Chapter 20

97 10 20
                                    

Kazuo's POV

Kasama ko si Carter ngayon sa kwarto namin ni Santi. Siya ang pumalit sa higaan nito dahil hindi naman siya pwedeng makipagsiksikan pa kina Damien. Madaling araw pa nang magising ako, nang tingnan ang suot na wrist watch ay 4:15 pa lang ng umaga.

Nang makaupo ng tuwid ay saglit na inalala ko ang nangyari kagabi. Pansin ko ang sobrang pananahimik ni Wyatt. Sabihin na lang natin na kasing tahimik ng dati noong wala pa si Santi sa buhay namin. 'Yung tingin niya kay Santi habang kinakausap ito kagabi, ibang-ibang sa usual na titig niya.

There's something...in his eyes. Kilala ko pa naman ang isang 'yun. Agad na lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kwarto nila ni Carter. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay ang ilaw na nagmumula sa laptop niya ang sumalubong sa 'kin.

Pagkatapos naming mag-usap kagabi nakaharap na siya sa laptop niya ngayong nagising na lang ako ay ganoon pa rin ang dadatnan ko. Hindi man lang niya ako nilingon nang tuluyan akong pumasok, sa halip ay sinenyasan lang akong isarado ang pinto, na ginawa ko rin naman.

Napapabuga ng hangin na naglakad ako palapit, seryosong naupo sa gilid ng kama niya kaharap ng dati kong study table.

"You're ruining the rule, Wyatt." I said, emphasizing the word 'rule'.

Nahinto naman siya sa ginagawa, sumandal sa swivel chair na kinauupuan at inikot iyon paharap sa 'kin. Seryosong tumingin. Alam niya kung anong ibig kong sabihin.

"What are you saying?" hayun na ang malamig na titig nito tulad ng dati.

"You're digging her personal information."

Hindi siya sumagot. Nagbuntong-hininga pa saka muling hinarap ang screen ng laptop. "I respect her privacy, kahit gustong-gusto ko nang malaman ang totoong pagkatao niya pinipigilan kong gawin. So stop accusing me breaking the rules that we made."

Naipikit ko naman ng mariin ang mata, pagod na naibagsak ang katawan sa dati kong kama saka tumitig sa kisame.

"She's a Zurichi, Wyatt." mababa ang boses na anas ko. Hindi na napigilan ang sarili.

Noon ko pa iniisip kung bakit pamilyar ang pangalan niya.

Santi Valerina Veldimz.

Why does her name sound so familiar? Simula nung gabi na tinawag ni Wyatt si Santi sa second name nito, alam kong hindi lang nagkataon ang pangalan niya.

Simula nang matuto kaming humawak ng baril ni Wyatt, ang tanging utos ni Dad ay mapabagsak ang Zurichi clan. Lahat ng miyembro ng pamilya nila. We may not a good person dahil pumapatay din naman kami, pero hindi kami sing lala ng pamilya na 'yun. Ibang-iba sila kumpara sa ibang mga assassin na kilala ring parte ng underground society.

At inaamin kong sobrang powerful ng pamilyang 'yun that even Mafia leaders won't dare to mess with them. Iilan lang ang tauhan na nagsisilbi sa pamilya nila pero buong underground world hawak na nga ata nila. Even governments and people working in the media.

At kung iisiping mabuti masyadong malabo na sa reyalidad, pero 'yun ang totoo. Maging ang katotohanang miyembro si Santi ng pamilyang iyon.

Hindi ko pinansin nang tuluyang matigilan si Wyatt sa sinabi ko. Siya ang panganay sa aming dalawa at madalas na isinisisi sa kaniya ni Dad kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring progress sa ginagawa namin. Siya ang ilang beses na pinapauwi sa amin sa tuwing may nababalitaan si Dad na hindi maganda.

Kaya rin siguro ganoon siya kapursigido sa utos na ito ni Dad sa amin, dahil hindi naman lingid sa kaalaman namin ang pagiging brutal ng pamilya na 'yun.

Hindi ko nga lang alam kung paanong hindi niya agad napansin 'yun.

"Naalala mo ba nang minsang nakaharap natin si Azue?" aniko, tinutukoy ang araw ng una't-huling beses na nakaharap namin si Azue. Na sigurado namang half-brother ni Santi dahil anak pa rin ito ni Santino.

He's a SheWhere stories live. Discover now