Santi's POV
This is what I want right? 'Yung sa kanila manggagaling? Tangina Santi ano ba talagang gusto mo? Ngayon na tinatanong ka na ni Carter hirap ka pa rin?
Napalunok ako, pumungay ang mata na inabot ang pisngi niya para haplusin. "I am." bago pa 'ko tuluyang magdalawang-isip ay lumabas na iyon sa mga labi ko. Ang tuluyang pag-bitaw ng kamay niya sa beywang ko nang sabihin ko iyon ay tila isang punyal na tumarak sa dibdib ko.
Simpleng gesture lang ang ginawa niya, pero malaki ang impact na binigay niyon sa 'kin. Nagsimulang bumigat ang paghinga ko, pinanood siyang tulalang napatitig sa akin habang nagsisimula ng mangilid ang mga luha sa mata. Nang humakbang siya paatras ay sinubukan ko agad siyang abutin.
Pero nagkamali ako dahil siya rin ang umiwas. He promised not to get mad, that he will trust me.
"C-Carter..." hindi ko napigilan ang panginginig sa boses ko, ang pagsuyo roon at paglalambing.
"I will still trust you, Santi. I'm not m-mad...I promised." ito ang pangalawang beses ko siyang makitang umiyak, at hindi ko na gugustuhing masundan pa. "Pero hindi ako nangako na hindi ako masasaktan. Makasarili ba ako kung umasa akong sana hindi ka parte ng pamilyang 'yun?"
Tuluyang bumuhos ang mga luha ko dahil sa mga huling salitang sinabi niya. Lalo pa nang abutin niya ang noo ko para patakan ng masuyong halik saka basta na lang umalis ng kusina ng tahimik.
Naiwan ako, tahimik na umiyak at hinayaan lamang ang pagpatak ng mga luha kong gustong kumawala. Buo na ang desisyon ko, si Wyatt at Carter pa lang ang alam kong nakakaalam. May possibility na nakahalata na rin 'yung tatlo kaya aaminin na ako mamayang gabi. Hahayaan ko muna na pumasok sila sa klase ngayon hanggang hapon.
Humugot ako ng malalim na paghinga, sinusubukang pahintuin ang sarili sa pag-iyak pero tila ayaw paawat ang mga luha dahil sa walang tigil na pag-agos ng mga iyon. Muli ko nang hinarap ang ginagawa at nagpatuloy na sa paghahanda ng rekados para makapagluto na.
Mabigat ang dibdib at walang tigil sa pagkirot iyon. Natatakot akong makita ni Damien ang sitwasyon ko at magtanong siya, pero hindi ko naman magawang huminto. Hindi ko naman pwedeng pilitin na kausapin din si Carter dahil alam kong need niya ng time para makapag-isip.
Kaya ang posibilidad mamayang gabi sa pag-amin ko naman ang inaalala ko. Kung sa ibang bagay hindi ko na iisipin pa ang kasunod na mangyayari ng mga balak kong gawin dahil ganoon na ako kasigurado. Pero pagdating sa kanila, kahit simpleng oo at hindi ay hirap na ako.
Kasi takot akong magkamali dahil involved s-sila.
Mas lalo lamang akong napaiyak, ramdam ko ang panginginig ng labi at para pigilan 'yun ay kagat-kagat ko ito habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi ko na rin magawang pagtuunan ng pansin ang paghihiwa ng kung ano man itong hawak ko dahil sa panlalabo ng mata.
"Damn it!" malakas na sigaw ni Wyatt ang nagpapitlag sa akin, hindi ko naramdaman ang presensiya niyang nakalapit. Inabot niya ang pulsuhan ko, ramdam ko pa ang panginginig ng kamay niya habang hawak ako roon. "What are you doing woman?!" nandoon ang iritasiyon at galit sa boses niya, ang mata ay nakatuon sa kamay kong hawak-hawak niya sa pulsuhan.
Hindi ako umimik at sa halip ay niyuko ko ang kamay ko. Nahinto ako sa pag-iyak at ngayon lang napansin ang napakaraming hiwa ng kutsilyo roon. Maging ang patuloy na pag-agos ng mga dugo.
Hindi ko naman kasi naramdaman 'yung sakit, kaya siguro...hindi ko napansin. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga sugat ko ay tumitig ako kay Wyatt. Pinanood siyang aligaga kung paano gagamutin ang sugat ko, salubong na salubong ang makakapal niyang kilay.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...