Chapter 10

82 12 25
                                    

PAGDATING NG room ay may Professor na sa loob. Nagkatinginan naman kami ng masama ni Zane, nagsisisihan kung bakit nahuli. Bago pa kami makita ng Professor ay bumalik kami sa may hagdan at doon tumambay.

"Ang tagal mo kasi umihi!" sisi ko sa kaniya, boses babae ang gamit ko kaya hininaan ko ang boses.

"Tangina, ikaw kaya umihi ng nakatayo." asik nito pabalik, masama ang tingin sa 'kin. Pasalampak naman kaming naupo sa gilid ng hagdan.

"Diretso na kaya tayo sa next sub? Baka makita pa tayo rito ni Prof."

"Psh! E, isa pang katamad na subject 'yun. Punta na lang tayo sa cafeteria, parang gusto ko mag soda." sabay ngisi pa niya, nagtaas-baba ang kilay na tiningnan ako para kumbinsihin.

"Aga-aga softdrinks."

Wala rin naman kaming magawa kaya pumunta na lang kaming cafeteria. Hindi naman na kami pwedeng pumasok pa dahil na-late na kami. Kahapon pa lang sinabi na sa amin na "late comers are not allowed". Hindi na papapasukin kapag lagpas na sa saktong oras ng simula ng klase.

At dahil oras ng klase ng ibang estudyante samantalang ang iba naman ay hapon pa kaya wala masyadong tao sa cafeteria pagdating namin. Inakbayan naman ako ni Zane nang dumiretso kami sa couter dahil wala namang pila.

"Ano sa 'yo?" baling niya sa 'kin gamit ang nag-aangas nitong boses.

"Tubig." tipid na sagot ko naman. Nakita ko pa ang pag-irap niya, mahinang siniko ko naman siya sa tagiliran saka inalis ang braso niya sa balikat ko.

Matapos makuha ang order ay naupo agad kami sa malapit na table. "Nga pala, Santi. May gagawin ka ba sa Sabado?" bukas niya ng usapan. Nagsimulang lumamon sa biniling sandwich at soda.

Prente naman akong sumandal sa upuan habang naka-krus ang braso sa dibdib ko. Pinanood ko siyang kumain dahil magkatapat ang pwesto ng upo namin.

"Bakit?"

Uminom pa muna siya sa lata ng Cola bago nagsalita. "Baka gusto mo ng trip? Nanonood ka ba ng racing?"

Nakuha ko agad ang sasabihin niya. Hindi na 'ko magtataka kung may alam din siya sa drag racing na kinabibilangan ko. Baka nga, kabilang pa siya ro'n.

Nagpanggap naman akong hindi interesado. "Racing? Tatakas ka sa sabado 'no? Bawal pa kaya lumabas." kaswal na sabi ko at sinuklay ng daliri ang buhok.

"Matic na syempre. Alangan sa main gate pa ako dumaan e, isa na nga lang bantay ro'n pe-perwisyuhin ko pa ba?" aniya. Isa nga lang ang guard ng University na 'to sa main gate pero tinodo naman sa marshals.

"Ano nga? Sasama ka ba sa sabado? Inaabangan pa naman 'yung magiging laban sa araw na 'yun kaya panigurado na marami ring pupunta." pagpupumilit naman niya.

Tahimik naman akong napahinga ng malalim. Nakaramdam ng kaba sa isiping hindi biro ang magiging karera ko sa sabado. Mukhang sikat pa ata 'yung makakalaban ko, bwisit.

"'Di na. Hindi naman ako mahilig sa ganiyan." napangisi ako sa sinabi kahit ang totoo nahihilig na ako sa pagkarera.

Hindi naman na siya nagpumilit pagkatapos n'on. Nakatanaw lang naman ako sa entrance habang inaantay siyang maubos ang kinakain. Medyo nagtagal din kami roon bago lumabas ng cafeteria at nagikot-ikot sa campus. Mahaba pa naman ang oras namin kaya hinayaan ko na ring i-tour niya ako tutal hindi pa naman ako nakakapaglibot-libot.

Dinala niya ako sa gymnasium, kung saan ang may kalawakang court agad ang bubungad pagpasok sa loob. May iilang mga naglalaro pa pagpasok namin.

"Pag-alis nila 1v1 tayo." biglang aya ni Zane, kumindat pa at mukhang naplano na ang gagawin bago pa kami makarating. Natawa naman ako at bahagyang nailing sa naghahamon nitong tingin sa 'kin.

He's a SheWhere stories live. Discover now