[23]
Megan Irine's Point of ViewILANG LINGGO na ang lumipas nang nakabalik kami sa mansyon. Matapos ang tatlong araw na para kaming mag-asawa ni Kendrick ay bumalik na kami sa reyalidad.
Sa halos araw-araw na dumating ay para kaming tangang nakikipagtagu-taguan sa kaniyang pamilya. Ni-isang beses ay walang nakakahalata sa amin. Napapadalas rin kasi ang aming ginagawang milagro sa kwarto na mahiwaga para sa aming dalawa. Kwarto kung saan nagsimula ang lahat ng meron sa amin ngayon.
"Hey!"
Halos malaglag ang pinggan nahawak ko nang gulatin ako ni Kendrick mula sa aking likuran.
"I miss you!" bulong niya sabay yakap sa akin. Mabilis kong tinapik ang kamay niyang nasa may tyan ko kaya agad naman niya iyong natanggal. "What?!"
"Anong what? Nakakalimutan mo atang nasa bahay n'yo tayo." inis kong sabi sa kaniya.
"So?" muli niyang isiniksik ang sarili sa akin. Agad naman ako napapitlag.
"Paano pag may nakakita sa 'tin?"
"E 'di may mata sila."
Inis ko siyang hinarap nang matapos sa ginagawa ko. "Ano ba, Kendrick?! Umayos ka nga, baka makita tayo ni Nanay Doris."
Matunog 'tong napabuntong-hinga. "Fine! Let's have a dinner outside na lang."
Kinunutan ko siya ng noo. "Madami pa kong ginagawa."
"I'll help you then,"
Gusto kong mainis sa kakulitan ng lalaking 'to. Ito ang kahina ko pagdating sa kaniya, ang pagiging makulit niya. Kahit pa yata libo-libong rason ang sabihin ko sa kaniya ay may ibabato siyang salita sa akin.
Sumapit ang gabi. Mabuti na lang ay maaga rin kaming natapos sa gawaing bahay dahil tinutuo ni Kendrick ang sinabi niya, tinulungan niya talaga ko maging si Nanay Doris. Panigurado akong magsasabi nanaman iyon sa 'kin pag nagkaroon nanaman siya ng oras makipag kwentuhan. Si Maeve naman ay talagsa nalang kaming magkasalubong dito sa bahay dahil abala ito sa pag-aaral, ang sabi ni Kendrick ay abala ito dahil sila ang ilalaban ng fiancée niya. Nakakatuwa lang dahil mukhang okay na 'yong dalawang 'yon. Kahit pa gano'n ang sitwasyon nila ay hindi nila pinabayaan ang pag-aaral.
"Let's go?"
Nginitian ko si Kendrick bago niya ko tuluyang alalayan pumasok sa kaniyang kotse.
Hindi mawala ang ngiti ko sa aking labi habang sinusundan ng tingin si Kendrick. Napaka-gwapo niya sa simple niyang suot na puting longsleeve habang nakatack-in sa kaniyang itim na pantalon. Mabuti na lang talaga ay may itim na kong dress na silky ang tela niyon na nabili ko noon, kaya mukha namang bagay ang damit ko sa suot ng lalaking 'to kahit pa hindi lang magkasing mahal ang gamit namin. Medyo labas rin talaga 'yong dibdib ko sa suot ko pero pinayagan ako ni Kendrick sa gano'n pananamit. Normal lang siguro ang ganitong sa kanilang mamayaman.
Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay biglang hinawakan ni Kendrick ang kaliwang kamay ko. Nilingon ko siya nang bigla niyang halikan ang likuran niyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hinalikan niya ang kamay ko at bilang babae malaking epekto 'yon sa akin.
"I have a surprise for you."
Kahit pa hindi nakatuon ang paningin sa akin ni Kendrick ay alam kong nakamasid siya sa akin.
Simpleng salita pero halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Ito ata ang kauna-unahan naming date ni Kendrick. Kaya walang mapaglagyan ng tuwa sa puso ko.
Hindi na binitawan ni Kendrick ang kamay ko kahit pa nag mamaneho ito. Marahan niyang pinipisil-pisil iyon kaya naman hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/363395658-288-k879790.jpg)
BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
RomanceLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!