CHAPTER 24

1K 22 24
                                    

[24]
Megan Irine's Point of View

ISANG BUWAN na ang nakalipas simula nang maging kami ni Kendrick. Ngayon araw sana namin sasabihin sa magulang niya ang tungkol sa amin kaya lang ay pinag-off ako nila Ma'am Maureen at Sir Kenon dahil daw gusto nilang sila ang mag-asikaso sa kanilang mga anak.

Noong una, akala ko ay baka pinag off nila ako dahil alam na nila ang tungkol sa amin ni Kendrick. Hindi kasi malabo na sinabi na ni Pearl kayna Ma'am Maureen ang tungkol sa nangyare noong nakaraan kaya ganito. Hindi ko tuloy maiwasanang hindi mag-isip.

"Kape ka muna." alok sa akin ni Eren habang kaming dalawa ay nasa balkon ng bahay.

Tinanggap ko iyong kape. "Salamat."

Umupo siya sa tabi ko. Narinig ko ang matunog niyang pagbuntong-hininga kaya mabilis akong pumihit ng tingin sa kaniya. "May problema ka ba?" panimulang tanong ko dito.

Humigop ito sa kaniyang tasa. "Hindi ko pa rin nasasabi kay Mama ang tungkol sa amin ni Ryder." mapait itong ngumiti saka humarap sa 'kin. "... natatakot ako sa sasabihin niya."

Sandali ako napatitig kay Eren. Alam ko ang pakiramdam niya dahil gano'n din ang nararamdaman ko.

"Matatanggap naman siguro ni Mama si Ryder 'no?"

Punong-puno nang pag-asa ang mata niya. Marahan akong tumango. Alam ko namang matatanggap ni Nanay Doris si Ryder. Simula kasi noong gabing huli kaming nagkita ay tinutoo niya 'yong sinabi niya. Pinakita niya ang pagmamahal kay Eren. Napag-usapan na namin lahat ni Eren tungkol sa bagay na 'yon. Mabuti na lang ay malawak ang pang-unawa ng kaibigan kong 'to.

"Matatanggap niya 'yan, Eren. Malaki naman na ang pinagbago ni Ryder." mabilis kong hinawakan ang isa niyang kamay na nakapatong sa lamesa saka ko 'yon pinisil-pisil.

"Sana nga, Megan. Kinakabahan ako."

Maging ako ay kinakabahan para kay Eren. May pagka-estrikta pa naman si Nanay Doris pag-dating sa kaniya dahil nag-iisa lang siyang babaeng anak nito.

Matapos naming mag-usap ay agad na kong nagbihis upang sunduin si Melissa sa school. Hindi niya alam na umuwi ako kaya panigurado akong matutuwa iyon pagnakita niyang ako ang susundo sa kaniya.

Habang naglalakad ako papunta ng school nila Melissa ay biglang may bumusina sa akin na sasakyan. Halos mapatalon ako sa gulat dahil lakas ng busina niyon.

"Sakay!" sigaw ng babae.

Agad ko iyong nilingon. Mamilog ang mata ko nang makita ko kung sino iyon.

Si Pearl!

Sandali akong napatitig at napakunot ang noo. Anong ginagawa niya dito? Bakit alam niyang naandito ako? At talaga alam niya pa na naandito ako ngayon sa binondo?

"I said sakay o gusto mong sagasaan kita?! You choose." napipikang aniya.

Napabuntong-hininga ako. Nagyukom ang dalawa kong palad. "E 'di sagasaan— tangina!"

Napamura ako sa ginawang paghila sa akin ni Pearl papasakay sa kaniyang sasakyan. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang pwersado.

"Ano bang kailangan mo sa 'kin?! Bitiwan mo ko!" pagpupumiglas ko pero hindi siya nakinig. Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan at saka ako tinulak papaupo doon.

"May kailangan pa kong gawin. Ano bang kailangan mo sa akin?!" naiinis na sabi ko nang masakay ito sa sasakyan.

"Madami!" mariin niyang pagkakasabi.

Nilingon ko siya pero gano'n na lang ang gulat ko nang lumapat ang kamay niya sa pisngi ko. Agad naman akong napahawak sa pisngi ko dahil sobrang bigat ng kamay ng isang 'to. Gusto kong gumanti pero wala akong laban pagnanlaban ako.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon