CHAPTER FOURTEEN

1.4K 37 29
                                    

[14]
Megan Irine's Point of View

NAKARATING KAMI sa isang malaking gusali. Nakangiti akong tumingala. Para akong nalulula dahil sobrang taas nito.

"Royal Palace Hotel" binasa ko ang sobrang laking nakaukit sa pikatuktok na bahagi.

Sandali akong natigilan. Parang pamilyar sa akin pangalan ng kompaniya. Pero imposible dahil sa ibang bansa iyon! Napailing-iling ako at napabuntong-hinga. Imposible ang naiisip ko sa mga oras na 'to.

"I owned that building." aniya. Wala namang halong pagmamayabang sa boses niya pero ang presko ng dating dahil sobrang maipagmamayabang naman talaga ang lugar.

Hindi ako sumagot. Huminto kami ang sasakyan sa may entrada. Unang bumama si Kendrick at pinagbuksan ako ng pintuan bago ilahad ang mukha sa akin. Sobrang nag-init ang mukha ko dahil hindi naman niya kailangan gawin 'to pero ginawa niya pa rin.

Hindi lang 'to gwapo, gentleman pa.

"Good morning, Ma'am." bati nung lalaki sa akin at ngumiti. "Good morning, Sir Ken."

Nakita kong tinapik ni Kendrick ang balikat nito kaya dali-dali itong sumakay sa sasakyan ni ginamit namin upang imaneho iyon. Ganito ba talaga pag mamayayaman? Ilang buwan na ko sa kanila pero hanggang nalulula pa rin ako sa ibang mga bagay.

Kada madaan naming staff dito sa may lobby area ay nakayuko at binabati kami ng magandang umaga. Naninibago ako dahil ganito pala ang pakiramdam pag may ari ng kompaniya ang kasama mo. Pakiramdam mo pati ikaw ay nakakataas, jusko! Buti na lang talaga naka ayos ako kung hindi ay panibagong kahihiyan nanaman ang napasok ko.

"You don't need to greet them back." natatawang saad ni Kendrick nang makita niya kung paano ko patiin ang mga tao dito.

Napakamot nalang ako sa aking pisngi sa sobrang ilang.

Nanlambot ang tuhod ko ng bigla niya kong hilahin sa aking bewang. Nang mapansin niyang muntik ko nang mabangga ang isang mag edad na lalaki. "Be careful, Megan Irine." aniya.

Namula ang mukha ko, hindi dahil sa muntik na kong mabunggo kung hindi dahil sa kamay niyang nasa bewang ko. Halos lahat ata ng empleyado ng hotel na 'to ay sa amin nakatingin. Naiilang ako.

Hanggang makapasok kaminng elevator ay nakahawak pa rin siya sa bewang ko. Hindi ako makagalaw dahil sa paraan niya ng paghawak ay nanlalambot ang tuhod ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matingala sa itsura niya. Sobrang presko ng dating niya, boss na boss!

Biglang tumunog ang elevator hudyat na bubukas ang pintuan kaya mabilis kong inayos ang postura ko.

Pagbukas ng pintuan ay namilog agad ang mata ko sa niluwa niyon. Si Hannah. Nakasuot ito ng pulang suit blazer skirt at maging ang nguso niya nahihitik dahil sa sobrang pula.

"O-Oh, we meet again." maging siya ay mukhang hindi inaasahan na makikita niya ako dito. Dahil base sakaniyang mukha ay gulat na gulat siyang magkasama nanaman kami ni Kendrick.

Mukhang may kontrabida nanaman sa araw ko.

Hindi ako umiik. Pumasok siya sa elevator at isiniksik ang sarili malapit kay Kendrick kaya naman agad na napabintaw si Kendrick sa bewang ko dahil sa ginawa niya. Umarko ang kilay ko mabilis niyang hawakan ang braso nito. Makalingkis akala mong linta. Nakita ko ang pagkairita ng mukha niya sa ginawa ng babae.

Napabuntong-hininga ako. Lumayo ako sa gawi nila at isinandal ko ang likod ko. Nakita ko ang pag ngiwi ni Kendrick sa ginawa ko. Maging ang babaeng ito parang tangang tumatawa sa ginawa niya.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon