[32]
Megan Irine's Point of ViewNASABI KO na lahat nang dapat kung sabihin sa kapatid ko. Tahimik lang siyang nakikinig habang pinipiga ang kamay ko kanina niya pa hinahawakan habang nag-uusap kami.
"Hindi ko sinasabi sa 'yo itong mga bagay na 'to. Para magalit ka kay Inay, Melissa." mahinahon na asik ko sa kaniya habang hinahaplos ang palad niya.
"Alam ko naman 'yon, Ate." napabuntong-hininga siya. "Pero hindi na niya ba tayo mahal kaya niya tayo iniwanan ng walang pasabi? Akala ko ba ay mahal niya si Itay?"
Sandali akong natahimik. Sa mga tanong niya ay ni-isa ay hindi ko rin alam ang sagot. Nakatitigan kaming dalawa pero agad rin siyang nagbaba ng tingin.
"Siguro ay hindi na niya tayo mahal, Ate. Kasi kung mahal niya talaga tayo, sana matagal na niya tayong binalikan. Lalo na't hindi naman tayo lumipat ng bahay." mahina ang tono ng pananalita niya pero rinig na rinig ko iyon.
Hinawakan ko ang baba niya saka marahang iniharap sa akin. Ayaw kong mag-isip siya kung paano ko tignan ni Inay. Okay na ako lang 'yon makaramdam ng ganito sa kaniya huwag lang ang kapatid ko. Ayaw ko rin naman ipagkait sa kaniya si Inay at alam ko kung paano niya gustong magkaroon muli ng ina. Kahit pa sinasaktan niya kami noon, mahal na mahal siya ng kapatid ko.
"Mahal ka ni Inay, Melissa." ngumiti ako sa kaniya kahit pa pilit lang iyon sinikap kong maging matamis sa paningin niya.
"Pero, baki—"
"Ah basta, mahal ka ni Inay. Alam kong may rason siya, bakit niya ginawa ang bagay na 'yon." hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinaplos-haplos iyon.
Matapos ang usapan namin niyon ni Melissa ay mabilis kong kinuha iyong phone ko at tinawagan ko si Eren. Mabuti nalang ay sinagot niya agad ang tawag ko.
"Saan kayo ni Kendrick?" tanong ko dito.
"Nasa convince store kami, tapos na ba kayo mag-usap?"
"Oo."
"Is that, Megan?" rinig ko ang boses na iyon ni Kendrick. Napangiti naman ako bigla.
"Naku! Kendrick, ilang minuto palang na hindi mo nakikita si Megan, hinahanap mo na agad!" rinig ko ang pang-aasar nito kay Kendrick bago niya tuluyang ibinaba ang linya.
Kinabukasan, parang may kung anong pandikit ang meron sa katawan ko dahil ayaw nitong kumawala sa higaan. Nananakit ang buong katawan ko, mukhang ngayon ko lang naramdaman 'yong sakit ng katawan sa mga activities na ginawa namin sa boracay. Sumagi rin bigla sa isip ko iyong gabing hindi ko makakalimutan.
Hindi ako agad nakagalaw sa kinahihigaan ko dahil dito natulog si Kendrick kagabi matapos naming pag-usapan ang tungkol kay Inay. Sinabi ko sa kaniya ang mga nangyare pero hindi ko sinabi sa kaniya na ang pamilya ni Pearl iyong naging pangalawa niyang pamilya. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako sasabihin sa kaniya.
Nakapalupot ang dalawa niyang braso sa akin habang ang pisngi ko naman ay nakalapat sa kaniyang dibdib. Para gusto ko nalang ganito kami ni Kendrick palagi.
Unti-unti akong dumilat ng mga mata ko saka ako marahang tumingala sa mukha niya. Pero hindi akalaing sa pag galaw ko ay gagalaw rin siya. Hinalikan niya ako sa noo saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kaya mas lalong nasubsob ang mukha ko sa dibdib nito.
"Kendrick..." pagtawag ko sa kaniya.
"Hmm."
Kinalas niya ang braso niyang nakapalupot sa akin saka humikab, mukhang nabitin ang tulog nito. Marahan akong bumangon saka kinusot-kusot ang aking mata. Muli akong nagbaling ng tingin sa kaniya pero gano'n nalang ang gulat ko nang bigla niyang hulihin ang palapulsuhan ko at saka ko hinila at muling masubsob sa kaniyang dibdib. Tinapik ko ang dibdib niya pero hindi ito nagpatinag dahil mas lalo niyang hinihigpitan ang yakap. Mukhang gusto niya pang humilata muna pero hindi maari dahil ang sabi niya sa akin kagabi ay marami siyang meeting.
![](https://img.wattpad.com/cover/363395658-288-k879790.jpg)
BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
RomanceLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!