[06]
Megan Irine's Point of View"WHO ARE you?" nakangiwing nilingon ni Sir Kendrick si Ryder.
"Ikaw ang sino!?" inis itong tinulak ni Ryder sabay hinawakan sa kwelyo nito. "Kilala mo ba 'yang kasama mong babae, tol?! Girlfriend ko 'yan!"
Pekeng natawa si Sir Kendrick at sarkastikong tinignan si Ryder. "Oh really? Girlfriend? Baka ex-girlfriend?" madiing sabi nito na ikinagulat ng mukha ni Ryder. Nakita kong umagat ang gilid ng labi ni Ryder, mukhang nagtitimpi sa galit.
"Nakipag hiwalay na 'di ba? So, ibig sabihin hindi mo na girlfriend. Get lost!" tinanggal ni Sir Kendrick ang kamay ni Ryder kaniyang kwelyo at lumapit ito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, pero agad din niya iyong nabitawan dahil hinila ito muli ni Ryder ay akmang sasapak pero agad ng salita si Sir Kendrick.
"Don't you even dare to punch my face, I swear you will regret it."
"Fuck you!" inis tong tinulak ni Ryder at bumaling ito ng tingin sa akin, napaatras ako ng humakbang itong papalapit sa akin.
"Baby, please."
"Ano b-bang kailangan mo, Ryder?" sinikap magmatigas, kahit ngayon lang.
"Let's talk, please." bigla niyang inabot ang kamay ko at bigla itong lumuhod sa harap ko. "Please, baby." halos mag makaawa ito.
Napalingon ako kay Sir Kendrick, lumayo ito sa gawi namin. Si Ryder ay nanatiling nakaluhod sa harap ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito, noon kasi sa tuwing nakikipag hiwalay siya ay ako nag nagmamakaawa sa harapan niya.
"Kaya ba nakipag hiwalay ka sa 'kin dahil sa lalaking 'yon?" iyon agad ang salitang narinig ko sakaniya ng tumayo ito. Hindi ako nakasagot, nanatili lang akong nakatitig sakaniya.
"Sagutin mo ko, Megan! Ano, boyfriend mo na ba 'yon!?" nagulat ako ng biglang lumakas ang boses nito. Gusto kong magsalita, gusto kong sabihin na hindi pero may pumipigil sa akin na mag salita.
"Ano?! Kaya ba pinagpalit mo ko ay dahil mas mayaman siya kaysa sa akin?!" para itong tangang napasabot sa kaniyang buhok.
"Fuck!" bigla niyang sinipa ang gulong ng sasakyan na nasa gilid namin.
"Don't tell me, mas magaling siya sa kama ka—" hindi nito natapos ang sasabihin niya dahil agad na lumapat ang palad ko sa mukha niya.
"Tangina, Ryder. Ganiyan ba talaga kababa 'yong tingin mo sa 'kin?" matalim ko siyang tinignan.
Kung kanina ay awa ang nararamdaman ko sakaniya, ngayon naman ay napalitan ng pagkakadismaya. Mukha tama ang desisyong ginawa kong pakikipag hiwalay sakaniya, punong-puno na ako sa ugali ng isang 'to!
"Sorry." halos namilog ang mata ko sa salitang binitawan niya, iyon ang kauna-unahan kong narinig sakaniya ang salitang iyon. May kung anong humaplos sa puso ko sa isang salitang iyon. Nagsimulang nag-init ang mata ko, nagbabadya ang mga luha. Agad akong tumingla upang pigilan ito.
"Bakit kasi hindi mo sinabi? Bigla-bigla ka nalang umalis ng di ka nag sasabi sa akin? Pano naman ako, Megan? Mahal kita."
Peke akong natawa sa sinabi nito. "Pano ka? Anong klaseng tanong naman 'yan, Ryder! Bakit kung mananatili ba ko doon, kaya mo ba kaming buhayin ng kapatid ko?! Mabubuhay mo ba kami sa tanginang pagmamahal na 'yan, ha?!" napiga ang hawak kong bag, kahit anong pigil ko sa luha ko ay kusa na itong umagos.
"Alam mo, Ryder. Hindi naman ako galit sayo, at kahit kailan naman hindi ako nagalit sayo kahit ilang beses mo kong sinaktan. Siguro ay na didismaya lang ako sayo," pakiramdam ko ay matutumba ako kasi nanghihina na ang aking mga tuhod.
![](https://img.wattpad.com/cover/363395658-288-k879790.jpg)
BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
RomansaLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!