"Saan ba tayo pupunta, Kendrick?" nangunot na ang noo ko dahil kanina pa kami nasa gitna ng daan. Para bang walang katapusang pagmamanahe ang ginagawa niya.
Natunog siyang ngumisi, nakatuon ng tingin sa daan. "Somewhere."
"Saan nga, Kendrick?!" napipika na 'yong tono ng papanalita ko.
"You really want to say my name instead of lov—" hindi niya tinuloy ang sasabihin niya at umiling-iling lang siya bago niya ako bigyan ng malagkit na tingin.
Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Pinaglalaruan ba ako ng isang 'to?
"We're here..." aniya bago ihinto ang sasakyan.
Mabilis akong luminga-linga sa paligid. Wala akong nakita na kahit ano, sobrang dilim at kahit ata street light ay wala dito.
"Are you kidding me, Kendrick Montarde?!" singhal ko.
"Am I? Hmm." kunware itong nag-isip bago tumawa ng mahina. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Patakbo siyang pumunta sa gawing pintuan kung saan ako nakaupo at binuksan iyon.
"Let's go?" inilahad niya sa akin iyong kamay sa akin. Napalunok ko itong tinignan habang hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya.
Kung kanina ay para akong aso na ang tapang-tapang tumahol, ngayon ay para akong umamong tuta dahil binigyan ng pagkain.
Napapikit ako ng mariin saka ko kinuha ang nakalahad na kamay niya sa harap ko. Inilalayan niya ako sa bawat hakbang na ginagawa ko.
Sandali kaming huminto. Nilingon ko siya, kahit pa madilim alam kong ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin.
"Anong gagawin natin dito? Wala akong nakita, Kendrick."
Hindi siya umimik. Naramdaman ko nalang na humigpit iyong kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Are you ready?"
Wala pa man ay kinabahan na ako lalo na nang bigla niyang inakay ang bewang ko.
Isa-isang nagbukas ang ilaw. Simula sa street lights hanggang sa lumiwanag na iyong buong paligid. Tumambad sa akin ang napakaganda at mataas na bahay.
Inosente kong nilingon si Kendrick. Punong-puno ng kasiyahan iyong mga mata niya habang nakangiting pinagmamasdan ako.
"That is our house..." aniya
Nanlaki ang mata ko at napatutop ako sa aking bibig dahil sa sinabi niya. Naluha ako habang nilingon iyong bahay na nasa harapan ko.
"Kendrick..." bigla niya kong yakapin. Niluwagan niya iyong pagkakayakap sa akin saka niya sinakop ng kaniyang kamay ang mukha ko sabay halik sa noo ko.
"You wanna go inside, love?"
Nakagat ko iyong ibabang labi ko dahil sa pagkakataong iyon. Tinawag na niya akong love ulit. Napapikit ako dahil pakiramdam ko, umuugong sa pandinig ko iyong boses ni Kendrick.
BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
RomanceLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!