Chapter 4

85 13 1
                                    

Nakatulog ako sa sobrang pagmumuni-muni kanina, naalimpungatan lang nang maramdaman kong tila may dumampi sa pisngi ko. Pinakiramdaman kong mabuti ito bago marahan na dinilat ang mata.

Si Wyatt agad ang bumungad sa paningin ko. Nanatili akong nakatitig sa kaniya na para bang natulala ako sa lapit ng mukha niya sa 'kin. Ramdam ko ang mabagal na pagsalubong ng kilay ko, napansin niya 'yun nang lumipat doon ang tingin niya.

"Naistorbo ba kita?" hindi ko alam na mas may ilalalim pa pala 'yung boses niya, o sadyang iba lang talaga ang dating niyon sa 'kin.

Bahagya siyang ngumiti na ikina-kunot lalo ng noo ko, naiiling pa at hindi man lang nag-abalang dumistansiya man lang kahit kaunti. Sobrang lapit niya kaya! Magsasalita pa sana ako pero nasundan ko ng tingin ang mata niya nang bumaba iyon sa labi ko.

Natikom ko ang bibig at pakiramdam ko natuod na lang. "L-Lumayo ka nga, masyado ka namang malapit." mahina kong asik. Naiiwas ko ang tingin nang bahagya siyang natawa.

Sa halip na lumayo ay bahagya pa siyang lumapit, kaya kahit walang maaatrasan ay idiniin ko pa lalo ang sarili sa kama.

Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Nawawalan ako ng personal space!

"Hindi ko alam kung kaya kong matulog sa iisang kwarto na kasama ka." seryoso ang boses niya nang sabihin 'yun habang malamlam na naglulumikot ang mata sa buong mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil ba sa lapit niya o dahil sa sinabi niya. Bwisit.

"Insulto ba 'yun?" mababa ang boses ko, tila habol ko pa ang paghinga nang magsalita.

Mahina siyang natawa, malakas ang loob na nilapit pa ang mukha sa 'kin hanggang sa dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa-t-isa. "That's a threat, and you must take it seriously." nagtaasan ang balahibo ko nang dumampi ang mainit niyang hininga sa balat ko.

Aaminin ko, naapektuhan ako sa sinabi niya. At 'yung epektong 'yun, hindi ko alam kung dapat ko bang ikabahala o dapat ko bang ikatuwa. Kase sa unang pagkakataon, may lalaking nagpakaba sa 'kin ng ganito.

Bwisit talagang lalaking 'to.

Nang makaipon ng lakas ay bahagya ko siyang tinulak nang may kalasan, napansin ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko nang gawin 'yun.

Ano ba, Santi?! 'Wag ka ngang paapekto sa sinabi niya. Mariing kastigo ko sa sarili.

Kalmado naman siyang tumuwid na ng tayo, nanatili ang mariin niyang titig sa 'kin kaya hindi ko na magawang tingnan siya pabalik. Namulsa siya sa harap ko na para bang wala siyang ginawang katarantaduhan. "Kakain na raw, sumunod ka na lang." seryoso ang boses na sabi nito saka tinalikuran na ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marating niya ang pinto at huminto sa paghakbang palabas. "Sa susunod, kung hindi ka magsusuot ng bra o mag-kumot man lang. 'Wag kang humiga na parang wala kang lalaking kasama sa kwarto."

Naiiwas ko ang tingin kahit hindi naman siya nakaharap sa 'kin. Nakuha ko na ang punto nito at aminado akong naging pabaya ako kanina. Saka malay ko ba na makakatulog ako? Hindi na ako nagsalita, tumuloy naman na siya palabas ng kwarto.

Nanibago tuloy ako. Hindi naman kasi ganito ang salubong niya kaninang umaga, sobrang seryoso lang talaga ng aura niya ngayon.

Napatitig ako sa kisame nang ilang minuto bago nagpasyang mag-ayos na ng sarili. Pinalitan ko ang suot ko dahil bakat ang dibdib ko roon, nagsuot ako ng makapal na hoodie na pantulog. Gusto ko pa sanang mag-shower muna sana, ang kaso hindi ko naman kayang magpadaan-daan sa kusina gayong kumakain sila ro'n.

Nagpalit na rin ako ng short, iyong panlalaki syempre. Pagkatapos ay kinuha ang salamin ko na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama ko. Nang makuntento ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa tapat pa lang ako ng pinto ng kwarto ko, hindi ko pa nga nararating ang sala napahinto na agad ako.

He's a SheWhere stories live. Discover now