CHAPTER TWELVE

1K 21 39
                                    

[12]
Megan Irine's Point of View

PAG GISING ko kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko. Gumulong-gulong pa ako sa higaan ko dahil hindi ko pa kayang bumangon. Para bang naka pako 'yung buong katawan ko sa kama.

Pilit kong inaalala ang mga nangyare kagabi habang nakatitig ako sa kisame. Ni-hindi ko maalala paano ba ko nakapunta dito sa kwarto ko. Kung naglakad ba ko papasok dito o ano? Sobrang lakas kasi ng tama ko kagabi.

Gusto kong magsisi dahil pwede ko naman tanggihan 'yong tagay pero bakit ko ba kasi tinggap 'yon?

"Tangina!" napabalikwas ako ng upo dahil wala talaga akong maalala. Inis kong sinabutan ang sarili ko dahil ito ang hirap sa 'kin. Pag nasusobrahan sa alak, hindi ko matandaan mga pinag gagagawa ko.

Naihilamos ko ang aking dalawang palad dahil sa katotohanang kasama namin si Sir Kendrick kagabi. Hindi ko alam kung may ginawa ba kong nakakahiya sakaniya o ano. Sumasakit lalo ang ulo ko!

Habang nag luluto ng almusal ay lumilipad ang isip ko. Hanggang ngayon kasi ay pilit kong iniisip ang mga nangyare pero ni isa sa mga iyon ay wala pa rin akong mapiga sa utak ko.

"Ate, Megan."  nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Melissa ang laylayan ng damit ko.

"B-bakit?" bumaling ako ng tingin sakaniya.

"Ate, 'wag ka sana magagalit sa itatanong ko ha?" ngumuso ito habang nakatingin sa 'kin.

Napangiti ako sakaniya dahil sobrang cute niya sa gano'n itsura.

"Bakit laging magkasama sina Ate Eren at Kuya Ryder, Ate? 'Di ba ikaw 'yong jowa niya?"

Nawala ang ngiti sa labi ko nang biglang lumabas iyon sa bibig ni Melissa. Nakatingin siya sa 'kin habang nakapakamot ito sakaniyang ulo. Bigla tuloy akong napabuntong-hininga at nag iwas ng tingin sakaniya.

"Hindi ko alam kung paano ko sa 'yo ipapaliwanag, Meli. Pero wala na kami ng Kuya Ryder mo." napakagat ako sa aking labi.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kapatid ko ang totoo at ayaw ko rin na baka isipin niyang si Eren ang dahilan ng hiwalayan namin kahit hindi naman.

Hindi sumagot si Melissa. Tinanggal niya ang kaniyang kamay sa laylayan ng damit ko kaya napalingon ako sakaniya. Lumaylay ang balikat niya habang nakayuko, mukhang nasaktan siya sa katotoohang wala na kami ni Ryder.

Kahit pa palaging galit sa akin si Ryder noong kami pa ay pagdating sa kapatid ko, inaalagaan niya ito at tinuturing na kapatid. Naging malapit sila kaya ganito nalang ang naging reaksyon niya.

Binaba ko ang sandok na hawak ko. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang kaniyang magkabilang balikat at pinantayan ang mukha niya.

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. Kagat nito ang kaniyang labi at bakas sa mukha niya na ano mang oras ay tutulo ang luha niya.

"May mga bagay —" bigla niya kong pinutol sa pagsasalita. "K-kaya b-ba umiiyak ka kagabi, Ate?" pigil na pigil ang kaniyang boses at muli itong nagbaba ng tingin.

Sandali akong natulala, umiyak? Ako? Nakita niya?

"Iinom sana ako nag tubig kagabi, Ate. Tapos nakita kitang umiiyak kay Kuyang Pogi." sa sinabi iyon ni Melissa, sandali akong natigilan.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon