CHAPTER SIXTEEN

1.4K 26 27
                                    

[16]
Megan Irine's Point of View

INUTUSAN AKO ni Nanay Doris na mamalengke ngayong araw. Hindi daw kasi siya makakapamalengke dahil inaasikaso nito ang nakababatang kapatid ni Kendrick. Wala rin naman akong magagawa kaysa naman makita ko ang pagmumukha ni Kendrick ay pumayag na ako na ako nalang muna ang mamalengke.

Umalis rin kasi ang magulang nila dahil madami ng trabahong aasikasuhin sa kompaniya nila.

Ang totoo ay, ilang araw nang tahimik sa mansyon dahil wala sila Ma'am Maureen at Sir Kennon. Ibang iba ang awra ng lugar na 'yon pag na andoon sila.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong tuta na parang naliligaw. Nilapitan iyon parang bang takot na takot sa tao. May mga sugat ito na hindi gawa ng kapya niya aso kung hindi gawa ng tao.

Umupo ako sa harap nito. Mabuti nalang ay may pagkain ang binili kanina kaya naman mabilis ko iyong binuksan at hinatian ko itong aso.

"Hello, puppy. Nasaan ang iyong amo?" tanong ko dito habang hinihimas ang kaniyang likuran. Kahit pa takot siya ay hinayaan niya kong haplusin ang parte sa katawan niya.

Nakita ko ring may colar pa ito sakaniyang leeg. Medyo malabo na ang nakasulat na pangalan doon pero inaninag ko pa din.

"Toffy?" basa ko dahilan para tumingala sa akin ang aso at malambing na tumahol.

"Toffy ang pangalan mo?"

Tumahol lang siya ng tumahol kaya naman natawa ako dahil mukhang iyon nga ang pangalan ng aso ito.

Pinanood ko lang siyang kumain. Mabuti nalang din ay tapos na kong mamili ng mga gulay at karne kaya naman saglit kong pinagmasdan itong aso.

Nang mapansin pa tapos na siyang kumain ay mabilis akong tumayo at kinuha ang mga bitbit kong plastic. Pero habang naglalakad ako papasakay ng tricycle, hindi ko inaasahang sumunod pala sa akin iyong aso. Wala naman akong choice kung hindi ay kunin ito dahil mukhang wala sa lugar na iyon amg may nag mamay-ari sakaniya.

Nakarating ako ng mansyon. Mabuti nalang ay nakaabang sa akin si Nanay Doris kaya hindi ako nahirapan magbitbit. Hindi ko rin ako nahirapan kay Toffy dahil sobrang tahimik niya lang habang nasa tricycle.

"Kaninong aso iyan, Megan?" nagtataka si Nanay Doris dahil may kasunod akong aso. Mukhang natakot pa ito sa aso dahil inamoy amoy niya ang paa nito.

"Alaga ko po." matamis akong ngumiti sakaniya at bumaling ng tingin sa aso. "... 'di ba Toffy?" nginitian ko siya kaya tumahol at bago tumihaya, agad kong kinamot ang tiyan niya.

"Oh siya. Kung saan mo man nakuha 'yang aso na 'yan. Siguraduhin mong hindi magiging perwisyo 'yan dito sa mansyon ha? Baka mapagalitan tayo nila Ma'am and Sir." paalala niya sa 'kin, tumango lang ako.

Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay agad na niluwa ng pintuan si Maeve. Nakasuot ito ng puting sando at short. Wayway ang buhok, mukhang kakagising lang.

"Omyg! Kaninong aso 'to?!" patili na tanong niya dahil inamoy amoy ang paa niya. Una ay natakot si Maeve pero agad na nawala dahil sobrang lambing ni Toffy. Nagpapapansin pa ito kay Maeve, animo kilalang kilala niya ito.

"Pasensya na, Maeve." nahihiyang sabi ko dito.

"Okay lang, Ate Megan. Ang cute niya nga, e." umupo ito sa harap ni Toffy at nilaro niya ito.

Pinagliguan ko si Toffy matapos namin may ayos ni Nanay Doris ng pinamili ko. Sabi niya ay siya nalang muna ang magluluto ng tanghalian kaya naman nagkaroon ako ng oras dito sa aso.

Habang abala ako sa pag aasikaso sa aso na 'to ay hindi ko namalayan ang oras. Nagulat nalang ako nang may biglang lumapit sa akin. Sina Manong Tope na driver nila Maeve at si Kendrick. Mas nagulat ako dahil buhat nila ang medyo may kalakihang kahoy na dog cage, parang doll house pero kulangan ng aso may sariling bubong at parang may kwarto sa kabilang bahagi.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon