-kasi..."
"Kasi, ano?" He asked.
"Sir, pwede po ba magbihis kayo?" Mabilis kong sabi.
"Why? Hindi mo ba naenjoy ang nakita mo kanina?" Takang tanong muli nito. Ngunit andodoon la din ang parang mapangakit nitong tono
"Hindi, sir" Yan nagsisinungaling ka, Margareth.
"Hindi?!" Lalo yatang na obvious ang pagtataka sa boses nito. Hindi lang talaga ako makatingin dito kasi siguradong mahihipnotismo na naman ako.
"M-malaswa, Sir..." Kagat labi kong sagot.
Walang ano- ano ay umupo ito sa lamesa habang nagbibihis nang white Shirt.
"I want coffee." Nagtaka ako sa inaasal ni Sir Andrei. Galit ba to?
Hindi katulad kagabi. Hindi na niya ako niyaya kumain. Nag excuse na muna ako upang makapunta sa sala at tapusin ang ginagawa ko doon. Hindi ito tumango at tulad dati hindi na naman ito nag sasalita. Para pa ngang walang naririnig. Madilim ang mukha nito habang kumakain.
Hinayaan ko lang ito.
Ilang minuto lang tapos na ito kumain. Para pa rin itong walang nakikita at dire-diretsong umakyat patungo sa kanyang silid. Muli ako bumalik sa kusina.
Napakunot noo ako sa mesa. Marami itong nakain sapagkat lagpas kalahati ng mga hinain ko ay naubos at nakain nito. Yun nga lang, bakit ang kalat niya yata kumain?
Ang tasa ay sa mesanb bubong nakapatong at wala man lamang sa place mat. Tapon tapon ang tubig. May nakasabog na kanin sa sahig at mesa na kung tatantyahin ay nasa tatlong kutsa din iyon. Parang bata ang kumain. Hindi naman ito ganito kumain kagabi, ah.
Naiiling na nagumpisa ako maglinis.
Mayaman kasi.
Kakatapos ko lang maghugas at maglinis ng pinag-kainan nang masalubong ko si Sir Andrei. Napaka gwapo at napaka kisig nito sa pair of tuxedo. Para talaga itong modelo.
Nilagpasan lang niya ako at hindi man lang tinitigan.
"Aalis na po ba kayo, Sir?"
Tumigil ito sa akmang pagbubukas ng pinto palabas. Humarap at blanko ang expression sa mukha. Tumagos sa kaluluwa ko ang tingin nitong parang nanghahamak. Bahagya ako napa atras.
"Do I need to ask for your permission kung aalis ako or hindi?"
Para akong sinampal nang kaliwa't kanan. Pinamukha at pinaalala nito sakin na Amo ko siya at katulong lang ako. Hindi man tuwiran na sinabi sa akin ay alam ko ganoon an ibig ko sabihin. Napayuko na lang ako.
Tinalikuran na niya ako at dire-diretsong umalis.
Totoo naman ang ibig niya sabihin. Pero masakit pala kapag sa kanya mismo manggagaling.
Ang mga dati kong nagiging amo ay madali ko makapalagayan ng loob. Pero sabi ko nga, hindi sila kasing yaman ni Sir Andrei. Yun nga siguro ang dahilan.Bumuntong hininga na lang ako. Ganoon talaga. Ngayon pa lang dapat na ako lumugar sa dapat ko lugaran. Kesa umasa ako na makakasundo ko ang bago kong amo.
____________________________________________________________
How was the nineth chapter?
I appreciate your votes, comments and suggestions:)Follow me:
Facebook:
https://www.facebook.com/ana.briones.3323Instagram:
https://instagram.com/ana_visco/Twitter:
@ana_visco
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
RomanceMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...