Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
____________________________________________________________
Margareth's PovBumalik ako sa Suite na nakatulala at parang lutang ang pakiramdam. Hilam ang mga mata ko at parang sasabog ang puso ko sa galit at pagkamuhi.
"Lady Margareth, maayos lang po ba kayo?" Salubong sa akin ni Aling Salya. Mababakas ang pag-aalala sa tono nito.
Wala sa loob na tinitigan ko ito ng matagal. "Ano ang buong pangalan ng amo mo?"
"P-po?"nauutal na balik tanong nito.
"Ano ang buong pangalan ng amo mo, Aling Salya?" Mababa pero mariin ko tanong.
"Y-young lady, Hi-hindi ko po kayo maintindihan---"
"Ano ba ang mahirap sa tanong ko, Aling Salya? Ano pangalan ng amo mo?!" Nauubusan na ako pasensya. Pangalan lang hindi niya alam? Hindi niya alam ang buong pangalan ng among pinaglilikuran niya? Bakit ikaw, Margareth? Alam mo ba! Isa ka din namang gaga!
Napaatras at napalunok ang ginang sa marahas kong pagtatanong. Pero ano magagawa ko, tao lang din ako at nauubusan ng pasensya.
"Si-si Young Master Andrei po..." Anito.
"Andrei.. Andrei.." Tumatango-tango ako. Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko na nagbabantang muling lumabas. Alam kong sinadya nitong huwag banggitin ang epilyido ni Andrei. My god, pati ba naman ang ginang ay pinagkakaisahan ako? "Sabihin niyo po ang buong pangalan, Aling Salya."
Napasinghap ito. "A-Andrei... Andrei Howarts-Montinez po, Young lady..."
Sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko. Totoo nga. Nagmahal at ginago ako ng isang Montinez. At pinakamasakit pa doon, ama siya ng anak ko. Hindi nagbabago o mababago ang pagmamahal ko sa anak ko pero bakit namin siya pa.
"Margareth..." Mula sa likuran ko ay narinig ko ang mahinang tawag sa akin ng napaka pamilyar na boses. Hindi ako makalingon. Ayaw ko siya makita. Marahil ay narinig nito ang lahat ng pinagusapan namin si Salya. Nakatalikod ako sa pintuan kaya hindi ko nakita ang pagdating nito at marahil sa tindi ng emosyon nararamdaman ko kaya hindi ko na din naramdaman ang presenya niya.
"Paumanhin, Young Master. Hindi ko po intensyon na suwayin kayo." Naluluha na ding paumandin ni Aling Salya.
Suwayin... Ibig sabihin ibinilin talaga nito sa ginang na huwag ipapalam ang katotohanan sa akin.
"You may leave now, Aling Salya. Thank you." Utos ni Andrei.
Ilang sandali pa'y nakaalis na si Aling Salya. Nanatili akong nakatalikod at hindi umaalis sa pwesto ko.
"Margareth, sweetheart, let me explain."
I face him slowly. Sinalubong ko ang mga mata niya ng aking blankong expression. Yakap yakap ko ang magazine na binili ko mula sa convenience store. Nakita kong napadako ang paningin nito sa hawak kong magazine.
"Margareth--" humakbang ito palapit.
"Huwag ka lalapit." Mariin kong utos sa kanya. "Huwag mo akong lalapitan."
"Let me explain, please, Sweetheart."
"Ano pa ipapaliwanag mo? Panibagong kasinungalingan! Lolokohin mo na naman ako? Paglalaruan. Ano ba ginawa ko sa pamilya niyo para parusahan niyo ako ng ganito?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumisigaw na ako at wala nang patid sa pagpatak ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Innocence Completed
RomanceMargareth was all alone. Her lolo Baste left her. She has nothing to be with. No families and no one cares for her. She despised the Montinez for her sudden grieving. If it was not for Montinez, she still had her Lolo Baste with her. She would hav...