Nagkasundo na kami ni Sofia at Maureen. Ang plano ko ay magkikita na lang kami sa Korea. Bi-nook ko rin naman na sila ng flight para sa pagkikita namin sa martes. Kailangan ko lang unahin talaga si Yuki ngayon. Nag-aalala pa rin ako sa sitwasyon niya pero nangako si Abuela sa 'kin na magiging ligtas si Yuki kung wala akong gagawing tutol sa gusto nila, kaya panghahawakan ko 'yun.
Nang makarating ng Russia ay agad na may sumundo sa aking kotse paglabas ko pa lang airport. Ngayong nandito na ako ulit sa bansang kinalakihan ko, hindi ko alam ang mararamdaman sa tagal kong hindi nakabalik.
Siguro ngayon...tanging pangamba lang ang mayroon ako dahil hindi ko pa nahahawakan si Yuki at nakikita siyang ligtas at maayos.
Nagbuntong-hininga naman ako nang iliko ng driver ang kotse. Hindi na ako nag-atubili at mabilis na pinalipad ang may kakapalang karayom na diretsong tumusok sa leeg nito.
"Bwisit!" singhal ko at nagmamadaling pumalit sa pwesto niya, binuksan ko ang pintuan at madaling sinipa ito sa labas na agad na humandusay sa kalsada.
Agad na pinaharurot ko ang kotse habang nagtitipa sa telepono para tawagan si Abuela. Papalubog na ang araw dahil 6pm. na, may kadiliman din naman sa parteng iyon kaya hindi napansin ng mga tao ang paghandusay nito sa kalsada.
"Hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan. Napakatigas talaga ng ulo mo." may diin at galit sa boses niya. Agad na nagsalubong ang kilay ko at naguluhan.
"Nandito na nga ako, papunta na. Ano bang sinasabi mo?" iritado ang boses na asik ko.
"Huwag mo nang asahan pang makuha ang batang 'yun."
"Abuela! Nangako ka sa 'kin!" pagtataas ko ng boses, ngayon ay malakas ang kabog ng dibdib. Hindi ko makuha-kuha ang ibig niyang sabihin at walang ideyang pumapasok sa isip ko. Ang tanging inaalala ko ngayon ay ang kaligtasan ni Yuki.
Malakas na ibinato ko sa dashboard ang hawak na telepono nang babaan niya ako ng tawag. Hindi na ako nag-alangan pa at nag-isip, agad na pinaharurot ko ang sasakyan at tumungo sa nag-iisang lugar na alam kong kinulong nila si Yuki.
I will get him, no matter what it cost me.
Third Person Of View
Umaga. Kinabukasan matapos ng naganap na confrontation ni Santi at ng lima. Si Wyatt at Damien lang ngayon ang magkasama. Wala sila sa dorm at namamalagi ngayon sa bahay ni Damien.
"Hindi maganda 'tong plano mo, ipapahamak mo lang lalo si Yuki." marahas na tutol ni Wyatt sa kaibigan na padalos-dalos ang desisyon. Araw ngayon ng sabado, hindi agad nakabyahe ng eroplano si Damien kagabi kahit gustuhin man niyang agad na lusubin ang mga Zurichi.
"Hindi mo alam ang tama kaysa 'kin, Wyatt. Dahil hindi naman ikaw ang ama ni Yuki."
Malalim na nagbuntong-hininga naman si Wyatt, todo ang pagtitimpi at pasensiya sa kaibigan dahil alam niya ang sitwasyong kinakaharap nito. "Hindi porque hindi namin siya kadugo hindi na kami nagpakatatay. Nag-aalala rin kami, Damien. Anak na rin ang turing namin sa kaniya."
"Then what are you still doing?! Mag-hihintay kung kailan ibalik siya rito ng pamilya na 'yun na pira-piraso na ang katawan? Hell no! Hindi na mauulit 'yun! Hindi ko na hahayaan."
Naubos ang natitirang pagtitimpi ni Wyatt sa kaibigan at agad itong kinuwelyuhan. "Alam kong nag-aalala ka. Pero walang mapapala 'yang pagiging impulsive mo! Ikaw pinaka-matino sa 'tin 'di ba? Bakit ikaw ngayon 'yung nagiging gago? Pinaglagpas ko 'yung kagaguhan mo kay Santi kagabi pero hindi 'to." puno ng galit ang mata niya at nanginginig pa ang kamao sa gigil.
"Ayusin mo 'yang sarili mo dahil babangasan ko 'yang mukha mo kapag nagpumilit ka pa. Wala ko rito ngayon kung wala akong pakialam. Tangina ano sa tingin mo ginagawa nung tatlo ngayon? Nag-iisip 'yun! Tutulong 'yung mga 'yun. Ikaw lang 'tong gago na layo nang layo."
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...