[35]
Megan Irine's Point of ViewISANG BUWAN na ang nakalipas nang makapasa ako sa final interview sa position na inapplyan ko dito sa San Diego, Califonia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagtatrabaho ako sa isang prehisteryosong hotel bilang isang Accounting Manager.
Akala noon imposible na mangyare ito, pero heto ako ngayon. Hindi ko akalaing mararating ko iyong ganitong sitwasyon. Siguro ay malaking tulong rin iyong nagtrabaho ako sa masyon ng mga Montarde dahil malaki iyong perang naipon ko.
"Ma'am Meg, I put all the reports on top of your table in your office." ngumiti ako kay Almina na taga accounting department.
Kasalukuyan kaming nasa elevator nito. Panay bati sa akin ng ibang staff dito at halos lahat talaga sila ay kasundo ko kahit pa ibang department sila naka-assign.
Nang matapos kong tinignan iyong mga report at ibang mga papel na nasa lamesa ko. Hinilot-hilot ko iyong sentido kong kimikibot pati iyong batok ko na kanina pa nangangalay.
Tinignan ko iyong orasan. Halos tatlong oras na pala akong nakaupo dito. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang biglang maramdaman kong gumagalaw 'yong bata sa tiyan ko. Napabalik tuloy ako sa pagkakaupo saka hinimas iyon. Mas lalo siyang naging makulit kaya naman wala ako sa sariling napangiti. Ilang buwan nalang ay masisilayan ko na rin tong batang 'to na nasa tiyan ko.
Natigilan lang ako nang biglang may kumatok at bumukas iyong pintuan sa may office ko. Nag-angat ako ng tingin doon, si Almina ang niluwa niyon.
"Ma'am Meg." pagtawag niya sa akin.
Ngumiti ako bago nagsalita. "Yes, Alms? Are you need something?"
"Hmm. Someone is waiting for you in the lobby."
Tumabi ang ulo ko sa sinabi niya. Wala naman akong inaasahang bisita lalo na't wala naman dito ang pamilya at kaibigan ko.
"Who is it?" tumayo ako sa kinauupuan ko.
Napayuko si Alimina at napakamot sa kaniyang sentido. Base sa reaksyon niya, mukhang nakalimutan niyang tanungin ang pangalan noon.
Napabuntong-hininga ako. Sa kauna-unahan kasing pagkakataon ngayon lang may maghihintay sa akin dito sa lobby. Ayaw ko naman mag-isip ng kung anu-ano dahil imposible naman iyon. Tanging si Inay at Eren lang ang nakakaalam kung saan ako nag tatrabaho.
"I'm sorry ma'am, I forgot to ask the name."
"Alright, I'll just go downstairs in a minutes, but please next time... always ask the name first before you come here, is that clear?" naglakad ako papalapit sa kaniya.
Mabilis itong tumango. "I'm sorry, Ma'am Meg."
"It's okay." ngumiti ako sa kaniya, ang kaninang kabadong mukha niya ay parang umaliwalas bigla. Gusto kong matawa dahil ibang-iba iyong pakikitunggo nila pag-dating sa trabaho. Iyong pagiging professional nila ay halos hindi ko minsan masabayan dahil hindi ganito ang paraan kung paano ako noon.
Pagkadating sa may lobby ay bumungad agad sa akin iyong babaeng naka-shade. Una ay hindi ko agad ito nakilala pero noong ibaba niya iyong salamin niya'y halos mapatili ako nang si Inay iyon.
"Inay!" agad ko itong nilapitan. Hindi ko na ito nayakap dahil malaki na ang tyan ko kaya hinawakan niya lang ito sa humarap sa akin.
"Ang laki na ng tiyan mo, 'nak." aniya habang papaupo kami sa may bench. "It's that boy or a girl?"
Napabuntong-hininga ako. Naalala ko kasi iyong unang boses kong malaman ang kasarian ng magiging anak ko.
"Lalaki, 'Nay."
BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
RomanceLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!