Santi's POV
Araw ng sabado ngayon, mamayang gabi na ang magiging laban ko. Sa nakalipas na araw ay naging mailap ako sa kanila, iniwasan ko ang anumang physical touch o ang makipag-usap ng matagal. Kahit gano'n tinupad ko naman ang sinabi ko, nag-pakabait ako. Iyon nga lang, naging mailap.
After that night happen; the punishment. Alam kong may nabuhay sila sa loob ko, something that even I cannot stop it...desire. Their touches, their groans, and the way they scolded me as they spanked me that night. Hindi ako makalimot.
Nagtatalo pa rin ang isip ko kung gusto ko na ba sila o kung may namumuo ng pagkagusto. Pero sigurado ako sa isang bagay na 'yun na ginising nila sa pagkatao ko. I'm not stupid and I am very much much aware of where I am getting myself into. Siguro nga wala akong experience sa makamundong bagay, pero hindi ako inosente.
I'm turning twenty na next month at kilala ko ang sarili ko sa ganitong bagay. The moment I crave something, I will never stop desiring it until I get it. Sa ginawa nila, kapag bumigay ako ay baka ako pa nga ang sumunggab.
Nahinto ako sa malalim na pag-iisip nang mag-ring ang phone kong nakapatong sa lamesa. Nasa 711 ako ulit ng school ngayon, mas piniling dito magpalipas ng umaga habang iniisip ang gagawin ko mamayang gabi.
Tiningnan ko naman ang caller, Bria. Agad na sinagot ko ang tawag at nilapit sa tainga ko saka tinungga ang lata ng cola na hawak.
"Sunduin ba kita?" bungad niya.
"Gusto mo lang makaangkas e. 'Wag na." bahagya akong natawa nang malutong niya akong minura.
"Damot, tangina. Siguraduhin mo lang na sisipot ka, marami pa namang manonood ngayon. Bigatin ata 'yung makakalaban mo."
Hindi naman ako sumagot nang marinig 'yun. Ilang beses ko rin pinag-isipan kung itutuloy ko pa ba 'to dahil seryoso talaga ang magiging laban ko mamayang gabi. Binasa ko ang labi saka napasandal, sinuklay ang buhok ko bago muling tunggain ang can ng cola.
"Pupunta nga 'ko, baka lang ma-late ng kaunti kaya sabihin mo na lang sa Bossing mo." seryoso ang tingin ko sa kawalan. Iniisip ko pa 'yung motor ko.
Binaba ko rin naman agad ang tawag saka nag-dial ng numero. Nakailang ring pa iyon bago sagutin ng kabilang linya.
"Sino 'to?" may katandaan na ang boses niya pero magaan pa rin at malambing sa tuwing nagsasalita.
"Nay, pupunta po ako riyan mamayang gabi. Kukunin ko po 'yung motor." magaan kong sabi, boses pambabae ang gamit na boses.
Siya si Nanay Tess, sa kaniya ko pinakiusap na itabi sa garahe ng bahay niya ang motor ko. Bagong kilala ko lang sa kaniya pero mabilis na gumaan ang loob ko. Isang beses pa lang akong nakakapunta sa bahay niya, noong huling gamit ko pa ng motor.
Nasa late 60s na ang edad at may isang apong lalaki na hindi ko pa nakikita. Madalas kase kaming nagkikita lang sa bakery shop niya. Doon kase ako halos buong araw noon tumatambay habang nag-aasikaso ng application ko sa University.
Narinig ko ang malakas niyang tili sa kabilang linya nang marinig ang boses kong nagsalita. Napatawa naman ako. "Anak, Saysay! Siya sige, magluluto ako at dito ka na rin kumain." tuwang-tuwa siya sa pagatawag ko.
Nagui-guilty ako na tumanggi dahil kung maaga akong lalabas ng school ay malamang lang na mapapansin ako nung lima na wala roon. Pero tuwang-tuwa si Nanay Tess na pupunta ako, ang hirap tanggihan.
"Sige po, aagahan ko na lang 'yung punta."
"Sakto at walang pasok iyong apo ko, ipapakilala kita sa kaniya mamaya."
Napangiti na lang ako, mukhang tuwang-tuwa talaga sa 'kin si Nanay Tess.
ALASAIS NANG bumalik ako sa dorm. Nagsasabi naman ako sa kanila sa tuwing lalabas ako at kung saan pupunta, kase nga good girl na 'di ba. Pagpasok ng sala ay naabutan ko roon si Kazuo. Bihis na bihis at mukhang may lakad.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...