"Mommy." nangibabaw ang boses ni Yuki, bago ko pa siya lingunin ay nakayakap na siya sa hita ko. Nilingon ko si Carter at masama itong tiningnan dahil binitawan niya si Yuki gayong nandito pa sa loob ng dorm itong si Damon.
Hinaplos ko naman ang buhok niya habang nanatili siyang nakayakap sa binti ko, panaka-nakang sinusulyapan ang bagong mukha na nasa harap niya. Muli ko namang hinarap si Damon at nakitang na kay Yuki ang mata niya. Matagal na napatitig sa bata, nahuli ko pa ang bahagyang pagkusap ng mga mata bago seryoso na muli na marahang nag-angat ng tingin pabalik sa 'kin.
Ngayon ay sumilay ang nakakauyam na ngisi sa labi niya. Sa pinapakita niyang asta sa harap ko ay kitang-kita ang laki ng pagkakaiba niya kay Damien. Kalaunan ay pagak siyang natawa.
"So you are his mother now?" taas ang kilay niyang anas, hinimas ang pisngi at panga niyang natamaan ng kamao ko. "As far as I remember patay-" hindi ko na hinintay na tapusin ang sinasabi niya.
Nahigit niya ang paghinga nang mabilis na nasalo ang panga niya, si Wyatt ay agad na kinuha sa 'kin si Yuki. Natutuwa ako na hindi niya ako pinigilan ngayon, dahil hindi ko rin alam kung magpapapigil ako.
"Damn, that was fast." nakuha pa niyang magsalita gayong mariin na ang hawak ko sa panga niya. Pinipigilan ko lang ang sarili na ikutin ang ulo niya ngayon nang matuluyan. Kahit papaano kapatid pa rin siya ni Damien at ama siya ni Yuki, magpasalamat siya na kahit paano nagdadalawang isip pa ako.
"Wala kang mapapala rito kaya umalis ka na." si Carter na lumapit sa amin, seryoso ang tingin niya nang saglit na sulyapan ako. Hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong kakaiba sa tingin niya na 'yun pero pinili ko pa rin na huwag na lang pansinin.
Inabot ni Carter ang kamay ko at siya ang kusang nag-alis niyon sa pagkakahawak sa panga ni Damon. Kusa naman akong nagpatinaod, hindi ko alam kung bakit tila nanlamig ang presensiya niya nang hawakan ako.
O ilusiyon ko lang?
Napatitig ako sa seryosong mukha ni Carter habang nakatayo siya sa harapan ko, hindi niya man lang ako sinulyapan gayong halata naman na nakatingin ako sa kaniya. Hinihintay kong muling magtama ang mata namin, ang tingin niya na tila may sinasabing dapat kong ikabahala.
Nakaharap siya kay Damon nang magsalita. "Umalis ka na." malamig ang boses na aniya, diretsong nagtagisan sila ng mata ni Damon.
Siya namang bukas ng pinto at pasok ni Damien. Salubong na ang kilay, nilibot ang mata sa 'min hanggang sa matigilan kay Damon. Agad na sinunggaban niya ito at kinuwelyo, kita ko pa ang pagdepina ng ugat sa kamay niya sa labis na higpit ng pagkakahawak doon.
"Putang ina mo, ang lakas talaga ng loob mong pumunta rito." galit ang madiing boses na asik niya sa kapatid.
Binalingan ko naman si Wyatt na buhat ngayon si Yuki, nang nagtama ang mata namin ay agad na nakuha niya ang ibig sabihin ng tingin ko. Inabot niya sa akin si Yuki na agad na sumubsob sa leeg ko at yumapos.
Gustuhin ko mang manatili para matutukan sila, kailangan kong umatras para bigyan sila ng privacy. Ang importante ngayon ay mailayo si Yuki rito, lalo pa at naririnig ang murahan at away nila. Kagabi lang ay natrauma na siya sa nangyari kay Nanay Tess, ayoko nang madagdagan pa ang trauma na 'yun.
Ngunit hindi pa man tuluyang nakakahakbang ay agad na pinigilan ako ni Damon para ilayo ang anak niya. Ang kaninang matapang nitong mukha ay namumungay na ngayon.
"P-Please don't...I just want to make sure he is safe kaya ako nandito. Please 'wag mo naman ilayo 'yung a-anak k-ko sa 'kin." ngayon ay pakiusap niya, binabalewala ang masamang tingin ni Damien maging ang pagdakot nito sa kwelyo niya.
Hindi ko siya pinansin at tuluyang humakbang palayo sa kanila, patungo sa kwarto namin ni Kazuo kung saan hindi maririnig ang pagtatalo nila.
Wyatt's POV
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...