CHAPTER 26

1.3K 18 19
                                    

[26]
Megan Irine's Point of View

"GO MOMMY! GO DADDY!" rinig na rinig namin ang pagsigaw ni Melissa.

Natatawa ako dahil mommy at daddy ang tawag niya sa amin ni Kendrick dahil hindi puwedeng malaman ng ibang magulang dito na kapatid niya lang ako. Magiging unfair kasi sa iba pag nalaman nila 'yon. Baka dumugin lang kami ng wala sa oras.

Kasalukuyan kaming nasa field nitong resort. Naglalaro kami ngayon nang sack race. Mag-asawa daw ang magparis. Dahil sa mata ng karamihan dito ay mag-asawa kami kaya naman pabor na pabor iyon kay Kendrick.

Kami ang nauuna dahil kami rin ang mas bata, pero nakaramdam ako ng hingal nang makaratinh kami sa may iikutan namin. Muntik pa kong masubsob dahil nagawa pang tumalon ng isang hakbang ni Kendrick.

"Are you okay?" alalang tanong ni Kendrick sa akin. Mabilis niya akong inalaayan.

"Oo, medyo napangangalay lang 'yong tuhod ko."

"I-I'm sorry."

Narinig ko ang buntong-hininga niya. Ngunot noo ko siyang nilingon. "Para saan naman 'yang sorry mo?"

"D-Dapat hindi na lang tayo nagse—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil mabilis kong naitakip ang isa kong palad sa bibig niya.

Nagtataka niya kong tinignan. Mas lalong nalukot ang mukha ko. Luminga-linga ako sa paligid dahil baka may makarinig sa 'min pero mukhang wala naman dahil abala sa pagsigaw ang mga bata at ang mga magulang naman ay malapit na kaming maabot.

Tinanggal ko ang palad ko sa bibig ni Kendrick. Inayos ko ang sarili. "Tara na! Malapit na nila tayong mahabol." pang-iiba ko ng usapan.

"Damned it." aniya, dali-dali niya akong inalalayan at sabay kami sa pagtalon.

Halos mamaos na si Melissa kakagisaw. Nang makarating kami sa finish line ay halos mag-agawan kami ni Kendrick sa hangin dahil sa sobrang hingal.

Gaya nang inaasahan namin. Kami ang nauna ni Kendrick kaya kami ang nanalo. Nakatanggap kami ni Kendirck ng medal as fastest partner. Tuwang tuwa si Melissa dahil kahit ilang beses kaming natalo sa mga simpleng laro pero dito ay nagkaroon naman na kami ng medalya.

Pagabi na. Masyado kaming napagod na tatlo. Pero sobrang nag-enjoy kami dahil kahit papaano ay sobrang saya ng mga nangyare dito. Pakiramdam ko 'yong mga buwan na nawalay ako sa kapatid ko ay ito 'yong reward na makasama ko siya ng buong araw kahit pa hindi sapat 'yon pero at least nagkaroon kami ng oras mag-bonding.

"Napagod ka ba?" tanong ko sabay abot ko ng isang bote ng tubig sa kaniya.

Tumango ito sa akin. "Thank you, Ate." aniya sabay kinuha ang tubig at saka tinungga 'yon.

Umupo ako sa tabi niya. Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang nakapikit ito habang umiinom. Ngayon ko nalang ulit siya natitigan ng matagal. Sobrang laki na agad ng kapatid ko. Parang noon lang iyakin pa ang isang 'to na halos ang takaw sa gatas sa tuwing gutom. Ngayon naman, sobrang tapang niya kahit pa nasasaktan pinipilit niyang magpakatatag. Masaya ako dahil gano'n siya, pero meron sa akin na nasasaktan dahil hindi niya dapat nararanasan 'yong ganitong bagay.

"Naiilang na ako sa tingin mo sa akin, Ate Megan." aniya nang mapansin niya na ang pagtitig na ginawa ko sa kaniya.

Matunog akong ngumisi dahil nakita ko na mabilis na nalukot ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Bawal kana bang titig ngayon?"

"Hindi naman, Ate." ngumuso ito saka nag-iwas ng tingin. "... naiilang ako sa titig mo."

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Aray, Melissa ha! Hindi ka naman ganiyan dati." bigla kong sinundot ang tagiliran niya kaya naman mabilis itong napatayo sa kinauupuan niya at mahinang tumawa.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon