CHAPTER TEN

1K 24 41
                                    

[10]
Megan Irine's Point of View

MABILIS KONG pinara ang taxi. Para akong tangang humahangos ng makita kong pababa si Sir Kendrick sa kaniyang sasakyan. Hindi ko maintindihan bakit kailangan naming humantong sa ganito.

Ano bang nangyayare sa 'kin? Bakit ako natataranta ng ganito?

"Megan Irine!" sigaw niya nang makita akong pasakay ng taxi, hindi ko ito nilingon. Taranta kong binuksan ang pintuan ng taxi bago tuluyang sumakay.

"M-Manong sa Binondo po."

Hindi sumagot si Manong at mabilis niyang pinaandar ang taxi. Nilingon ko si Sir Kendrick, kahit pa tinted yung salamin ng taxi ay pakiramdam ko nag tama ang paningin namin dalawa. Nakangiwi ito habang tinitignan ang taxi, mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

Nasisiraan na ako ng bait sa taong 'to. Ganito ba talagang tao?

Mabilis lang ang naging biyahe. Malapit na kami sa binondo. Gaya ng inaasahan, traffic at wala namang bago doon lagi namang ganito dito.

Habang nakatanaw sa bintana ay para bang tinatambol ang puso ko sa kaba. Dapat ay matuwa ako dahil nakikita na ulit si Melissa dahil halos dalawang buwan na ang nakalipas nang huli kaming mag-kita. Ngunit kinakabahan ako sa katotohanang baka mag tagpo ang landas namin ni Ryder lalo na't taga doon din siya.

Alam kong malalaman niya agad na umuwi ako dahil sa tatabil ng mga dila ng mga taga doon. Minsan tuloy naisip ko, pag malaki na 'yong ipon ko ay lumipat kami ng bahay upang makalayo dito. Lalo na kay Ryder! Ayaw ko na siyang makita pa.

"Ma'am, saan ko po kayo ibababa?" natigilan ako sa pag-iisip ng biglang magsalita si Manong.

"Doon nalang sa may chinatown, Manong."

Nasapo ko ang sarili noo nang makita ko ang metros ng taxi. Napamura ng mahina dahil sa sobrang mahal niyon. Bigla akong nalula at nagsisi.

Buntong-hininga akong iniabot kay Manong ang isang libo. Nakanguso tuloy akong bumaba dahil labag sa loob ko iyon. Hindi ko akalaing isang libo agad ang magagastos ko. Kahit pa malaki ang sahod ay nanghihinayang pa din ako.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako ng palengke upang bumili ng groceries para sa bahay. Kaunti lang naman ang bibilhin ko, panigurado akong namalengke na si Eren dahil nag padala ako noong isang araw.

Habang abala ako sa pamimili ng gulay ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Dali-dali ko naman iyong dinukot sa bag ko.

📞 +639562582080 is calling ...

Biglang nanungot ang noo. Sino ba 'to?

Madali kong pinatay iyon at muling binalik sa bag. Hindi ako interesadong sagutin iyon dahil unknown number, baka mamaya scam iyon at hingian ako nang kung anu-ano.

Matapos akong mamili ay sumakay ako ng tricycle. May kalayuan pa kasi itong binabaan ko sa bahay.

Pagkarating ko ng bahay. Naabutan kong naglalaro si Melissa sa labas. Hindi niya napansin ang presensta ko kaya ginulat ko ito.

"Bulaga!" halos mapatalon sa gulat ang kapatid ko.

Agad itong pumihit ng tingin sa 'kin. Kung kanina ay nakakunot noo siya'y biglang umaliwalas nang makita niyang ako ang gumalat sakaniya.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon