[02]
Megan Irine's Point of ViewNATIGILAN KAMING pareho nang bigla kaming matapatanan ng flashlight na nanggagaling sa may balkon ng bahay. Paniguradong sina Melissa at Nanay Doris iyon. Marahil nagtataka na sila dahil natagalan ako.
Tinulak ko ang lalaki, inayos ko ang sarili bago bumaling ng tingin sa lalaking kaharap ko. Natapatan ng ilaw ang mukha niya dahilan para makita ko ang kabuuan niya.
Napaawang ang bibig ko dahil sobrang kinis ng balat niya, itim na itim ang bagsak at kumikintab niyang buhok, makakapal na kilay at umaarkong mga pilik-mata, bilugan ngunit sobrang gandang mga mata, matangos at may kanipisang ilong at mamula-mulang labi.
Sunod-sunod ang lunok ko dahil sa lalaking nasa harapan ko. Sobrang bango na nga at talaga namang masasabi mong hulog ng langit ang isang 'to.
"You're not staring at me, are you?" naghahalo sa tono ng pananalita niya ang pagkapreso at sarkastiko.
Bigla nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Peke akong natawa at napaiwas ng tingin. Siya na nga 'tong trespassing, siya pa ngayon 'tong nag-aangas ngayon.
"Megan.. malamok diyan, anong ginawa..." hindi natuloy ni Nanay Doris ang sasabihin niya ng makalapit ito sa amin. "Sir Kendrick, halika na po sa loob." hindi ito sumagot, sa halip ay inalalayan ito ni Nanay Doris papasok ng bahay.
Ako ito, halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
"Sir? Ibig sabihin siya 'yong amo ni Nanay Doris?" para kong baliw habang kinakausap ang sarili.
Bago ko tuluyang makapasok, hindi ko alam kong saan ako kukuha ng kapal ng mukha. Bahay naman namin ito pero pakiramdam ko ay parang ma uubusan ako ng hangin dahil sa sobrang kaba.
"Nasaan na ba 'yong Ate Megan mo, hija?" nangibabaw ang tinig na iyon ni Nanay Doris na nanggagaling sa muniting salas namin.
Hahakbang na sana ako nang biglang magtama ang paningin namin nung lalaki.
"Ate Megan." sinalubong ako ni Melissa at inakay papasok sa loob.
Tumayo sina Nanay Doris at iyong lalaki, ngayon ko palang napagtanto na tama nga ang sinabi ni Melissa. Ang gandang lalaki niya nga, lalo na't ang lakas ng dati niya sakaniyang suot kahit pa lahat iyon ay kulay itim. Itim na fitted turtleneck, itim na sinturon pero kumikinang nasa gitnang bahagi niyon, itim na pants na mukhang bitin sakaniya dahil sa matangkad ito pero bagay na bagay iyon sakaniya.
Ang gwapo niya!
Nang makapaglapit kami sa gawi nila, nanatiling ang mata ko ay nakatuon sa lalaking nasa harapan ko. Narinig ko sina Nanay Doris at Melissa nagsalita pero pakiramdam ko wala akong naiintindihan dahil sa presensya ng isang 'to.
"Megan." pagtawag sa akin ni Nanay Doris.
"Ha?" wala sa sariling na nai-usal ko.
"Ano bang nangyayare sayong bata ka?" nagtatakang nilingon ako ni Nanay Doris. "Marahil ay inaantok kana? Pasensya na kung naabala ka namin kayo." awtomatiko akong lumingon kay Nanay Doris.
"A..ano kasi.. Ah oo, tama! Medyo inaantok na rin kasi ako." pagsisinungaling ko.
Ramdam kong bumungisngis si Melissa dahil sa reaksyon ko na maging ako ay hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ako.
Muli akong nagbaling ng tingin sa lalaki na ngayon ay naka-dekwatro ng upo at abala sa pag gamit ng kaniyang cellphone.
"Ngapala, siya 'yong anak ng amo ko." muling saad ni Nanay Doris.
Agad nitong ibinulsa ang cellphone niya at deretso tumingin sa akin. "Kendrick Montarde, and you?" inilahad niya ang kamay nito.
Napaawang ang labi ko sa kagwapuhan ng isang 'to. Napalunok ako, saka inabot ang kamay niya.

BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
Roman d'amourLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!