Prologue

343 16 2
                                    

Santi's POV

Ngayong araw natapos ang taon ko bilang senior high school student. Isang mabuting guro ko sa Philosophy ang nagmagandang loob na samahan akong umakyat sa stage dahil wala akong magulang or guardian man lang na kasama.

"Ganda ng speech mo kanina, 'nak. Proud na proud kami sa 'yo." ayun na ang nangingilid na luha sa mga mata ni Ms. Suarez, ang guro ko sa Philosophy. Hawak niya ako sa magkabilang balikat habang paulit-ulit na hinahaplos ako sa pisngi.

Naramdamam ko ang haplos sa dibdib ko dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit nagpapatuloy pa rin ako ngayon.

"Santi! Picture tayo 'nak!" biglang sigaw naman ni Ms. Dominga, guro ko naman siya noong first year. Naging malapit na din ako sa kaniya, at tulad ni Ms. Suarez ay para ko na rin siyang ina kung ituring.

Nagtinginan naman ang ibang estudyante sa gawi namin nang lumapit sa amin ang Ilan pang mga guro. Hindi ako malapit sa mga kaklase o ka schoolmate ko dahil ang tingin nila sa akin ay 'sipsip' kung tawagin. Marahil gano'n na nga dahil karamihan sa mga guro ng eskwelahan namin ay malapit ako.

Pinaniwalaan iyon ng halos lahat lalo pa nang malaman na ako ang Valedictorian ng taong ito.

NATAPOS ANG maghapong iyon na kasama kong nag-celebrate ang mga guro ko. Masaya na 'ko ro'n, pero alam kong may kulang pa rin dahil 'yung mga taong inaasahan kong kasama ko ngayon ay hindi dumating.

Pagod na binuksan ko ang pinto ng apartment ko, isang studio type na apartment kung saan ang apat na sulok na kwarto ay nahahati na sa sala, kusina, at tulugan. Sa tabi ng kusina ay nando'n naman ang pinto, banyo.

Matapos ayusin ang gamit ko ay pagod na naibagsak ko ang katawan sa kama. Inangat ko sa ere ang kamay kong may hawak na smartphone.

"Wala pa rin." naibulong ko sa sarili nang makita na wala pa ring email ang University na inapplyan ko sa college. "Tsk." naihagis ko ang phone ko sa kama saka tumayo. Tumungo ako sa salamin at inayos ang pag-kakaipit ng buhok ko. Saglit akong napatitig sa sariling repleksiyon.

Ano kayang magandang gupit sa 'kin na panlalaki ang hindi masyadong maikli?

Inayos ko ang suot na salamin at napailing, saka ko na lang iisipin 'yun. Nagpalit ako ng puting sweatshirt at brown shorts, ni-clip ko lang rin ang buhok ko saka lumabas na. Tinatamad na akong magluto kaya kakain na lang ako sa 711. Nang malakabas ng bahay ay sinulyapan ko pa ang maliit kong garahe kung saan nakatago ang Chevrolet ko at ang simpleng mountain bike ko pang school. 'Yun ang kinaganda nitong apartment ko, may pang garahe na. Sosyalin.

Wala ako masyadong natatanaw sa loob nang makarating ako ng 711, maliban na lang sa limang grupo ng mga lalaki na agad kong narinig ang mga boses pagbukas ko pa lang ng pinto. Napansin ko ang biglaang pagtahimik nila nang makapasok ako kaya hindi ko napigilan ang mapalingon sa gawi nila.

Natigilan ako nang mahuling nakatingin din ang mga ito sa 'kin. Nabaling lang ang atensiyon ko nang maramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa daliri ko.

"Bukas." ang maliit na boses na anang batang lalaki sa tabi ko, hanggang baiwang ko lang ang taas niya. Tinaas niya ang kamay na may hawak na magnum, pinapabukas iyon sa 'kin.

