Kazuo's POV
Ang pagkakataon na sana naming makuha ang lalaking 'yun ay hindi na matutuloy. I lost the match and chance to have that guy in our team. Nang makablik kami ni Carter sa dorm ay dumiretso kami sa kwarto nila Damien. Naabutan namin ang mga ito na abala sa kaniya-kaniyang ginagawa. Si Damien ay nasa harap ng monitor habang may kung anong kinakalikot, si Wyatt ay tutok din ang mata roon habang nakatayo sa gilid ng upuan ni Damien.
Si Alas ay naka-upo sa study table niya, sa desk niya ay nagkalat ang mga folder at envelope.
"Talo." si Carter, pabagsak na nahiga sa kama. Mabilis namang naituon nung tatlo ang ulo sa direksiyon ko.
"Tch. Sabi ko na kasing ako na." asik ni Alas, seryoso ang inis nitong mukha.
Importante sa amin na maipanalo ang laban ko kanina dahil kailangan namin 'yung lalaki na 'yun. Kailangan namin siya sa grupo, iyong magaling magmaneho ng motor. Hindi lang marunong, may skills din. Isa pa, tago ang identity niya na kahit kami hindi pa rin ito makilala.
Lahat ng katangian na hinahanap namin para sa nag-iisang role ng team namin ay nasa kaniya. Kung sakaling naipanalo ko 'yung laban, wala siyang magagawa kung kunin siya para maging miyembro namin. Dahil siya ang kapalit ng 20 million na ipinusta namin.
"May pulis na humabol sa 'kin, wala akong magawa kung hindi unahing iligaw 'yun." iritado ko namang sagot, alam ko naman na naiinis sila. Ngayon ay nabalitaan pa namin ni Kazuo na nag-quit na raw 'yung lalaking nakalaban ko.
"Wala na tayong magagawa, proceed na tayo sa plan B." si Damien, hinuhupa ang nagsisimulang tensiyon. Nasulyapan ko pa sa tabi niya si Wyatt na masama ang tingin.
"Mahirap hanapan ng background 'to, masyadong pamisteryoso. Iilan pa lang ang mga naging laban niya pero lahat panalo." simula ni Alas, hawak ang isang folder. Inikot ang swivel chair at humarap sa 'min. Ngayon ay seryoso na ang usapan. "Wala pa siyang dalawang taon sa pagri-race, hindi rin official na miyembro nila Josh."
Natahimik naman kami saglit. Pinoproseso ang sunod na hakbang na gagawin. "Sa ngayon, ito pa lang ang lahat ng photos niya na meron tayo. Kahit mata niya man lang ang kita wala rin." kinuha ko naman ang envelope na hinagis niya sa 'kin. Isa-isang sinilip ang mga stolen pictures na nasagap namin.
"And," pabitin namang anas ni Damien, hindi ko ito nilingon. "Magaling siyang magtago. Lahat na ng CCTV na kalsadang nadaanan niya kaninang race, hindi pa rin namin na track nang pauwi na siya."
Silang tatlo kase ang naka-assign na maghanap ng background information namin tungkol sa lalaki. Umalis sila kanina dahil kailangan nilang i-monitor ito sa mga kalsadang posible nitong daanan pag-uwi. Para ma-track man lang namin ang location nito.
Habang si Carter? Wala siyang ambag. Pusta lang talaga ang ipinunta ng gago kanina. Badtrip pa ito ngayon dahil natalo ako at nagka-utang siya ng milyones ngayon sa kapatid ko sa halip na dumoble sana iyon.
"Parang...naglaho bigla sa camera." makahulugan na anas ni Wyatt, seryoso ang itsura at mukhang may gustong ipahiwatig.
"Kung ganiyan siya kagaling, malaki talaga ang potential niya. We need to find this guy, whatever it takes." si Carter. 'Yan lang naman ambag niya lagi kapag ganitong nagpaplano kami.
MATAPOS makapagpalit ay pumasok na ako sa kwarto namin ni Santi. Maingat na sinarado ang pinto at nanatiling nakatayo habang nakatanaw sa kaniya. Mahimbing na ang tulog nito, nakapantulog na pajama ang suot.
Wala sa sariling humakbang ako palapit sa kaniya. Naupo ako sa paanan ng kama at mataman na tinitigan siyang matulog. Gusto kong magpalambing sa kaniya dahil pinagtutulungan nila akong apat kanina dahil hindi ko naipanalo ang laban, kaso ay tulog na siya.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...