Santi's POV
Ayos naman pala 'tong si Kazuo. Kapag magkakasama kaming anim para lang siyang tuod, hindi halos kumikibo o kung magsasalita man ay ako lang din ang kinakausap. Nung una akala ko tahimik lang siya, nagsasalita rin naman pala kahit paano.
Naging maganda ang tulog ko dahil na rin siguro sa pajama na binigay niya. Yes, bigay at hindi hiram. Sa himbing ng tulog ko, hindi na ako nagising ng maaga para maligo ng madaling araw. Nakapikit pa ang mata ko pero gising na ang diwa ko, nang biglang sumagi sa isip ko kung anong oras na ba.
Napamulat ako na may nanlalaking mata, nanatiling nakadapa at napatitig sa kawalan. Hinanap ang sarili bago tuluyang natauhan at mabilis na bumangon. Sinulyapan ko ang kama ni Kazuo pero wala na ito roon.
Darn.
"Shit, anong oras na?" aligaga akong tumayo at sinuot ang salamin ko bago sinilip ang oras sa phone.
7:13 a.m.
"Aish!" naibagsak ko ang katawan sa unan. Napatulala sa kisame habang pilit na nirerehistro ang oras sa isipan ko. What should I do now? Bakit ba kase hindi ko narinig ang alarm ko?
May ideyang pumasok sa isip ko. Hindi kaya, pinatay ni Kazuo 'yung alarm ko? Napasinghap ako sa naisip, iritableng sinilip ang phone ko para tingnan kung naka set ba ng 'everyday' ang oras ng alarm ko.
And it was not.
Kasalanan ko pala. I should've check it! Kinalma ko muna ang sarili, pinoproblema kung saan ako kukuha ng lakas ng loob na maligo pa ngayon na pakalat-kalat sila sa loob ng bahay. It may look easy for others kung sanay silang may kasamang mga lalaki sa iisang bubong. Pero paano naman ako na lumaking mag-isa at walang kasama?
Napapapikit na tinanggal ko ang salamin ko saka hinilot ang nose bridge ko bago muling sinuot ang salamin. I should get used to this situation na hindi sa lahat ng pagkakataon makakaligo ako ng madaling araw.
Ilang minuto ko pang kinalma ang sarili bago napagdesisyunan na lumabas ng kwarto, suot pa rin ang terno kong pantulog na may bear prints. Nang makitang walang tao sa salas ay dumiretso ako sa kusina. Kaswal akong naglalakad papunta sa kusina nang madaanan ko ang pinto, bumukas iyon at agad naman akong napahinto para tignan kung sinong papasok.
Unang sumulpot ang bulto ni Damien, topless at pawisan. Mabilis kong naiiwas ang tingin bago ko pa pasadahan ang katawan nito, nang magsunod-sunod na nagsulputan pa 'yung apat sa likod niya. Base sa itsura at porma nila mukhang galing silang gym or workout. Does this University has its own gym inside?
"Gising na pala 'yung early bird natin." hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Wyatt at dumiretso ako ng lakad sa kusina. Narinig ko ang tawanan nila pero hindi nako naglakas-loob na sulyapan pa sila ulit.
Knowing that they're all topless. Darn it! Mariin akong napalunok pagkapasok ng kusina, hindi ko alam kung para saan ang kabog ng dibdib ko nang marinig na palapit nang palapit ang ingay nila. I tried to keep my composure casual nang tuluyan silang makapasok ng kusina.
Inabala ko ang sarili sa paggawa ng kape, nanatiling nakatalikod sa kanila.
"Good morning, Santi." ang malalim na boses na bati sa 'kin ni Damien. Alam kong nasa likod ko lang siya dahil bukod sa lapit ng boses nito ay ramdam ko rin ang presensiya niya sa likod ko.
"Morning." maikli kong bati, trying to act normal but internally I don't fucking know why I am even damn shaking for goodness' sake!
"Ang aga-aga ang sungit." ayan na naman si Wyatt, hindi ko sana ito papansinin pero napapitlag pa ako sa gulat nang silipin niya ang mukha ko. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa beywang ko para alalayan ako, natatawa pa habang nangingisi sa reaksiyon ko.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...