CHAPTER 27

1.3K 20 15
                                    

[27]
Megan Irine's Point of View

HABANG NAGLALAKAD ako papasok sa entrada nitong intramuros ay para akong sinasakal. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Mahangin naman sa paligid pero para akong mauubusan ng hininga. Masyado akong kinakabahan kahit na dapat ay matuwa ako dahil makikita ko na si Inay.

Nakarating ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Pearl. Luminga-linga ako sa paligid dahil sa dami ng estudyanteng narito at mga gumagala na mga tao ay dito niya pa talaga nagawang makipagkita. Tirik na tirik din ang araw kaya naman mainit. Humanap ako ng puno kung saan puwedeng sumilong.

Umupo ako sa may gilid kung saan may malaking puno. Sa lawak nitong intramuros dito pa talaga sa may port santiago niya naisipang makipag-kita.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman kong nagvibrate iyong cellphone ko. Dali-dali kong kinuha iyon sa bag ko at mabilis na tinignan kung sino ang tumatawag.

Pagkakita kong si Pearl iyong tumatawag ay hindi ako nag-alinlangang sagutin iyon.

"Where are you?"

Iyon agad ang bungad niya sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil parang nanuyot iyong lalamunan ko.

"We are here. Sa may coffee shop sa gilid."

Nag-igting ang panga ko. Hindi pa rin ako makapagsalita. Para bang umatras ang dila at isa-isa nang namuo ang mga pawis sa aking noo.

Luminga-linga ako upang hanapin ang coffee shop na sinasabi niya. Hindi ko alam kung coffee shop pa 'yong may nag kukumpulan na tao. Pero baka iyon na nga dahil wala naman ibang food stalls dito kung hindi ay iyon lang.

"Hello! Speak up!" halata sa tono ng pananalita niya ang pagkairita.

"M-Malapit na ako." pagsisinungaling ko.

Narinig kong magsasalita pa sana si Pearl nang ibaba ko ang kabilang linya.

Tumayo ako kinauupuan ko. Habang naglalakad patungo sa may mga stall ay kung anu-ano na agad ang naiisip ko. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Excited ako pero bakit ganito? Pakiramdam ko kapalit ng excitement na nararamdaman ko ay may hindi magandang kahahatungan.

Nang makarating ako sa may mga stall. May nakita akong coffee shop.

Halos manikip ang dibdib ko dahil sa tagal nang araw na hindi ko siya nakita. Ngayon ay nahagip agad siya ng mata ko. Lumambot ang tuhod ko dahil sa katotohanang ayon na siya. Masayang nakaupo habang nakikipag-usap kay Pearl.

Paano niya nagagawang tumawa ng gano'n gayong halos umiyak araw-araw si Melissa sa pangungulila sa kaniya. Gusto kong magalit, pero anong karapatan kong husgahan si Inay? Ina ko pa rin siya. Ang dami tuloy namuong taong sa aking isipan.

Humugot ako nang lakad ng loob. Inayos ko ang sarili at saka ko sinikap na lumapit kung nasaan sila.

Hindi pa man ako nakakalapit, tumama na agad ang tingin niya sa akin dahilan upang mapatayo ito sa kinauupuan niya.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang kaniyang kasuotan. Mukhang galante at desente itong tignan. Nakikinangan ang alahas at talagang nakakasilaw ang repleksyon ng mga ilaw sa tuwing tumatama ang sinag doon. Hindi ko alam kung ano ba ang reaksyon ang pinakita ko pero sobrang nadidismaya ako sa kaniya. Mukhang sa maliit na panahong nawala siya, naging magaan ang buhay niya. Ni-hindi niya nga kami naalala. Ngayon lang, kung kailan alangin ang sitwasyon.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon