Wyatt's POV
"Bago 'yan ah? Dati hindi ka naman palasalita." Kazuo said with his usual sinister grin. I just chuckled and didn't say anything. Well, I was kind of surprised of myself too.
Hindi naman kase talaga ako palasalita tulad ng sinabi niya. But there's something about this Santi that bring this new side of me. I just love to tease her, and push her to her edge until she admit that she's a girl.
"Where's Santi?" nilingon namin si Damien nang magsalita ito, kararating lang niya at hindi namin alam kung saan na naman galing.
"On our room." I said, raising my brows on them when they laugh.
"Swerte ng gago." Alas throw me a pillow, teasing me. Naalala ko tuloy ang first meet namin ni Santi kanina, I can't help but chortle when her face flashes on my mind. "Tumatawa na rin mag-isa oh!" malakas na tumawa si Alas sa sarili niyang biro.
Natawa rin ng bahagya si Damien saka naiiling na iniwan kaming nag-aasaran sa sala.
"Hoy!" sigaw ni Alas nang si Carter naman ang sumulpot.
"What?!" iritado na ang mukha nito nang lingunin siya. He sat between me and Kazuo on the couch and pout like a kid. "She's not talking to me!" maya-maya ay maktol nito na animo'y bata.
"Gago malamang pinakealam mo 'yung gamit niya, sinong 'di magagalit sa 'yo."
"I was just teasing her, okay? Hindi ko intensiyon na makita 'yung mga undies niya."
I chuckled, loko talaga 'to. "So your eyes accidentally landed on her undies that was inside her bag? Without even touching or looking for it? Yeah?"
Carter throw me a glare, he knew that his lame excuses are not enough to defend his actions.
"Hanggang anong oras lang daw?" boses iyon ni Santi, nang lingunin namin ito ay magkatabi silang naglalakad ni Damien. I wet my lower lip as I watch them walk slowly toward us.
"Until 7pm lang, may pupuntahan ka ba?" Damien voice is gentle and soft as he talk to her. Ibang-iba kapag kausap kami, lagi naka-activate pagiging Kuya sa grupo sa sobrang authorative. "Sasamahan na lang kita kung gagabihin ka."
Sinulyapan ko 'yung tatlo na nakikinig din pala sa usapan nung dalawa. Mahinang natawa si Santi, that chuckle sounds feminine.
"Damn." bulong ni Kazuo at umayos ng upo.
"Hindi na, saglit lang din naman ako." sagot naman ni Santi, inayos niya ang suot na salamin at sumulyap sa 'min. Nang magtama ang mata namin ay agad ko siyang nginisihan, sinabayan ko pa iyon ng pagtitig para mainis siya lalo.
"Bwisit." I read her mouth whisper. Doon ako natawa at hindi ko na napigilang tumayo para lapitan sila. Ang sarap talaga niya inisin, kahit galit ang ganda pa rin.
"'San tayo?" aniko nang makalapit. She look so small between our huge frame, napapagitnaan pa namin siya ni Damien kaya mas lalo siyang lumiit sa paningin ko.
"Hindi ka naman kasama." ngisi ni Damien na alam kong nag-aasar lang, basta na lang niyang hinawakan sa pulsuhan si Santi at naglakad, pero wala pa sa pinto ay nahinto rin agad.
"H-Hey! No touching. Makahawak naman parang nababakla e. I can manage, mauna ka na maglakad." I can feel her uneasiness, a faint blush appearing on her cheeks.
I fake a cough and motion Damien to look at her. Tangina, naunahan pa ko ng gago. Nangingiti pa itong napailing nang makuha ang pinupunto ko. That his touches have an effect on her and even made her blush.
"Yeah, pasensiya na." hingi naman niya agad ng tawad pero natatawa naman. Gago.
"'San ba kase kayo? Sasama na lang kami, walang magawa rito." si Alas, nag-unat pa ito nang makatayo.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...