Chapter 27

107 10 16
                                    

Sabay pa na napatayo si Wyatt at Damien sa pagpasok ng doctor. Sa likod nito ay may kasunod na mga nurse na may tulak pang stretcher.

"Ililipat lang namin siya ng kwarto para masalinan na ng dugo." pormal na anas ng doctor nang mapansin ang pagtataka ng dalawa.

Nagsalubong ang kilay ni Wyatt. Kuryosong malaman kung sino ang taong nag-magandang loob na magbahagi ng dugo kay Santi. Humalik pa muna siya sa noo ng dalaga bago tuluyang umatras palayo at bigyang daan ang mga nurse na ilipat sa stretcher si Santi.

Habang si Damien naman ay binuhat si Yuki na mahimbing na nakatulog sa tabi ni Santi kanina.

Nang mailabas ng mga nurse ang dalaga ay nakasunod lamang sila kung saang kwarto man ilipat at dalhin ito. Hanggang sa mahinto sila sa kwartong may malaking salamin, kung saan kita mula sa labas ang loob nito. Maging si Salazar na nakahiga sa hospital bed.

Unang nakakita si Damien sa matanda. Agad na natuod sa paghakbang dahil sa hindi malamang dahilan ng pagkabog ng dibdib niya. Seryoso naman si Wyatt na tinanaw ang matanda, nakikita niya ang emosiyong nababakas sa mata ng matanda nang tanawin nitong ipasok ang stretcher ni Santi.

Naikuyom niya agad ang kamao at nagtagis ng bagang. Masaya si Wyatt na nagkaroon agad ng blood donor si Santi, pero bakit sa lahat pa ay ang taong nagtangka mismo ng buhay nito? Hindi malaman ni Wyatt kung ano ang motibo ng matanda at kung paanong talagang nag-match pa ang dugo ng dalawa. Pero masama ang kutob niya at hindi maganda iyon.

Naupo sila sa bench, walang pakialam sa hilerang mga tauhan na kasama nina Svet. Panay ang sulyap ni Wyatt sa magkabilang dulo ng hallway, nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi man lang bumibisita si Alas sa kwarto ni Santi.

Alam niyang nahihirapan din ito at tulad nila ay sinisisi rin ang sarili. Lalo pa at gayong involve ang grandfather nitong si Salazar kung bakit ngayon nasa hospital si Santi. Napabuga siya ng hangin, hahayaan niya muna ito sa ngayon. Alam niyang hindi rin ito makakatiis at magpapakita rin kapag kumalma na ang isipan.

Santi's POV

Mabigat ang pakiramdam ko nang magmulat ng mata. Sinanay pa muna sa may kadilimang paligid bago tuluyang ilibot ang tingin. Ang liwanag mula sa bintana ang tanging nagbibigay linaw sa kwarto para maayos kong makita ang paligid.

Maingat na bumaling ako sa kanang gilid, ramdam kong hawak ng kung sino ang kamay ko. Natagpuan ko naman ang maamong mukha ni Alas sa tabi ko, mahimbing na natutulog habang magkadaop ang mga palad namin. Matagal akong napatitig sa kaniya, kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha.

Nangingiti kong kinagat ang ibabang labi nang makita ang pagsasalubong ng kilay nito. Tila may napaginipang hindi kaaya-aya. Gamit ang bakanteng kamay ay marahan ko iyong inangat para abutin ang buhok niya at magaang suklayin.

"Alas..." ang bahagyang paos kong boses na anas sa mababang tono. Patuloy ang kamay sa pagsuklay ng marahan sa buhok niya. Hindi naman ito nalimpungatan, dahilan para bahagyang tumaas ang kilay ko at umangat ang gilid ng labi.

Kalaunan ay hinayaan ko na lang din, tahimik na tumagilid ako ng higa at pinagmasdan siyang matulog. Siya lang ang kasama ko ngayon sa kwarto, at base sa mga gamit na nandito sa loob ay nasa hospital ako.

Napangiti ako sa isiping siya ang nagbabantay sa 'kin. Hindi ko alam kung nasaan 'yung apat pero masaya ako na paggising ko may bumungad sa 'kin na isa sa kanila. Atleast it somehow makes me calm and relieved that they still care for me.

Nanatili ako sa ganoong posisyon, hindi man lang dalawin ng antok kahit gayong base sa dilim sa labas ng bintana ay gabi pa. Hanggang sa marahang nagbukas ang pinto. Pinanood kong lumitaw ang bulto ng dalawang lalaki. Sina Damien at Wyatt.

He's a SheWhere stories live. Discover now