Chapter 34

183 11 16
                                    

Third Person Of View

Tahimik na sumimsim ng tsaa si Salazar nang tuluyang maupo ang anak na si Hans. Nasa opisina ng kanilang mansiyon sila ngayon. Kabado man si Hans ay seryoso ang mukha niyang naupo sa tapat ng office table ng ama.

"Kamusta ang kumpanya?" kaswal na anas ni Salazar, hindi siya tinapunan ng miski sulyap dahil abala ito sa patalim na sinusuri.

Madiing napalunok si Hans, mukhang may ideya na kung saan tutungo ang usaping ito. Mula nang malaman ang DNA result ay ngayon pa lang ulit sila nagkausap.

"The sales are increasing. Still good." maikling niyang sagot, diretso ang upo at tahimik na nagbuntong-hininga. Tulad pa rin noon ay natatakot pa rin siya sa tuwing kausap si Salazar.

Matapos niya magsalita ay napuno na ng katahimikan ang buong opisina. Tila hindi rin interesado ang ama tungkol sa pangangamustang ginawa nito sa kumpanya. Patuloy sa pagsuri si Salazar sa hawak na patalim habang nabibingi na sa katahimikan si Hans.

"Dad-"

"Anong plano mo ngayon?" agap ni Salazar sa akmang pagsasalita niya. Nagbuntong-hininga pa muna ito bago tuluyang ibinaba ang hawak, ma-ingat na binalot iyon ng tela bago muling isinilid sa lalagyang kahon. "Hanggang kailan mo kayang panindigan 'to?"

May ideya mang pumapasok sa isip ni Hans kung ano ang tinutukoy ng ama ay hindi siya nagpatinag. "What do you mean, Dad?" pilit niyang pagtanggi, pinapakita na wala siyang ideya sa ibig nitong sabihin.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nagawang makita ni Hans ang paglapit ni Salazar sa kaniya, naramdaman na lang niya ang kamay nitong mahigpit na hawak siya sa leeg.

"Pinalampas ko noon ang ginawa mo." ang kalmado at mababang boses ni Salazar ay naghahatid kilabot.

"D-Dad? W-What are you saying?"

"Alam mo na ayoko sa lahat 'yung harap-harapan akong tinatarantado." matapos sabihin iyon ni Salazar ay malakas na hinagis siya nito sa ere. Tila hindi nito alintana ang pagtama niya sa kumpol ng mga libro at paglagapak sa sahig. "Wala kang pinagbago sa ama mo."

Hirap na napaubo si Hans nang subukang tumayo, tinapik pa ang sariling dibdib nang tila manikip iyon matapos ang pagkakatama. Malinaw man niyang narinig ang sinabi ni Salazar ay wala siyang lakas ng loob na magsalita.

Lihim na nagkuyom ng kamao ngunit alam niya sa sarili na wala siyang laban. Naroon pa rin ang respeto at utang na loob niya kay Salazar dahil alam niya sa sariling wala sila ngayon sa tuktok ng karangyaan kung pinabayaan sila nito noon.

"So you knew from the start?" nahihirapan niyang pangungumpirma, niluwagan ang suot na necktie at nagpagpag ng suot.

Naglabas naman ng tobacco si Salazar, kaswal na muling bumalik sa swivel chair para maupo na tila walang nangyari. "Ano sa tingin mo?"

Lihim na nagtagis ng bagang si Hans, napalunok at napabuga ng hangin. "But you still give me the 90% of your property-"

"That was only 20%, Hans."

Napatigagal siya sa narinig. Hindi makapaniwala na napatitig siya sa ama. Bakas ang gulat sa mga mata na nagsalita. "That was only 20? B-But you gave me the oil and gas company-"

"Because that was the least profitable among all of the companies I have. You should still be thankful that you still have at all after you fooled me." si Salazar, sabay buga ng usok matapos humithit sa tabacco na hawak.

Lihim na nagkuyom siya ng kamao, hindi makapaniwala na wala pa pala sa kalahati ang pag-aari na nakuha. Tunay na mahirap basahin ang matandang nasa harap niya, wala siyang ideya na mas malawak pala sa inaakala niya ang kapasidad ng pag-aari nito.

He's a SheWhere stories live. Discover now