[13]
Megan Irine's Point of ViewINABALA NAMIN ni Nanay Doris ang aming nga sarili sa mga gawaing bahay. Ako ang nag aasikaso sa mag-asawa tuwing sila ay kakain.
Ilang linggo na rin ang lumipas pero ni-isang araw ay hindi pa muling umuwi dito si Kendrick.
"Hija, if you don't mind. Sabi mo last time ay nag graduate ka ng college, right?" tanong sa akin ni Ma'am Maureen habang nilalagyan ko ng tubig ang kanilang baso.
Ngumiti ako sakaniya. "Opo, Ma'am Maureen."
Medyo nasanay na rin ako sa presensya nila ngayon hindi katulad noong unang kita ko sakanila na halos mangapa ako. Tama nga si Kendrick mukha lang masusungit pero mababait talaga sila.
"In what course, hija?" pang uusisa naman ng asawa nito.
"BS in Accountancy, Sir."
"Naku. Ma'am and Sir. Cumlaude 'yan si Megan." sabat ni Nanay Doris.
"Really?" nagulat ang mag-asawa sa sinabi ni Nanay Doris. Bigla tuloy namula ang mukha ko.
"Sayang ang credibility mo, hija." sabat ni Ma'am Maureen. Tinignan niya na ko habang ninaanalisa ang kabuuan ko. "... you're smart, neat, sexy plus you're gorgeous."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa pitsel dahil sa mga sinabi ni Ma'am Maureen. Masyado niya kong pinuri kaya mas lalo akong nahihiya. Samantalang ang asawa nito ay nakamasid lang sa amin animo sinasang-ayunan ang sinasabi ng kaniyang asawa tungkol sa akin.
"I think, I will ask my son Kendrick if there is an available position for you in his company. It's a big help for him because he is immersing himself too much in work."
Namilog bigla ang mata ko sa sinabi ni Sir Kennon. Pakiramdam ko sobrang nanuyot ang lalamunan ko, animo anumang oras kaya kong tunggain ang hawak ko isang pitsel ng tubig ko.
"We think the same thing. Okay ba sayo 'yun, hija? Kasi kung pwede naman, pwede ulit kaming mag hire ng maid if we wanted." kumindat ito.
Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko sa mga sinasabi nila. Ganito ba mag desisyon ang mga mayayaman? Para akong nalulula. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang narinig kong usapan nila noong nakaraan. Ang katotohanang ipapakasal si Kendrick sa ibang babae.
E, ano naman ngayon Megan? Bakit ka ba naapektuhan? Wala ka namang gusto kay Kendrick!
"Hija." nagulat ako ng biglang hinaplos ni Nanay Doris ang likod ko. "... kinakausap ka nila."
Bigla tuloy akong nataranta. "A-Ah, n-naku po. Hindi na po. O-Okay lang po ako dito, salamat po."
Hindi ko alam kung tama ba 'yong sinabi ko pero bakas sa mukha ng mag asawa ang pagkakadismaya.
"We understand, hija. Pero kung magbago man ang isip mo, we're willing to consider it."
Hanggang maghapon, iniisip ko ang mga sinabi sa akin nila Ma'am Maureen at Sir Kennon. Hindi ko pa rin alam ang isasagot kahit pa sinabi ko naman sakanila na okay ako dito. Ang totoo naman ay gusto ko rin naman tanggapin ang alok nila kaso ang pumipigil sa akin ang katotohanang kay Kendrick na kompaniya ako papasok.
Bakit ba parang apektado ako? Naguguluhan ako sa sarili ko!
"Hey."
Napatalon ako gulat ng biglang may sumulpot sa likuran ko habang nagpupunas ako ng mga pinggan. Hindi agad ako nakalingon dahil sa amoy at boses palang nito alam ko na agad kung sino siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/363395658-288-k879790.jpg)
BINABASA MO ANG
The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️
RomanceLove Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story into reality, for it is destined to be." PS: THE PHOTO IS NOT MINE, I WANT TO ACKNOWLEDGE THE OWNER. THANK YOU!