Dalawang subject pa lang ang napapasukan ko pero ang dami na agad na pinapagawa. Hindi ko inaasahan na sobrang higpit din pala ng school na 'to at 'yung mga Professor istrikto rin.
Nang mag-alauna na ay doon pa lang kami nakapag-lunch. Nakasunod lang ako kay Zane habang papunta kami sa cafeteria, siya 'yung kaklase ko kanina na gwapong babae rin pala. Madaldal siya at kapag kami lang dalawa ay boses babae niya ang ginagamit kapag nagsasalita. Which I find much comfortable.
"Gago 'yun e, hindi na nga nagtuturo ang baba pa magbigay ng grade." kwento niya tungkol sa dating naging Professor last year. "Buti na lang talaga wala akong subject sa kaniya ngayon." maangas siyang nakapamulsang naglalakad sa tabi ko. At dahil kami lang naman ang naglalakad sa initan sa gitna ng quadrangle ay boses babae ang gamit namin.
"Pero ayos naman 'yung grades mo 'di ba? Bakit nagpalit ka pa ng course?"
"Tange! Ano pa? Para hindi siya maging Prof ko, pagnagkataon talaga bugbog sarado aabutin niya run sa lima. Isa pa sinilip ko lang talaga 'yung course na Engineering." sinundan pa niya 'yun ng halakhak, napailing na lang ako.
"Pero atleast, until now wala pa ring nakakaalam na babae ka kahit magpapalit-palit ka pa ng course every year kung gustuhin mo."
Maangas siyang natawa, siningkit ang mata at nahinto sa paglalakad para harapin ako. "Not my dormmates, actually inaantay ko na lang talaga silang gumraduate saka ko magd-drop off."
Natigilan naman ako. "H-How come?"
"Ikaw ba? Imposible namang hindi agad mahalata ng mga kasama mo." pag-iiba niya sa usapan.
Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi niya at bahagyang napangiwi. "Pagdating ko pa lang nga sa dorm tinawag na nila ako agad na Miss." natawa naman siya at agresibo akong inakbayan.
"Shoot, paktay na. Mukhang five dickies in three holes din ang end game mo a." makahulugan naman niyang sabi na nangingisi pa. Natawa na lang ako kahit hindi ko naman masyadong maintindihan. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nanatili siyang naka-akbay sa balikat ko, mas matangkad kase siya sa akin.
"Fu-" hindi niya natuloy ang pagmumura nang may humatak bigla sa kaniya nang pwersahan.
"Zane!" nagugulat na ani ko at mabilis na inawat si Alas nang akma niya pa sanang susuntukin si Zane. Malakas ang kabog ng dibdib ko na hinawakan ang braso niya. "H-Hey..." sinubukan ko naman siyang pakalmahin.
Seryosong-seryoso ang mukha niya habang masama ang tingin kay Zane, nilingon ko naman ang huli at nakuha pa ng gaga na ngumisi. Sinuway ko siya gamit ang tingin dahil balak pa ata nitong asarin si Alas.
"Keep your hands to yourself-"
"Alas... kaibigan ko siya." mahinahon ko namang suway sa kaniya, nang bumaling ang tingin niya sa 'kin ay hindi ko mabasa ang emosiyon sa mata nito.
"Friend or not, you'll not going to talk to this ass again." masungit naman niyang sabi saka hinatak na ako papasok sa cafeteria, sinubukan ko pang lingunin si Zane pero pinihit lang ni Alas ang ulo ko paharap.
Tahimik akong napabuga ng hangin at nagpatinaod na lang kung saan man niya ako dalhin. Pagpasok sa cafeteria ay dumiretso agad kami counter at nilagpasan ang linya. Napapalunok na tiningnan ko naman si Alas dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyante.
"Order na." malamig at diretso na utos pa niya, walang pakialam sa mga nakapila na pinagtitinginan kami. Bumuka ang labi ko pero walang salitang lumabas, bumaba roon ang tingin niya saka iritadong ipinikit ang mata. Humarap siya sa lalaking nasa counter at sinabi ang bibilhin.
Nanatili naman akong tahimik habang nakaharap lang sa kaniya, iniiwasan na masalubong ang mga matang nakatingin sa amin. Ilang saglit lang ay nahanda na agad iyon, may inabot siyang card sa lalaki na agad naman nitong ini-swipe.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...