Warning: Sexual content
Santi's POV
TULAD NG sinabi nila, confidential nga ang nangyaring pag-uusap namin sa guidance kaya hindi na rin nakarating sa lima ang tungkol doon. Dahil hindi ko rin alam kung kakayanin ko bang sagutin kung sakaling tanungin nila ako tungkol sa bagay na 'yun. Lalo pa ngayon na nasa rule na pinatupad namin ang honesty. Aish.
Naresolba na rin pala ang tungkol sa kaso. Si Alas ang nagkwento sa akin nang minsang tanungin ko siya tungkol doon. Nahirapan daw 'yung dalawang studyante na matukoy na ang lalaki mismo ang tumapos sa buhay nito. Nung araw din na pinatawag ako ay siya namang labas ng resulta ng sumuri sa bangkay nung lalaki. Tungkol naman sa mga hiwang sugat na nakita sa leeg nito ay pinagpalagay nilang sa blade iyon nagmula.
Habang ang lalaki mismo ang kusang nag-dislocate ng sarili nitong leeg para patayin ang sarili nito. Hindi na ako nagulat. May kakayahan siyang gawin 'yun, tauhan 'yun ni Abuela e.
At ang resulta ng kaso? Suicide. Isang outsider na palihim na nagmamanman ang nag-suicide rin mismo sa loob ng campus. Ridiculous. Doon na nila sinarado ang kaso. Sabagay, ano pa bang mahahanap nilang impormasiyon sa lalaking 'yun e taga Russia 'yun.
Sabado na pala ngayon, bukas ang ikalawang linggo kaya p'wede kaming makalabas ng University. Bibisitahin namin si Yuki sa bahay ni Nanay Tess. Hindi ko makuha ang lakas ng loob na sabihin sa kanila na nakapunta na ako roon at kilala ko na si Nanay Tess. Lalo pa at madali na lang nilang mapapagtagpi-tagpi ang mga nangyayari at hindi imposible na malaman nilang ako ang babaeng nakalaban ni Kazuo sa karera.
Hindi pa rin maalis ang takot ko kaya iniiwasan kong mangyari iyon. Hindi ko ba alam. Tila may pumipigil sa 'kin na malaman nila iyon, dahil kapag nangyari 'yun maghihinala sila lalo sa katauhan ko. Magtatanong sila at hindi ko kakayaning magsinungaling. At lalong hindi ko alam kung kakayanin ko bang umamin.
Nang sabihin nila kaninang umaga ang plano nilang bisitahin si Yuki bukas ay tinext ko na agad si Bria na kunin ang motor ko. Pinaalam ko rin naman kay Nanay Tess na may kukuha na niyon, hindi naman siya nagtanong pa tungkol doon at nangamusta lang.
Napabuntong-hininga ako, tinanggal ang suot kong salamin na walang grado at kumuha ng damit para makapagpunas. Wala ngayon sa kwarto ko si Kazuo, nagtipon-tipon kasi silang lima ngayon sa kwarto ni Damien at Alas at mukhang abala sa kung ano.
Sa halip na isipin 'yun ay tumungo na ako sa banyo para makapag-half bath. Maaga kasi kaming aalis bukas para mas masulit namin sa labas. Inabot din ng kalahating minuto bago ako natapos at nagdamit. May sarili akong toiletries na ginagamit, much sweeter ang scent at pambabae talaga. Kahit sabihing ganito ako, syempre babae ako. Aish.
Matapos ang half bath ay nagsepilyo ako, saka nag-spray ng dry shampoo sa buhok dahil hindi ko naman iyon binasa. Paglabas ng banyo ay dumiretso agad sa sala, prenteng naupo pa saglit bago sinulyapan ang pinto ng kwarto nila Damien.
"Ano bang ginagawa nila?" usal ko sa sarili. Pagkatapos ng hapunanan ay nagkulong na sila agad doon, ayoko namang magtanong dahil kung gusto talaga nilang ipaalam sa akin ay magkukusa naman silang sabihin.
Napabuga naman ako ng hangin at tumayo na rin agad. Matutulog na lang ako tutal mukhang bukas pa sila riyan. Diretso ang tingin na naglakad, pabalik na sana ng kwarto ko nang mahinto sa tapat ng kwarto ni Wyatt at Carter. Bumukas iyon at mukha ni Carter ang sumalubong sa 'kin. Agad na sumilay naman ang ngisi sa mukha niya nang makita ang mukha ko.
"Sungit na naman ng itsura mo." puna niya, nakuha pa akong tawanan. Hindi ko sana siya papansinin pero hinatak niya ang pulsuhan ko papasok sa loob, hindi naman ako pumalag at nagpatinaod lang.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...