CHAPTER SEVEN

1.7K 27 33
                                    

[07]
Megan Irine's Point of View

ILANG ARAW pa ang nagdaan. Wala na kaming masyadong gagawin dito sa bahay dahil tapos na kaming maglinis. Wala rin naman si Sir Kendrick kaya wala kaming aasikasuhin. Si Nanay Doris naman ay nagpaalam na-uuwi dahil may aasikasuhin daw siya. Ako naman ay gustuhin ko mang umuwi ay hindi pwede dahil walang tatao dito sa bahay.

Sa kawalang magawa ay nagpatugtog ako dito sa may sala. Tutal ako lang naman ang tao kay napag desisyunan kong mag karaoke dito, sa lapad at laki ba naman ng TV talagang gaganahan kang kumanta kahit pa 'di ka kagalingan.

Kinuha ko ang remote ng TV at pinunta iyon sa youtube. Sinaksak ko na rin 'yong microphone sa may malaking speaker sa gilid ng TV. Pindot ko ang kanta ni Yeng Constantino.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at doon ako bumwelo bago mag-umpisa ang kanta.

"Minsan, parang 'di pag-ibig ang sagot. Kahit na sa pag-iisa ay nababagot. Aanhin ko ang paghahanap ng magmamahal. Kung sa sarili ko ay 'di pa masaya? Mabuti na'ng mag-isa nang makilala ko muna ang sarili pag-ibig muna para sa akin. Mabuti na'ng mag-isa nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi. Kailangan ko lang, ako muna."

Natawa ako sa lyrics, sinadya ko itong kantahin dahil kagaya ng title. Ako muna! Masyado ko kasing naubos ang sarili ko sa pagmamahal ko kay Ryder, nakalimutan kong magtira sa sarili ko.

Habang hinihintay ang kasunod na kanta ay para akong tangang sumasayaw, sumasabay sa indayog ng kanta.

Maging ang high-note at kulot talagang pinandigan ko. Hindi naman masyadong maganda boses ko pero marunong naman akong kumanta.

"Oh...Ako muna" nakapikit kong sinambit ang huling parte ng kanta.

Pagmulat ko ng aking mata, halos malaglag ang mikropono na hawak ko dahil sa gulat ng makitang nakatayo si Sir Kendrick sa dulong bahagi nitong sala. Nakita kong seryoso itong pinagmamasdan ako. Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa hiya. Nagmadali akong tumalikod sa gawi niya at dali-dali kong binaba ang mikropono na hawak ko. Nataranta akong inaabot ang remote upang patayin ang TV pero imbis na makuha iyon ay bigla ko iyong nalaglag.

"Why did you stop?" napaangat ang dalawa kong balikat ng marinig kong nagsalita ito malapit sa aking likuran.

Pano niya nagagawang lumapit dito ng gano'n kabilis ng hindi ko nararamdaman?

Yumuko ito hanggang magpatay ang ulo namin at saka niya inabot ang remote na nalaglag ko. Nilingon ko ito at iyon yung maling ginawa ko dahil maging siya ay lumingon dahilan para magtapat ang mukha namin. Pigil hininga ako habang pinagmamasdan ito. Ang kaniyang tingin ay sinalubong ang mata ko hanggang bumaba ang iyon sa labi ko. Sandali niya itong tinitigan bago ito dahan-dahang tumayo saka ako tinalikuran.

Naiwanan akong naistatwa, para akong napako sa sandali iyon dahil sa ginawang iyon ni Sir Kendrick.

Bumalik na lang ako sa ulirat ng muling tumunog ang kanta. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko malapit sa may salamin na lamesa. Inayos ko ang sarili at bumaling ng tingin kay Sir Kendrick na preskong presko naka upo sa sofa habang nakapatong ang kaliwang kamay sa sandalan at ang isang kamay ay hawak ang mikropono.

Tinignan niya ko, ngumisi ito bago muling bumaling ng tingin sa TV.

It's just you and I, and no other guys

We got no interruptions and we both feelin' the vibe

Say I'm not your type

But I know what's on your mind

We can talk about nothin' or we can see what it's like

Napataas ang dalawa kong kilay at napaawang ang bibig ko sa ganda ng boses niyang iyon. Kahit pa hindi ko alam ang kantang iyon, pakiramdam ko inangkin niya iyon. Bagay na bagay ang kantang 'yon sa boses niya.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon