[36]
Megan Irine's Point of ViewSIMPLENG TANONG pero halos yanigin ang buong sistema ko dahil narinig ko kung paano mabasag iyong boses niya.
Sandali akong huminto sa paghinga dahil sobrang tumaas iyong kaba ko sa aking dibdib. Sinikap kong mag-angat ng tingin sa kaniya kahit pa hirap na hirap akong tignan siya sa mga mata niya.
"Tell me, Megan. Is that your son?" pag-uulit niya.
"Yes. He is my child." madiin na pagkakasabi ko at sinikap kong hindi mautal.
Hindi na ito muling nagsalita pa at mas lalong tumitindi iyong tensyon sa pagitan naming dalawa. Tingin niya palang ramdam ko ang galit sa mga mata niya.
"Let's go. Let's talk to my office." aniya sabay hawak sa braso ko.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nanatili lang anong nakatingin sa kaniya. Gusto kong makaramdam ng kahit kaunting galit sa kaniya pero hindi ko magawa. Parang ang hirap paniwalain ng sarili kong galit ako sa kaniya kahit hindi.
Unti-unting nanlalabo ang mata ko. Napayuko ako bigla nang mapansin kong maging siya ay gano'n din.
Imbis na tanggihan ko iyong alok niya ay sumunod ako sa kaniya. Hindi ko na alam ang mga nangyayare. Ang daming tanong sa isipan ko kung bakit siya narito pero parang alam ko iyong sagot na hindi. Alam kong posible iyong iniisip ko na baka siya si KM pero hirap na hirap akong paniwalaan ang iniisip ko.
Nanatili kaming tahimik sa loob ng elevator. Dalawa lang kaming narito kaya parang kahit ata paghinga namin ay maririnig. Tumunog iyong elevator nang makarating kami sa ikatlong palapag. May mga pumasok na tatlong grupo ng babae at halos yumuko nang makitang si Kendrick.
"Good afternoon, Sir KM." bumaling iyong babae na nakakulay asul kay Kendrick. Samantalang iyong naka pink naman ay sa akin bumaling ng tingin. "Good after, Miss Meg."
Sandali kaming nakatinginan ni Kendrick dahil sa grupo ng babae na 'to. Pareho kaming nagulat sa isa't isa dahil tama iyong hinala ko na si Kendrick iyon KM at mukhang hindi niya inaasahan ako iyong Miss Meg sa accounting department.
Mariin akong pumikit at napaiwas ng tingin. Hindi ako handw ngayon na makaharap siya pero anong magagawa ko? Mukhang itinadhana talaga kaming magkita sa araw na 'to.
Ilang mura ata iyong nasabi ko sa isipan ko dahil kahit anong paglayo at iwas ang gawin ko sa isang 'to.
Muling tumunog iyong elevator. Naunang lumabas si Kendrick kaya naman iyong paa ko ay kusang sumunod dito. Narinig kong nag-paalam iyong tatlong babae pero hindi na namin napansin iyon dahil dere-deretso kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang silid.
Nang makaupo ako sa sofa ay hindi ko na nagawang suyurin ng tingin iyong buong silid. Nanatili lang akong nakayuko habang nakatingin sa paanan ng lamesa sa harapan ko.
"Are you—"
Hindi na tuloy ni Kendrick iyong sasabihin niya dahil biglang tumunog iyong cellphone ko. Hindi ko sana iyon papansinin nang makita kong si Chin pala iyong tumatawag.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Excuse me. I need to answer this call." sabi ko sa kaniya saka ako tumayo sa may gilid malapit sa bintana.
BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
RomanceLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!