Marahan akong ngumiti saka kinuha iyon sa kamay niya. Maputi ang balat at namumula ang pisngi ng batang lalaki, nasisiguro ko rin na gwapo ito paglaki.

"Babayaran muna natin ito sa counter, okey?" sabi ko na bahagya pang ginulo ang itim at kulot nitong buhok. Nakalabi naman siyang tumango, ang cute.

Tumungo kami sa counter at binayaran ang magnum sa cashier.

"Ikaw na kasi!"

"Anak mo 'yan eh, ikaw dapat nagbabayad ng pinagkukuha ni Yuki!"

"Gago anak mo rin 'yan."

Rinig kong tulukan ng mga lalaki sa likod ko, sila ata 'yung kaninang nahuli kong nakatingin sa 'kin. Binalewala ko iyon, matapos bayaran ang magnum ay binuksan ko iyon at inabot sa bata.

"Bakit ikaw lang mag-isa? Sinong kasama mo pumunta rito?" malumanay ang boses na tanong ko sa kaniya. Pinantay ko ang taas namin at bahagyang niyuko ang tuhod sa sahig.

"Sila Papa po." sagot niya na dumila pa sa kinakaing icecream, tinuro niya naman ang direksyon ng grupo ng mga lalaki. Sila yung kanina.

"Yuki!" tila roon pa lang naman sila natauhan at agad na lumapit para daluhan ang bata. Nagsilapitan sila sa gawi namin habang mabagal naman akong tumayo ng tuwid.

"Bili niya ako po ng icecream oh." natutuwang pinakita naman ni Yuki sa kanila ang kinakain niyang icecream.

"A-ah... Miss, thank you. Babayaran ko na lang 'yung icecream." anang lalaki na tila nasobrahan sa tangkad, nakasuot ito ng sweatshirt na itim at itim din na pants. Mukhang banyaga, tulad ni Yuki ay kulot din nang bahagya ang buhok nito. May pagka-brown ang kulay ng mata, maputi at mapanga.

"Don't mind it." maikli akong ngumiti. Balak ko na sanang magpaalam agad na umalis dahil hindi ako sanay na napapalibutan ng mga lalaki pero biglang yumakap sa hita ko si Yuki. Nagugulat na niyuko siya, I suppress a chuckle and bit the side of my lip.

Naalala ko tuloy 'yung kapatid ko. Not biologically pero kapatid na ang turing ko sa kaniya.

Naiilang na napakamot naman sa batok yung matangkad na lalaking nagsalita kanina. "I guess our son likes you already." anito pa, maging ang accent nito sa English ay banyaga.

Nagsalubong ang kilay ko. "Our son?" patanong kong sabi, kinaklaro ang salitang binanggit niya. Napalingon naman ako nang marinig ang tawa nung isa sa kanila, maangas ang magulo nitong buhok. Base pa lang sa klase ng ngiti nito ay mukhang playboy na.

"Yuki is our son." aniyang tinuro ang sarili at nung apat. Hindi ako nakasagot at naguguluhan pa ring nakatingin sa kanila.

Inayos ko ang suot na salamin at hindi nagtanong para linawin ang ibig nilang sabihin. Niyuko ko muli si Yuki at sinuklay ang buhok nito gamit ang daliri ko. "Sa susunod 'wag kana hihiwalay sa mga Papa mo. Sige na, aalis na si Ate e." paalam ko naman sa kaniya. Nakasimangot siyang kumakain ng icecream niya, at nang di na siya sumagot ay tinanguan ko na lang 'yung lima.

Kinuha naman nila sa 'kin si Yuki, narinig ko pa ang pahabol na thank you ng ilan sa kanila pero tinaas ko na lang ang kamay ko sa ere para sabihing ayos na. Saka ko na itinuloy ang naudlot kong pamimili.




______

Thanks to Jill Yen for the photo inserted in this Prologue.

He's a SheWhere stories live. Discover now