CHAPTER EIGHT

959 18 18
                                    

[08]
Megan Irine's Point of View

TULALA AKO habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng puting bistida at sandals na hindi naman masyadong mataas ang takong. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ba hindi ako tumanggi? Pwede naman akong mag dahilan na madaming gagawin kahit ang totoo ay wala naman. Imposibleng ginusto ko 'to?

"Trabaho lang 'to!" tumango ako habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin.

Bago ako lumabas ng kwarto ay naglagay ako ng liptint at nag spray ng pabango. Sobrang kabado ako habang naglalakad papunta ng sala. Pinasadahan ko ang buhok ko, sinuklay ko iyon gamit ang kamay dahil hinayaan ko lang itong nakalugay.

"Sir Kendrick." iyon agad ang nai-usal ko nang maabutan ko itong nakaupo sa may sofa sa sala. Nakadequarto ito habang busy sa pag gamit ng cellphone. Mukhang kanina pa siya naghihintay dito.

Gwapong gwapo siya sa kaniyang kasuotan. Napaghahalataan talagang ganito ang style ng pormahan niya. Ang mga damit nito ay puti at itim lang dahil gano'n lang naman ang kulay na nakikita kong suot ng lalaking ito, maging sa sapatos kay gano'n din. Magkakaiba lang ng brand.

Mabilis na ibinulsa ni Sir Kendrick ang kaniyang cellphone ng makita niya ako. Nagtapat ang tingin namin pero madali akong umiwas dahil hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa nangyare kanina.

"Let's go." sabay lakad papalabas ng bahay. Kunot noo naman itong sinundan.

Tahimik kami habang nasa biyahe at tanging ingay lang namaririnig mo ang kantang pinapatugtog. Iling-iling lang akong natatawa  sa kinauupuan ko dahil mukhang inlove ang boss kong 'to pano ay pulos love song ang nasa playlist.

Hindi ko inaasahan na nakakatulog ako ng gano'n kabilis habang nasa biyahe. Marahil dala na rin siguro ng antok dahil maaga akong nagising kanina.

Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko, alam kong nananaginip lang ako dahil imposible namang gawin sa 'kin ni Sir Kendrick ang bagay na iyon.

Nagising na lang ako sa pagkakatulog nang biglang tawagin nito ang pangalan ko. Pagmulat ng mata ko ay medyo napahikab ako. Narinig ang pagtawa ng mahina ni Sir Kendrick kaya napalingon ako dito. Kapal ng mukha ko dahil sinamaan ko siya ng tingin na ikinagulat niya, maging ako kaya dali-dali akong umiwas ng tingin.

"We are here." aniya.

Napalingon naman agad ako sa bintana. Nasa tapat kami nang medyo may kalakihang coffee shop, napatitig ako sandali doon.

"That's my coffee shop."

Napalingon ako kay Sir Kendrick, 'yong ganitong ka-gwapong lalaki? Coffee shop ang business?

Muli akong lumingon doon shop. Mukhang bago at inaayos palang ang ibang gamit doon. Kitang-kita dahil salamin ang pader niyon. Medyo makalat doon sa loob. Mukhang ito ang pinagkakaabalahan niya tuwing wala ito sa mansyon.

"I have a coffee shop and hotel business in California," dagdag niya pang saad, tumango lang ako pero ang paningin ko ay nanatili sa shop.

Mukhang mahal niya talaga 'yong ganitong business. Pero bakit niya ko dinala dito?

Pumasok kami sa loob. Talagang sobrang kalat, ang ibang gamit ay hindi nabubuksan dahil madaming kahon dito na may laman. Sa may counterside ay mukhang patapos na, pero  ang mga cabinet doon ay hindi pa nalalagay pero naka-assemble na.

Mukhang alam ko na kung bakit kami narito. Bigla tuloy akong nainis dahil nag dress at naka heels pa naman ako dahil ang akala ko ay kung saan kami pupunta. Mukhang paglilinisin lang ata ako ng kalat dito.

Ano pa bang inaasahan mo gagawin n'yo, Megan? Impossible ang iniisip mo!

"When I was young, I really wanted to have this kind of business." bigla akong natigilan nang magsalita itong muli. Humarap ako sakaniya. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa upuan na nakaharap sa may counter table.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Where stories live. Discover now