THREE MONTHS had passed. Naging open at vocal ako lalo sa kanila at sabihin na nating tuluyan nilang napalabas 'yung clingy side na hindi ko alam na mayroon pala ako. At tuwing sasapit naman iyong linggo? O iyong freeday kung tawagin ni Carter. Tuwing sasapit ang linggo na 'yun ay iba't-ibang lugar ang ginagalaan namin.
Susunduin muna si Yuki saka buong araw kaming pito na magbo-bonding. Like a family... Yuki and I build a very strong connection as a mother and child. Na minsan nawawala na sa isip ko na hindi ko siya tunay na anak dahil kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko. I don't like kids but Yuki made me like them.
Si Yuki, at silang lima. Binigyan nila ng kulay 'yung mundong ginagalawan ko. They made me feel loved and...included. 'Yung pakiramdam na kabilang ka sa pamilya na 'yun, 'yung hindi ka binubukod kase naiiba ka.
At iyon 'yung pakiramdam na ayokong mawala.
But life is really having fun playing a trick on me, dahil tatlong buwan pa nga lang ay gusto na nitong bawiin ang masayang mundong sinisimulan ko pa lang.
"Sasama ako." seryoso kong anas sa kanila.
Seryosong tiningnan din naman ako ng lima, si Damien ang lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Seryoso ang mata nito at kahit hindi pa nagsasalita ay ramdam ko na ang awtoridad sa klase ng titig na binibigay niya.
"You're going stay here. Mas makakasiguro kami na ligtas ka." may pinalidad na aniya.
Naiyuko ko ang ulo, lihim na kinuyom ang kamao at nagtagis ang bagang. Simula nang makarating sa amin ang balita ay hindi nila nakita miski isang patak ng luha sa 'kin. Pero hindi nasusukat doon ang sakit na nararamdaman ko ngayon. 'Yung galit na pilit kong kinontrol dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Nanay Tess was killed...mercilessly.
They chopped her head! Ng kung sino mang gago na 'yun. Kaya hindi ko kakayanin na basta na lang maghintay dito. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang para kumalma ay dahil ligtas si Yuki. And he needs me, he needs us.
Saglit na kinalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Saka mabagal na nag-angat ng tingin kay Damien, diretso ang tingin sa mata niya.
"Siguraduhin niyo na dito tutuloy si Yuki, Damien. Dahil baka hindi ako makapag-timpi kung hahayaan niyong pulis pa ang magdesisyon kung saan siya tutuloy." hindi ko na siya hinintay pa na makasagot at bumalik na ako sa kwarto ko.
Naupo sa paanan ng kama ko, tinukod ang siko sa tuhod saka hinilamusan ang mukha gamit ang palad. Gigil na nagtagis ng bagang dahil sa ideyang naiisip. Dalawa lang naman 'yan, una, ang mga taong tinukoy ni Damien noon na gustong pagtangkaan ang buhay ni Yuki. At ang pangalawa?
Marahas na dinampot ko ang telepono na nasa side table, bago pa itipa ang numerong tatawagan ay siya namang ring nito. Si Abuela.
Agad na sinagot ko 'yun.
"Valerina." sa halip ay boses ni Dad ang nagsalita. Marahas na nagtaas-baba ang dibdib ko sa pinipigilang emosiyon. Hindi nagsalita at hinayaan siyang magpatuloy. "Sa linggo na ang birthday ng unica hija ko, hindi ka ba talaga uuwi?" mahinahon ang boses niya at kalmadong nagsalita. Tulad parati.
Gago!
Naipikit ko ang mata. Nang maglayas ako ng Spain sa puder ni Mom, siya ang nagsabing huwag na huwag akong tatapak sa bansa kung nasaan siya. Ngayon ay pababalikin niya 'ko? Sinong ginagago niya?
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" muling nagsalita siya sa kabilang linya nang walang makuhang sagot sa 'kin. Iyon pa lang ay halos mawarak ko na ang hawak na telepono dahil sa matinding galit.
"Ikaw ba?" mariing nagtagis ang bagang na asik ko.
Dismayo siyang nagbuntong-hininga, peke. "Hinintay kita ng ilang buwan na magkusa na umuwi ng Russia...pinaabot mo pa ng birthday mo. Ayaw mo ba ng regalo ko?"
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...