Chapter 6

101 9 22
                                    

Ngayon ang unang araw ng klase ko bilang estudyante ng Yakuza University, iba rin pala sa pakiramdam. Tulog pa si Kazuo nang magising ako, saglit akong napahinto sa tapat ng higaan niya. Tinitigan ang maamo niyang mukha habang mahimbing na natutulog. Bahagya akong nangiti dahil sa ayos ng pagkakahiga nito, kung titingnan ay mukha siyang tahimik na tao kaya hindi mo aakalain na ganito siya kakalat matulog.

Nakalaylay na ang kumot sa sahig at malapit nang mahulog ang katawan dahil nasa pinaka-gilid na ng kama na ang katawan niya. Naiiling na bahagya akong natawa bago lumabas na ng kwarto.

"Damn!" asik ko sa gulat nang bumungad ang mukha ni Wyatt sa harapan ko pagbukas ko ng pinto.

Bakit ba ang hilig nilang sumulpot tuwing bubuksan ko ang pinto?

Iritable kong pinikit ang mata ng mariin habang inaayos ang salamin ko. "Ginagawa mo sa tapat ng pinto namin?" salubong ang kilay ko na asik sa kaniya.

Peke siyang naubo at kunwaring siningkit ang mata. "I was just passing by."

"Passing by? E, dulo na 'tong kwarto namin. Ano 'yun, dinaanan mo lang 'tong dulong pader?" natawa naman ito sa sinabi ko at patango-tango pa na nangingiti. Siraulo.

Naiiling na nilagpasan ko siya, naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa 'kin pero hindi ko na siya pinansin. Bitbit ko na ang tuwalya at mga damit ko habang papunta sa banyo.

"Anong oras klase mo?" bukas niya ng usapan, kita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag-uunat niya ng braso habang nakasunod sa 'kin.

"Eight."

Sarado ang pinto nang marating namin ang banyo na liguan, bukas din ang ilaw nito kaya siguradong may tao. Nangunot naman ang noo ko kung sino ang nasa loob, bukod kay Wyatt na ang aga ring gumising. Naisipan kong sa salas na lang mag-aantay, nanatili naman si Wyatt na nakasunod sa akin.

"Bakit ka ba sumusunod?" hindi na nakatiis na tanong ko nang makaupo sa sofa. At ang loko ay tumabi pa sa pwesto ko. Nagmamayabang ang upo niya habang prenteng nakabukaka pa talaga.

"Hindi ka ba magkukusa?" medyo seryoso ang mukha niya nang sabihin 'yun, pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nang-iinis lang ito. "I mean, wala ka bang plano na mag-kusa na ikaw naman ang magluto para sa 'min."

Kung kay Damien siguro manggagaling ang sinabi niya ay baka nga gawin ko pa. Pero dahil sa kaniya galing, ang dating lang sa 'kin ng sinabi niya ay gusto niya lang akong pikunin.

"Ako ang naghuhugas ng pinagkainan, saka para namang nagluluto ka? Hindi ka na nga tumutulong sa hugasin hindi ka pa nagluluto." ismid ko, natawa naman ito at prenteng sinuklay ang buhok.

"Well, let's just say that the groceries are all came from my pocket. May ambag pa rin ako."

Hindi ko naman na inintindi ang sinabi niya at nanahimik na lang. Isa pa, wala talaga siyang kwentang kausap. Ilang minuto ang nakalipas na tahimik kaming pareho. Balak ko na sanang tingnan kung tapos na ba 'yung nauna sa 'kin sa banyo pero nagsalita naman si Wyatt.

"Always wear pajamas kapag nandito ka lang sa dorm, Santi." anito, seryoso ang boses. Napalunok naman ako nang patungan niya ng unan ang hita ko. "Keep it covered, it's too tempting to resist." nang magsalubong ang mata namin ay nakaramdam ako ng kakaiba.

Agad akong nag-iwas ng tingin at tumayo, iniwan ko siya sa salas at nagmamadaling tumungo sa banyo. Sakto namang paglapit ko ay siyang bukas ng pinto nito. Bumungad sa 'kin ang nakatapis ng tuwalya na si Alas. Tanging pang-ibabang bahagi lang ng katawan ang nababalutan ng tuwalya, habang bahagya pang basa ang katawan at tumutulo ang buhok.

Look away Santi!

Pero hindi ko ginawa. Nagmatapang ako at tinapatan ang titig niya.

"Shit." rinig kong mura nito, naging aligaga at hindi malaman kung babalik ba sa loob ng banyo o aalis na sa harapan ko. Tahimik akong napalunok, kusang bumaba ang mata ko sa perpektong ukit ng katawan niya.

He's a SheWhere stories live. Discover now